XXII - The War has started

7.3K 327 85
                                    

Sheerina

"Hindi lang isa ang paaralan ng mga bampira." Sabi ni Sick na nakapagpakunot ng kilay ko. Gumulo naman lalo yung isip ko.

Bat ba hindi ko naisip yun? Sa dami-dami ng bampira sa tingin ko ito lang yung paaralan?

Syempre marami pang iba. Bakit ngayon ko lang naisip?!

Tumingin sakin si Darkfist na parang nangmamaliit at nagtataka. Anong gusto iparating nito?

Na ngayon ko lang nalaman na marami pang eskwelahan dito?!

"A-alam ko!" Depensa ko sa sarili para hindi ma-pahiya sa lalaking malaki na nasa harapan ko.

"Marami pa bang nandito?" Tanong ni Sick kay Darkfist. Na-intriga naman ako kaya nakinig na din ako.

"Oo, yung iba, parang mga hayok na lobo. Nagpapatayan pag may nakitang kwintas." Umiiling na sabi ni Darkfist. Nagpapatayan? Bakit naman?

"Hi-hindi ko maintindihan." Sabi ko. Sumasakit na ang ulo ko sa mga nalalaman ngayon. Hindi ba pwedeng konti-konti lang? Next time naman yung iba?

"Nag-uunahan sila sa pagkuha ng kwintas. At lahat sila gusto ng malakas na kapangyarihan." Paliwanag ni Darkfist. Pero hindi pa rin maproseso ng utak ko. Ano na bang nangyayari?

"Tapos?" Nakakunot ang kilay na tanong ko. Kahit ilang beses aralin ng isip ko yung sinabi ni Darkfist, ayaw talagang ma-proseso.

"Kung makukuha nila ang kwintas, matutupad ang kahilingan nila." Paliwanag ni Darkfist. Naging malinaw naman ang lahat.

"Pero pa-paanong mangyayari yon?" Tanong ko ulit. Kailangan kong malaman ang lahat dahil nasa kamay ko ang kwintas.

"Ang Headmaster ng paaralan nyo, sya ang pangalawang pinakamalakas na bampira sa lahat." Sagot ni Darkfist. Pangalawa? Kung ganon, sino ang una? Sino?

"Kung ganon, sino ang una?" Tanong ko, pero sa hindi malamang dahilan, kumabog ang dibdib ko. Bumilis ang bawat pintig. Pakiramdam ko, bumagal ang oras.

"Eliareth Uvlaria." Sa oras na binitawan ni Darkfist ang salitang yun, otomatikong nanlaki ang mata ko. Nanigas ang katawan ko. At lumabo ang paningin ko.

"Ano ba yan si loser, bat hinimatay?" Tanong ni Meridette. Kilala ko ang boses ng bawat kasapi.

"Ewan ko, tanong mo kay Sick, sila magkasama kanina." Rinig ko naman na sabi ni Raven. Bat nandito sila? Ano bang nangyari?

"Uy sila ni Sick magkasama?! Hoy Sick! Umamin ka nga! Ano ginawa mo kay loser?!" Sigaw naman ni Elliot. Natawa ko sa loob-loob ko.

"Anong loser ka dyan? Ako lang ang pedeng tumawag non sakanya. Duh!" Natawa ako sa sinabi ni Meridette. Ano ba kasing pinagtatalunan nila?

"Pero Sick, ano ngang ginawa mo kay loser?" Tanong naman ni Meridette. Bat ba nila pinagbibintangan si Sick? Si Sick na inosente. Haha!

"Di ko alam sainyo." Sagot nalang ni Sick at tumingin sakin. Napansin nyang medyo dilat na ang mata ko.

''Ayos ka na ba?'' Tanong ni Sick. Ngumiti naman ako at tumango.

''Oo, salamat.'' Sagot ko habang nakangiti. Sinimangutan nya lang ako at lumabas na. Ngunit sa pagbukas nya ng pinto, sya namang pagpasok ni Ashton.

''What happened?'' Tanong ni Ashton at lumapit samin.

''Hinimatay lang.'' Sagot ko sa tanong nya. Sumimangot sya. Bat ba hilig ng mga to ang sumimangot?

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon