CHAPTER 31: REVELATION

125 8 0
                                    

Sammer's POV

"Aaaaaaarrrrghhh!!!" napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok.

Wala lang! Di ako naiinis! Pero parang ganon na nga!

Kanina pa kasi paulit ulit sa tenga ko yung sinabi ni panget!

"Oh bro? Anyare sayo? Nakipaggera ka ba sa babae?" takang tanong ni Razzel. Binigyan nya ako ng softdrinks na dala nya.

"Ano bang sign kapag in love ka?" tanong ko. Humalakhak naman ito kaya binatukan ko.

"Makabatok ka naman!" reklamo nya. "Parang di ka naman na-in love! Tss! Nagka-girlfriend ka na kaya dapat alam mo na yan" napatingin nalang ako sa kawalan.

"Posible kayang magustuhan ko si panget?" wala sa katinuan kong sagot.

"Huh? Si Miracle ba?" sinamaan ko sya ng tingin.

"Hmm... posible KUNG! Lagi kayong magkasama, tas kapag magkasama kayo... madalas nagiging masaya ka. Tsaka di naman sya mahirap gustuhin! In denial ka lang kaya akala mo ayaw mo sa kanya! Diba nga the more you hate the more you love!"

"Di ako naniniwala dyan! Si Satan nga hate na hate ko ibig sabihin non mahal ko sya nang higit?!"

"Pfft! Magkaiba naman kasi yon tungaks! Pagdating sa usapang LOVE! Iba meaning nung kasabihan na yon" napatingin ako sa kanya nang tumayo sya.

"Alam mo bro... the more na iniiwasan mo sya o iniiwasan mong magustuhan sya, you will fall deeper! Alam mo kung bakit? Ikaw na mismong umalam! Goodluck bro!" tuluyan na nya akong iniwang walang maintindihan.

Ayoko na magka-gusto ulit at masaktan. Kung hahayaan kong mahulog ako sa kanya, alam kong hindi naman nya ako sasaluhin dahil ayaw nya naman sakin.

Hays!

Naisipan ko nang bumalik sa room. Time na rin naman na.

———

After ng klase, pununta ako sa room ni panget, as I promised to her na ako na gagawa lahat ng ginagawa ni Justine para sa kanya.

I hate doing this, but I think I like it.

Aaaaahhhh!!! Ewan!

Pagkalabas nya ng room nila, napatingin sya sakin na parang nakakita sya ng multo.

"Kanina ka pa dyan?" tanong nya. Napasinghap nalang ako. Ikaw ba namang tanungin ng ganyan!

"Malamang! Ang tagal tagal mo pang lumabas!" inis na sabi ko sa kanya. Nauna na akong naglakad at sumunod naman sya.

"Eh malay ko bang susunduin mo ulit ako" di ko nalang sya pinansin. Nakakawalang ganang makipag-usap.

Pagkalabas namin ng gate, sakto namang nandoon na yung sundo namin. Binuksan ko yung pinto at hinintay syang pumasok, pero sa unahan sya pumunta.

-,-

Kita mo na?! Kita nyo hah?! Alam na alam kong masasaktan lang ako sa kanya!

She can't see my effort, at ayaw nyang alamin yon.

Pumasok nalang ako sa loob. Bahala sya dyan!

Napatingin ako sa kanya dahil akala ko nakaupo na sya sa front seat, pero hindi pala.

Wala bang balak sumakay to?!

"Ah kuya, out duty muna ako. Pakisabi nalang kay Mrs. Jackson na di ako makakapagtutor kay gunggong ay este kay Sammer. Baka kasi di nya pa nakikita yung message ko, kaya pakisabi nalang po ah? Salamat" bago pa ilabas ni panget yung ulo nya sa bintana, tumingin muna sya sakin. Paalis na sana sya pero tinawag ko sya.

The Bad Boy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon