CHAPTER 43

78 5 0
                                    

Sammer's POV

Simula kahapon pagkapunta namin sa McGrey Village hanggang ngayong papasok kami sa loob ng campus napapansin kong hindi okay tong si panget. Ang tahimik nya tapos kapag kakausapin mo sasamaan ka ng tingin.

Di mo alam kung naiinis ba sya o ano!

Nakakainis ba akong kausap? O ~ O

T - T

Hinatid ko sya sa room nila. Kasama ko naman sila Razzel eh. Si KJ nga pala, hindi na namin sya nakakasama dahil nga laging nakadikit sa kanya si Gillian.

I feel so bad for Gillian, she really love KJ pero si KJ mukhang si panget pa rin ang gusto.

-,-

"Oy bro, kanina ka pa tulala?" rinig kong tanong mi Razzel kaya nanumbalik ang ulirat ko. Napabuntong hininga naman ako.

"Ayos ka lang Sam? Bakit parang ang lungkot nyong dalawa ni Mira? LQ kayo? BWAHA---ARAY!!" binatukan ko nga.

"LQ LQ ka dyan! Di naman kami tss!" inis na sabi ko.

"At hindi pwedeng maging KAYO kasi MAGKAPATID KAYO!" sinamaan ko ng tingin si Hunter.

Kailangan pa bang ipagsigawan?! Alam ko yon!

Tss!

"Akala ko ba magpapa-DNA test kayo?" tanong ni Hunter habang naglalakad kami papuntang room.

Oo nga pala! Nakalimutan ko tss!

"Siguro sa sabado o linggo" di siguradong sagot ko.

"Di pwede sa linggo bro, kasal yon ni Justine tsaka Gillian. Invited tayo, di ka pwedeng mawala" napatigil ako sa sinabi ni Razzel.

"Sa linggo? Akala ko ba nung nakaraang araw yung kasal nila?" takang tanong ko.

"Inurong nila kasi hindi daw makakarating nong araw na yon yung kamag-anak ni Gillian" nanahimik nalang ako. Wala naman akong dapat sabihin.

Nakarating na kami sa room. Wala pang teacher dahil maaga pa naman. Nakakawalang gana tong araw na to.

Biglang sumagi sa isip ko yung kasal nila KJ.

Sino namang magiging partner ko?!

Napangiti ako nang maalala ko si panget.

Sya nalang kaya? Hihi!!

I alreadt told you! I won't treat her as my sibling or sister! Alam ko naman kasing nagkamali lang sila! Baka nga si Shaun talaga nagpositive, napagpalit lang tss!

Pero saan naman kaya kumuha ng pangpa-DNA test yung matandang yon? Tsaka paano sya nakapagpatest?

Aish! Bahala na nga!

Dumating na yung first sub. Pero dahil wala akong ganang makinig, makikinig ako! Wahahahaha! Kahit wala akong gana makikinig pa rin ako! Lagot ako kay Miracle, magtututor pa naman sya mamaya.

.
.
.

Mira's POV

Kanina pa ako hindi mapalagay, kailangan ko si Shaun. Kahapon kasi di ko naisip na pakiusapan si Shaun na tawagan si Claude. Gabi na rin naman na non.

Nag-aalala ako para sa mga kapatid ko. Paano ko malalamang okay nga talaga sila kung hindi ko naman nakikita? Hays!

Si Dad talaga! Ipipilit kung ano ang gusto!

Hindi ako mapalagay dahil alam kong mahahanap ni Dad sila Claude. Ayokong sumama sila don dahil di ko na sila makikita kahit na kailan at naaawa ako kay Claude, wala pa sa isip nya ang magpakasal kaya ayaw nyang pumayag. At isa pa, hindi naman nya mahal yung taong yon.

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now