CHAPTER 33: It Hurts

131 9 2
                                    

Scarlett's POV

Nakakainis talaga yang Miracle na yan! Masyado na namang pa-victim para maawa sa kanya si Sammer!

"Gosh girl! Bakit ka may hawak nyan?" binalingan ko ng masamang tingin si Ashlee. Lumapit ako sa kanya at itinutok ko sa kanya yung kutsilyo na hawak ko.

Nakita kong napalunok sya sa gulat. "You know what? Naiinip na ako sa kakahintay na mabura yang Miracle Wrosford na yan sa mundo! I told you, gawin nyo na yung plano bago pa swertehin yang Miracle na yan!" madiin na sabi ko sa kanya.

"Teka, chill ka lang okay? And get that f***ing knife out of me! Baka mapatay mo ko" madiin ko syang tinignan bago ko alisin ang kutsilyo sa tapat ng pangit nyang mukha.

Malalim akong huminga. "I know naman na gusto mong mawala na si Miracle, ako rin naman! Duh! Pero there's a right time! And anyways... may binugbog lang sila Chan kaya hindi nila nagawa yung inutos mo nung nakaraan, but don't worry... kakausapin ko sila na unahin yon at gawin na ang plano"

"Dapat lang!" muli kong itinutok sa kanya yung kutsilyo. "Dahil kapag nakita ko pa yang Miracle na yan this week... ikaw ang papalit sa kanya! Naintindihan mo?!" umalis na ako sa basement na nagsisilbing hide out namin.

Ayoko sa lahat ay yung may umeepal sa buhay ko!

*smirk*

"Magpakasaya ka lang Miracle... landian mo pa! Dahil konting oras nalang ang natitira sayo" pinaharurot ko na yung kotse ko.

.
.
.

Miracle's POV

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Nilibot ko yung mata ko, puro puti nakikita ko. Habang nakasapo ang kamay ko sa noo ko, pilit kong ibinangon ang katawan ko.

"Paano ako napunta dito?" napatingin ako sa may right side ko. Natigilan ako nang makita ko syang nakahiga sa sofa habang mahimbing na natutulog. Bigla naman akong napangiti.

Hindi dahil sa natutuwa akong nandyan sya! Hindi yon yung dahilan!

Sino ba namang hindi matatawa sa kanya eh nakanganga sya habang natutulog tas halos mahulog na sya sa sofa.

Bumaba ako sa kama at nilapitan sya. Inayos ko sya ng higa at kinumutan. Hinawi ko yung buhok nya, at doon ko lang napagtanto na ang cute nyang tignan habang natutulog.

"Pfft... gwapo ka sana kaso ang pangit mong matulog" bulong ko sa kanya.

Mukhang malalim ang tulog nya. Lalabas muna ako para magpahangin. Alam kong may mini park tong hospital kaya doon ako pupunta.

Umupo ako sa bench at sumandal. Napabuntong hininga ako at tumingin ako sa malayo. Bigla na namang sumagi sa isip ko yung sinabi ni Dad.

O dapat ko bang tawagin na Mr. McGrey?

Kung hindi nya ako anak, ibig sabihin step brother ko si Kuya pati si Blake. Pero parang ang hirap paniwalaan ng sinabi nya. Ayaw nya sakin kaya posibleng nagisisinungaling sya.

Ano bang pakialam ko kung totoo yon o hindi? Tss! Kahit naman totoo nya akong anak, hindi naman nya ako ituturing na kadugo nya.

"HOY PANGET! WALANG HIYA KA! NANDYAN KA LANG PALA!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yon. Pagtawag nya palang sakin alam ko ng si gunggong yon.

Tss!

Patakbo syang lumapit sakin at hingal na hingal. Akala mo nakipaghabulan sa mga aso. Pfft!

"Hanap ako nang hanap sayo nandito ka lang pala!! Bakit di ka nagpapaalam hah?! Nakakainis ka! Alam mo ba yon hah?! Tas kung saan saan ka namin hinanap ng mga kaibigan mo nung hindi namin alam kung nasaan ka at bigla kang nawala!" natigilan naman ako sa sinabi nya. Seryoso yung mukha nya.

The Bad Boy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon