CHAPTER 24

117 10 0
                                    

Someone's POV

"Sigurado ka bang alam mo kung saan nakatago yung mga test paper?" tanong nya. Tinarayan ko sya.

"Wag ka na ngang magtanong! Nag-iingay ka lang eh! Baka marinig tayo!" inis na sabi ko sa kanya. Hinanap ko na yung test paper ni Miracle. Iniisa isa kong basahin yung pangalan na nakalagay sa test paper. Ayun!

Nagkatinginan kami. Parehas kaming napangisi.

"Now, ang pinakaiingat-ingatan nyang scholarship ay mawawala na" nakangising sabi nya habang nakatingin sa mga test paper ni Miracle. Kinuha ko yung answer key sa mga itetest namin bukas. Parang gusto kong tumawa ng malakas pero kailangan kong manahimik dahil maririnig kami. Sa bahay nalang ako tatawa.

Umalis na kami sa faculty at umalis na rin sa school. Pag-uwi ko sa bahay, kumuha ako ng wine at ininom yon. Wala sila mommy kaya walang magbabawal sakin na uminom. I just want to celebrate dahil bukas, magmamakaawa si Miracle na makapagtest at maibalik ang scholar nya. Matatanggal rin sya sa school at isang mandurugas na ang tingin sa kanya ng iba. Inubos ko na yung wine.

*****

Mira's POV

Pagkarating ko sa room, sinalubong agad ako nila Jona at Krisa.

"Uy, lapag mo na yung gamit mo tas samahan mo ko sa faculty ni Ms. Dawin" sabi ni Jona.

"Okay" sabi ko naman. Nilapag ko na yung gamit ko sa upuan ko. Di na daw sasama si Krisa dahil tinatamad daw syang lumabas. Nagtaka naman ako, kasi dati gustong gusto nyang kasama sya pag aalis kami ni Jona.

Nakarating  na  kami  sa  faculty  at kumatok  naman  si  Jona.

"Come in" rinig kong sabi ni ma'am. Pumasok naman kaming dalawa ni Jona sa loob. "Pakidala muna tong copy ng test papers kay Mr. Chaez tapos bumalik kayo dito" utos ni ma'am. Kinuha naman na namin yung test papers at dinala sa faculty ni Mr. Chaez.

Fast  forward....

Patakbo kaming bumalik sa room dahil malapit ng magring yung bell para sa pagsisimula ng exam. Kapag wala ka pa sa room mo tapos nagring yung bell, di ka na pwedeng magtest.

Buti nalang nakaabot kami. Sakto nung pagkaupo namin dumating yung magbabantay samin. Di na sya bumati at sinimulang magdistribute ng test paper.

*****

Someone's POV

Nakabantay ako dun sa teacher na nagbabantay samin. Sana makita nya yung answer key sa bag ni Miracle. Nakalitaw naman yun kaya makikita. Nag-iikot yung bantay samin. Napangiwi naman ako nang huminto sya banda kay Miracle. Yumuko ng konti yung teacher at may kinuhang puting papel sa bag ni Miracle.

"What is the meaning of this?!" galit na galit na sabi nung bantay. Lahat naman sila napatingin dun sa teacher. Nagtaka naman si Miracle.

"Are you trying to cheat Ms. Wrosford?!" galit na tanong nung teacher.

"Ano pong sinasabi nyo?" tanong ni Miracle.

Hays! Kawawa ka naman Miracle!

"Stand up and follow me!" sigaw nung teacher. Walang nagawa si Miracle kundi ang tumayo at sundan yung teacher. Patago akong ngumiwi.

Katapusan na ng scholarship mo Miracle. At sigurado akong madadrop out ka.

*****

Mira's POV

Di ko alam kung anong pinagsasasabi ng teacher na to sa dean. Sabi nya nakita nya daw yung answer key sa bag ko. Eh paano mapupunta sa bag ko yon eh di ko naman kinuha yon.

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now