Bloody I [EDITED]

48.7K 753 125
                                    

Sheerina POV

Naglalakad ako papunta sa mall ngayon. Imimeet ko ang mga classmate ko dahil last day na namin kanina at gusto namin na magkasama sama sa huling pagkakataon.

As i enter the mall, may sumigaw.

"Sheerina! Late ka na naman!" It's Raven. Kaklase ko. Maganda sya at medyo famous, maganda kasi ang boses nya, samantalang ang boses ko ay palakol.

Tinignan ko ng mabuti ang babaeng to, may itim at bagsak na buhok.

Napaka-puti nito na parang walang dugo, minsan nga iniisip ko baka bampira to. Hahaha.

Ngumiti ako sakanya atsaka nagmamadaling pumunta don.

Pumasok kami sa Starbucks. Pano to? 500 lang dala ko?

May biglang pumasok sa isip ko.

"Woy Lisa! Sabi mo ililibre mo ko!" Sigaw ko, nagtinginan ang mga tao sa loob ng Starbucks.

Nakita kong binelatan ako ni Lisa, baka hindi ako ilibre ng babaeng to.

Nakakahiya pa naman yung pag-sigaw na ginawa ko. Nakalimutan ko atang nasa loob kami nito ng starbucks.

"Pwede ba, tantanan mo nga yan at nakakahiya." Seryosong sabi ni Raven sa akin na ikinatawa ko. Ganyan talaga sya, masyadong prangka

"Oo na" Sabi ko at bumaling naman ang tingin ko kay Lisa. Tawa ng tawa ang gaga.

A couple of minutes later.

May naglapag ng Starbucks frappe sa table. Nangiti ako at tumingin kung sino ang nagbigay.

It's Lisa, kahit ganyan yan babaeng yan di nya ko matitiis.

"Salamat" Sabi ko at niyakap sya. Para na kaming magkapatid ni Lisa. Si Lisa yung klase ng kaibigan na parang babaeng bakla.

May kulay brown at kulot itong buhok. Take note, mahilig sa kulay pink.

"Ikaw pa? Matanggihan ba naman kita, gaga ka." Sagot naman ni Lisa. Hahaha. Alam ko namang hindi nya ko matatanggihan.

Tumanggal na ko sa pagkakayakap ko sakanya at humigop ng frappe.

Nakakatawa lang na magiging kaibigan ko pala tong si Lisa.

Dati binubully bully ako nyan e, famous kasi yan sa school, maganda na mayaman pa. Kaya lang... Bobo. Pero she won't stand a chance beating me.

"Omaygash! " Narinig kong sigaw ng kaklase naming si Alyana.

Lumapit kaming tatlo nina Raven at Lisa kay Alyana.

"Ayos ka lang?" Tanong ko kay Alyana.

"I think i need to go to the cr" Sabi ni Alyana habang hawak hawak ang ilong.

"Raven let's go" Paglingon ko sa kabila ay wala na sya.

San pumunta ang babaitang yun? Kunot noo kaming nagtinginan ni Lisa.

Inaya ko na si Lisa na bumalik sa table namin.

Nagpatuloy na nga kami sa kwentuhan at tawanan.

"Lisa, nakailan ka sa periodical oh?" Tanong ni David. Alam ko namang aasarin nya lang si Lisa.

"Ba-bakit mo tinatanong?" Sagot naman ni Lisa atsaka umirap. Hahaha. Hindi makasagot ang gaga.

Gaga ang tawagan naming dalawa.

"Mababa ka na naman no? Hahahahahahah" Tanong ni David at saka tumawa ng malakas. Nakitawa na rin kami.

Abnoy talaga tong si David, ayaw nalang umamin na may gusto sya kay Lisa. Oopps, did i spill the beans? Hahaha.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon