XXXIV

7.4K 331 152
                                    

Sheerina

Matapos kumain ay dumiretso kami sa sinasabi ni Meridette. Libre daw nya kaya napapayag kami. Kaming mga babae. Ang mga boys naman daw ay maghahanap ng consoles nila.

Meron naman sa bahay namin, ewan ko lang sakanila.

"Omg my nails is so pretty!" Sigaw ni Meridette ng makalabas kami ng nails salon. Tinignan ko din ang kuko ko at maganda nga talaga ang kinalabasan nito.

Kulay pula ang pinalagay ni Meridette, si Raven naman ay itim, at si Veruca ay wala. Pinalinis nya lang ang kuko nya.

Ganon din naman ang akin, katulad ng kay Veruca.

"Buti nalang nakakuha tayo ng discount." Sabi ni Veruca na mukhang nanghihina.

'Ano kayang nangyari sa babaeng to? Nung makuha namin sya mula sa headmaster, kapansin-pansin talaga ang panghihina ng kanyang katawan.'

"May discount o wala, i can pay it." Mataray na sabi ni Meridette. Pumasok naman kami sa bilihan ng console at mukhang patapos na rin ang mga lalaki.

Si Elliot ay parang batang tuwang-tuwa dahil may hawak sya na nintendo switch.

Kakaiba talaga ang mga bampirang 'to, bampira na nga, mayayaman pa

Ilang minuto lang at natapos na sila sa pamimili. Si Elliot lang ata ang may biniling laruan. Yung iba, puro cd ng ps4.

"Yes!!" Sigaw ni Elliot ng makalabas kami. Yakap-yakap nya ang nintendo switch nya.

"Kanina mo pa yakap yan." Puna sakanya ni Ellliot. Hinawakan naman sya sa braso ni Elliot atsaka ngumiti.

"Salamat hehe." Sabi nito kay Daemon. Siguro si Daemon ang bumili ng nintendo ni Elliot.

"So, uuwi na ba tayo?" Tanong ni Meridette. Hindi naman kami sumang-ayon sakanya.

"Carl, samahan mo ko." Sabi ni Raven kay Levicarl. Kelan pa nag ka-palayaw si Levicar

"San?" Tanong naman sakanya nito.

"Sa bookstore." Sagot ni Raven at pumunta ng bookstore. Mabilis na sinundan naman sya ni Levicarl.

Tumabi naman sakin si Chaos, i don't know pero kinakabahan ako. Ano ba 'to?!

"Where do you wanna go?" Tanong ni Chaos sakin. Kinagat ko ang labi dahil nagpipigil ako ngumiti! Ewan ko kung bakit ako nangingiti!

Umayos ka nga Sheerina!

"Ka-kahit san." Mahina at nauutal kong sagot. Bakit ba ganito 'tong dila ko? Umayos ka!

"Im asking you, where do you wanna go?" Tanong ulit ni Chaos, at mararamdaman mo talaga ang lamig sa boses nya!

Bakit ganito 'to?! Ang lamig ng boses!

Ilang segundo ang nagdaan pero walang salita ang lumabas sa bibig ko!

A-ang awkward!

Nagulat ako ng may biglang humila sa braso ko atsaka ako kaladkarin!

Ang ending, napatakbo ako ng wala sa oras!

Napatakbo ako na parang sobrang bagal!

Napatakbo ako at maging ang puso ko'y nakisali!

Umakyat kami sa escalator at nagtatakbo pa rin ng nagtatatakbo!

Pagod na ko! San ba kami pupunta?! Saan!? Nangangatog na 'tong binti ko!

And finally, tumigil na kami! Sa wakas!

"A-ano bang gusto ng mga babae?" Nahihiyang sabi ni Chaos. Ito ba ang dahilan kung bakit kami ikot ng ikot kanina?!

Bloody Hell University (EDITING)Where stories live. Discover now