CHAPTER 40

94 5 0
                                    

Mira's POV

Nakauwi na sila Krisa. Dinalaw kasi nila ako.

Tss! Ang pangit naman pakinggan kapag dinalaw, binisita nalang! Ahaha!

Napatingin ako kay gunggong. Nasa couch sya at natutulog. Nakanganga pa nga eh.

Pfft!

Pinilit kong tumayo para lapitan si gunggong. Kumikirot pa yung likod ko pero hindi ko iniinda yon. Galos lang yan kung ikukumpara sa mga ginawa sakin ni Dad--I mean, ni Mr. McGrey.

Kinuha ko yung cellphone ni gunggong sa table na kaharap ng couch at in-on ang camera. Pinicturan ko sya nang marami.

Ewan ko ba sa trip ko ngayon! Haha! Tss!

Natigilan ako nang bigla itong nagmulat ng mata. Tumingin sya sakin. Nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Hinapit nya yung likod ko at niyakap ako. Pilit naman akong pumipiglas pero ang higpit ng yakap nya. Sunod-sunod akong napalunok dahil sa ginawa nya.

"Let me hug you" rinig kong sabi nya. Nakadag-an ako sa kanya. Yung ulo ko nakasiksik sa leeg nya.

Bwisit to!

Potek! Kinakabahan ba ako o ano?! Yung puso ko tumitibok na naman ng mabilis!

Gusto kong kumawala sa yakap nya pero parang merong nagsasabi sakin na hayaan lang sya, na parang gusto ko ring yakap yakap nya ako.

Argh! Baliw ka na Mira!

"What if... magkapatid nga talaga tayo?" rinig kong tanong nya. Napapikit naman ako.

"Edi magkapatid tayo! Hindi naman natin mababago kung magkaano-ano talaga tayo! Tss!" para akong naiinis sa kanya. Di ko alam kung bakit. Dahil ba sa tanong nya o dahil magkapatid kami?!

Hayst!

Ang tagal nya nang nakayakap sakin at nangangalay na ako. Oo! Nakakangalay! Ikaw ba namang nakaupong nakadapa sa kanya.

[Gets nyo?! Hahaha! Ah basta bahala na kayo jan!]

"Baka gusto mo kong bitawan? Nangangalay na ako" sabi ko. Unti-unti namang lumuluwag yung pagkakayakap nya sakin.

Mabilis akong tumayo at bumalik sa kama. Nagtalukbong ako ng kumot. At hindi ko alam kung bakit! Para tuloy akong tanga!

Feel ko nagbablush ako. Bakit ba kasi?!

Napasapo ako sa dibdib dahil sa kaba. Pumikit nalang ako.

Di ko naman narinig na nagsalita si gunggong. Sobrang tahimik. Kaya sinilip ko sya. Pero pagkaalis ko ng kumot, nagulat ako nang nasa tabi ko na pala sya.

Lalo tuloy bumilis yung tibok ng puso ko.

Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa, parang tatlong daliri nalang ang pagitan.

[Oo! Tatlong daliri! Sinukat ko pa muna yan bago itype whahahaah! Para sure!]

Tinulak ko naman sya. Pero hindi yon ganon kalakas. Umayos sya ng upo at nagcross arm.

Ano bang problema nito?!

"Umamin ka nga sakin panget!" kunot noong sabi nito. Napalunok naman ako.

"Anong aaminin ko?!" tanong ko naman.

"May gusto ka ba sakin?" natigilan ako sa tanong nya.

"Ano bang klaseng tanong yan?!" iritadong tanong ko. Bigla namang sumeryoso ang mukha nya.

"Oo o hindi lang"

"Hoy gunggong! Di ka ba naano sa tanong mo hah?! Magkapatid tayo kaya tumigil-tigil ka!" pagkatapos kong sabihin yon ay nagtalukbong ulit ako ng kumot.

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now