CHAPTER 14: Where's Miracle?

141 10 0
                                    

Mira's POV

Pagkauwi na pagkauwi ko, dumeretso agad ako sa kwarto at nahiga. Hooo! Grabe! Nakakapagod ang araw na to.

Sa totoo lang, di naman kailangan ni gunggong ng tutor. Kailangan nya lang ng sermon. Di naman sya bobo, tamad nga lang. Ewan ko ba don! Pero napansin ko lang, parehas kaming malayo ang loob sa tatay. Naikuwento kasi sakin ni Ms. Howard yung tungkol sa dad ni gunggong. Ang sabi nya, kaya nagkaganon si gunggong dahil hindi nya nakikitang proud sa kanya yung dad nya. Mahina rin ang loob nya dahil never syang sinabihan ng dad nya ng magandang salita. Lagi daw si Shaun ang napapansin ng dad nya at hindi si gunggong. Parehas kami ng sitwasyon pero mas malala yung akin. Pero bakit mas mahina ang loob nya kung mas malala yung akin? Dapat nga maging motibasyon nya yon para ipakita sa mga taong walang tiwala at hindi proud sa kanya na kaya nya. Ako nga eh, mas nagsikap ako. Kasi sinabi ko sa sarili ko na kaya kong mabuhay mag-isa. Pero minsan nakakainggit rin yung mga anak na proud sa kanila yung parents nya. Sayang! Kung buhay pa sana si mama, hindi ako mag-iisa. Hays! Tama na nga! Ang drama na! Hahahaha!

Naghalf bath muna ako bago matulog.

**

Kinabukasan...

"Ano? Kamusta pagtututor mo kay Sammer?" tanong ni Jona habang naglalakad kami papuntang library. Wala kasi kaming first sub dahil may inaasikaso daw.

"Hmm... Ayos lang naman. Di naman sya mahirap turuan" sagot ko naman.

"Panong hindi mahirap? Eh halos pasang awa nga mga grades non! Kahit mga teacher nya di sya kayang turuan sa madaling paraan kaya pasang awa na grades ang binibigay sa kanya" -Jona.

"Oo nga! Siguro may ginawa ka no? Hmm... Sabagay, nakakatakot ka nga naman. Pero si Sammer? Walang kinatatakutan yan" -Krisa.

"Eh hindi nga sya mahirap turuan. Nakikinig naman sya" katuwiran ko.

"Weh? Nakikinig? Hahahaha! Imposible yan no! Siguro nahirapan ka talaga no?" bat ba ayaw maniwala ni Jona?

"Totoo nga promise! Mukha ba akong nagsisinungaling? Ang teknik lang kasi para mapasunod mo sya, mag-isip ka ng parusang ayaw nyang gawin" sabi ko sa kanila.

"Like what?" sabay na tanong nila.

"Pabasahin mo ng makapal na libro kapag di sumunod" sagot ko naman.

"Gumana?" tanong ni Krisa. Tumango naman ako.

Umupo kami sa pinupwestuhan ko.

"Iba ka! Kahinaan nya pa naman yun hahahaha! Tamad kasi yun! Dinaig pa si juan tamad!" natatawang sabi ni Jona.

"Magbasa nalang tayo, bawal pa naman maingay dito" sabi ko sa kanila. Nagbuklat na kami ng libro at nagbasa.

*****

Razzel's POV

Hello ulit!  Namiss nyo ba ako? Wahahahaha! May ichichika lang ako!

*wink*

Isang himalang hindi kapani-paniwala! Nakikinig si Sammer sa teacher namin. Anong nakain ng lokong to at naisipang makinig? Natatawa tuloy ako! Wahahahahaha!

"Sa teacher ka tumingin wag sakin" aniya. Natigilan naman ako. Umiwas nalang ako ng tingin dahil baka mawala ang himala sa katawan ng lokong to.

Pero di ko pa rin maiwasang mapatingin sa kanya. Nakakagulat kasi!

"Mr. Swiftkins! What is  sexual  reproduction?" napatayo  agad  ako  nang  tawagin  ako  ni  Ms. Dawin. Taeng  yan! Di ko  alam  ang  sagot! Potek  na  Sammer  kasi  to! Ginugulo  isip ko!

The Bad Boy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon