XXXIII

6.9K 322 102
                                    

Sheerina

Ng imulat ko ang mata ko, tulog pa silang lahat. Tanging si Ashton lang ang gising.

"Malapit na ba?" Tanong ni Ashton sakin. Pinagmasdan ko naman kung nasaan na kami. Umaga na at paniguradong nandito na kami.

Ngumiti ako bago sumagot kay Ashton.

"Nandito na tayo." Masaya kong sabi. Kahit umaga na ay hindi pa rin nakakapasok ang araw dito dahil sobrang tinted ng van Meridette.

Dahil si Meridette ang katabi ko, pinagyuyugyog ko sya upang magising.

Nagkusot ito ng mata at tumingin sakin ng masama.

"Oh?" Inis nitong tanong. Nginitian ko sya at pinasilip sa bintana.

"Ano yan?" Nagtataka nyang tanong dahil puro building lang ang nakikita nya.

"Nandito na tayo." Masaya kong sabi. Medyo napakalas dahilan para magising si Elliot.

"Wow!!!" Malakas nyang sigaw at sigurado pa sa sigurado, gising na ang lahat.

"Ang ingay." Reklamo ni Daemon na mukhang kagigising lang.

"Istorbo." Reklamo naman ni Sick na kagigising lang rin. Napangiti ako dahil ang cute nitong matulog!

Nagpupungas-pungas pa ang mata nya at tuluyan na ngang gumising.

Si Raven naman ay nagbasa lang, habang si Veruca ay nakapikit pa rin.

"Anong oras na?" Tanong ni Sick. Si Levicarl ang sumagot.

"Alas-singko ng umaga." Sagot ni Levicarl. Nagbukas ito ng sitsirya tsaka kinain.

Dumukot doon si Elliot ng madami at lahat yun ay ipinasok nya sa bibig nya.

"Elliot ano ba." Naiinis na sabi ni Levicarl. Tinignan lang sya ni Elliot na parang nagmamaang-maangan.

Tinignan ko naman si Chaos na kumakain ng chocolate. Bigla akong natakam, masarap kaya ang tsokolate.

"Pahingi." Nakangusong sabi ko kay Chaos. Tinignan nya muna ako ng matagal at tsaka ako inabutan.

"Thank you." Nakangiti kong pasasalamat.

"Hala Chaos bakit si Sheerina?!" Sigaw ni Elliot at pilit kumukuha ng chocolate sa bag ni Chaos.

"Pahingi din kami." Sabi naman ni Levicarl at kinukuha ring pilit ang bag ni Chaos.

"Chaos, give me one." Seryosong sabi ni Ashton kaya parang binagsakan ng langit ang itsura ni Chaos.

Ibinukas nya ang bag at pinag-aabutan si Ashton, Elliot, at Levicarl.

Inilahad naman ni Raven ang kamay nya habang nagbabasa pa rin.

Huminga ng malalim si Chaos at binigyan si Raven.

"Hindi nyo ba alam na malaki ang fats nyan?" Nandidiring sabi ni Meridette. Sinubuan sya bigla ni Elliot habang nagsasalita sya ng chocolate.

"Elliot ano ba!" Inis nyang sabi at wala ng nagawa kung hindi nguyain ang isinubo sakanya.

"Gusto mo?" Tanong ni Daemon kay Sick. Tumingin lang ito sakanya at pinagmasdan ulit ang labas.

Ilang minuto pa at nakarating na kami sa bahay.

Maliwanag na at may sikat na ng araw. Kaya ako muna ang bumaba ng van at pumasok saking tinitirhan.

May kalakihan ito, pero sabi ng mga pumunta dito dati, mansyon daw ang bahay namin.

Pero para sakin, sakto lang ang laki nito. Para sakin ay hindi rin kami mayaman, sakto lang.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon