CHAPTER 46

78 4 0
                                    

Sammer's POV

Maaga akong nagising, siguro mga 3 am palang. Ewan ko ba, hindi ako makatulog ng maayos kagabi. Tapos ang sama pa ng panaginip ko!

Siguro totoo nga yung sinasabi nilang babangungutin ka kapag natulog ka nang stress ka at mabigat ang pakiramdam mo.

-,-

Napagdesisyunan kong bumaba para uminom ng malamig na tubig. Oo malamig na tubig, ayoko ng mainit sa umaga sumasakit yung tyan ko.

Nakakabobo ba yon? Hahaha!

Pagkatapos kong uminom, bumalik ako sa kwarto ko.

Aish! Di ako makatulog!

Pumunta muna ako sa terrace para magpahangin. Malamig ang simoy ng hangin tuwing madaling araw kaya gustong gusto ko dito. Buti nga hindi malamok eh.

Napatingin ako sa terrace ng kwarto ni panget. Hmm? Gising na kaya sya?

Tumalon ako sa kabilang terrace which is yung terrace ni panget. Chineck ko naman kung nakalock yung pinto ng terrace nya pero hindi.

Bakit hindi niya nilalock? Baka mamaya biglang may pumasok dito tapos... hays!

Pumasok ako sa loob. Nakita ko sya sa may couch at mahimbing na natutulog.

Ang arte talaga ng babaeng to! May kama na nga sa couch pa natulog! Hay nako!

Lumapit ako sa kanya. Napatingin naman ako sa kanang kamay niya, may hawak siyang calling card. Kinuha ko yon para tignan. Mukhang di naman nya ramdam.

'Dann Sederic Helfel'

Dann Sederic Helfel?

"Dann Sederic Helfel. Dann Sederic Helfel. Dann--" nanlaki ang mga mata ko nang maalala kong pangalan to ng tatay DAW namin.

Bakit hawak niya to?

'Here's my calling card, tawagan mo ko kapag nakapagdesisyon ka na at kung pumayag ka ng tumira sa bahay natin. Hihintayin ko ang tawag mo'

Posible kayang sinabihan niya rin si panget?! At don't tell me...

Agad kong kinuha yung phone niya sa lamesa na nasa harap ng couch.

Potek! May password!

Ano bang password nito?!

Napasinghal naman ako. Nag-isip ako ng pwede niyang ipassword.

Tinype ko yung name niya. Pero mali.

Sunod kong tinype yung pangalan ni Shaun. Mali ulit.

Tinype ko pangalan ni Justine. Mali na naman!

Bigla akong napangisi nang may maisip ako.

Baka ako yung password nya? BWHAHAHAHA!

Dali-dali kong tinype yung pangalan ko. Napanguso ako nang mag error ito. Pabagsak kong nilapag yung cellphone niya sa lamesa.

Assuming ka Sammer!

-,-

Tss!

Tinignan ko si panget. Hinawi ko naman yung buhok niya at inipit yon sa likod ng tenga nya. Napangiti naman ako.

Hays! Di ako magsasawang titigan ka, ang cute mo kasi hihi!

Aish!! Kinikilig na naman ako!

Nakakabakla pala ang magkagusto sa panget na to ano? Hahaha!

"Kapag asawa na kita, matutunaw ka talaga habang natutulog ka... kasi di na ako matutulog, tititigan nalang kita" mahinang sabi ko sa kanya. Napangiti naman ako.

The Bad Boy's LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora