CHAPTER 4

181 12 0
                                    

Mira's POV

Pagkapasok ko ng school, binatikos agad ako ng mga estudyante.

Ano na bang problema nila?

"Ang landi mo naman! Ang pangit pangit mo pero ang harot mo! Kung ako sayo lalayo na ako kay Justine!" sabi ng isang babaeng nagmamalinis.

Eh mas mukha pa nga syang pokpok.

Paulit ulit na salita lang ang naririnig ko sa kanila.

Di ko nalang sila pinakinggan at nagpatuloy ako sa paglalakad. At may humarang naman sa harapan ko.

"Dumating na pala yung nagpapanggap na nerd pero ang totoo naman ay maharot" salubong ng masamang bruha. Si Ashlee.

"Ano bang pinagsasasabi nyo? Ang aga aga nagsisimula kayo ng gulo" sabi ko sa kanila.

"Wow! Nagmamaang-maangan ka pa! Ano? Pavictim lang?"

"Alam nyo! Kung wala kayong magawa sa buhay nyo! Wag nyo na akong idamay!" inis na sabi ko sa kanya. Nilagpasan ko sya pero hinila nya ang buhok ko.

"Kapag di mo pa sya nilayuan! Sisiguraduhin kong hindi ka magtatagal sa school na to!" aniya nang may pagkadiin habang nakasabunot sa buhok. Tinulak nya ako ng malakas kaya bumagsak ako.

Talagang ginagalit ako neto ah!

Tumayo ako at hinarap ko sya.

"Apo ka rin ba ng may ari ng school na to?" natatawa kong tanong pero may halong pang-aasar. "Kasi wala akong pakialam eh"

Unti unti na syang tinutubuan ng sungay sa galit.

"Alam mo Ashlee! Wag kang magbabanta ng mga ganyan sakin para masindak ako. Iba ako sa mga babaeng takot na kalabanin ka. Baka gusto mong ikaw ang hindi magtagal dito? Hindi lang sa school na to, kundi pati sa mundo" sabi ko sa kanya. Di ko sya tinatakot, bahala sya kung matakot sya.

"Ang yabang mo! Bakit? Sino ka ba ha?! Isa ka lang namang nerd na nakatira sa squatter area!" natawa ako sa sinabi nya.

"Ayoko ng makipagtalo, di dahil sa naduduwag ako. Ayoko lang na mapahiya ka. Kaya pwede ba? Tumigil ka na?" pagkatapos kong sabihin yon ay tinalikuran ko na sya.

Ang aga aga issue agad bungad nila sakin! Tss! Mga walang magawa sa buhay.

*****

Sammer's POV

Bakit ba si pangit una kong nakikita? Nakakairita sa mata!

Nakita ko syang papasok na ng building nya. Katabi nya lang ng building si Scarlett. Tsk!

Naisipan kong puntahan si Scarlett sa room nila. Pero di na natuloy dahil nakita ko na sya.

♡O♡

"Scarlett!" sigaw ko. Lumingon sya sakin.

Pero parang di sya sakin nakatingin.

●︿●

Sinundan ko yung tingin nya hanggang sa huminto ako kay KJ.

Sa kanya ba nakatingin si Scarlett?

Bakit?! Ha?! Bakit?!

Di hamak na mas gwapo ako!

Pagkalingon ko ulit kay Scarlett, wala na sya.

O•o?

Nasaan na yun?

Hinanap ko sya sa buong paligid gamit ang mata ko pero wala na talaga sya.

Hays!

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now