Bloody V - Top Blooder

9.5K 382 54
                                    

Sheerina's POV

"Aaaaaaaah!"

Bawat hakbang, pawis ay tagaktak.

Bawat metro, kaba ang kaakibat.

Nandito sya, nandito ko. Pero sino nga bang mananalo?

Palapit na kami sa isa't-isa ng...

"Enough." Isang malamig na boses ang nagpatigil samin.

I know it's him. It has to be him.

It's Ashton. Ang lalaking rank 1 at kinatatakutan ng lahat. Hindi ko masabi kung kinatatakutan ko. Pero isa lang ang masasabi ko.

Isang tingin mo lang sakanya, ibang authority ang mararamdaman mo.

"Arg! Ashton! Let me kill this bitch!" Inis na sigaw pa ni Meridette habang nanlilisik ang mata.

Ganon ba kagalit sakin ang babaeng to? E ngayon ko lang naman sya nakaharap.

"I said enough." Malamig pa rin na sabi ni Ashton. Napatigil naman ang lahat. Maging si Meridette.

"Mapapatay mo sya ng walang kalaban-laban Meridette. Be fair." Sabi pa ni Ashton. Is he underestimating me? Hindi nya pa ko kilala.

"He's right Meridette! We are special!" Sigaw naman nung lalaking kulay dilaw ang buhok at may kulay berde na mata.

Ngayon ko lang napansin ang paligid. Mukhang nandito ang lahat ng top blooder.

"I agree with Marcus. Wala syang laban sayo." Sabi naman ng babaeng kulay berde din ang mata ngunit kulay pink ang buhok.

Anime? Haha.

"Ok i'll stop. I know naman na i will win." Natatawang sabi naman ni Meridette at umalis na sila.

Kasama ang mga top blooder.

"Nako buti di ka pa namatay don! Omygash!" Biglang sigaw sakin ni Mia habang niyuyugyog ang katawan ko.

"Bat naman ako mamamatay don?" Takang tanong ko kay Mia.

Nanlaki naman ang mata nila ni Nasqued.

"Huwag mong sabihin na hindi mo alam?!" Tanong pa ni Mia at mukhang gulat na gulat.

Kumunot naman noo ko.

"Di mo nga alam! Magbabasa ka kasi ng student manual!" Sigaw pa ni Mia sakin. Ano ba kasi yon? Ayaw nalang sabihin.

"Okay okay! Nasqued! Do the explanation!" Pagcommand ni Mia kay Nasqued.

"Ganito yon. Alam mo na siguro na may 10 too blooder. Lahat sila, may mga abilidad. Kakaibang abilidad kumpara sating mga normal na estudyante." Paliwanag ni Nasqued.

"Abilidad? Kakaiba satin? Kung ganon ano yon?" Takang tanong ko. Sumeryoso naman sila.

"Okay, magsimula tayo sa rank 10 na top blooder. Meridette Bartolome. Pink eye at may kakaibang ability. May kakayanan syang paramihin ang sarili nya. Self-duplicate ang tawag nila don. Subukan mong kalabanin sya, pahihirapan ka nya hanggang sa maubos ang tuwa nya." Paliwanag pa ni Nasqued. Bat sila may ganon? Parang kapangyarihan? Sabagay, bampira nga kami e, ano pa bang imposible?

"Next! Carmilla Salvador. Rank 9. Red eye at kaya nyang mag-anyong hayop. Animal shifter kumbaga! Don't mess with her or you'll be dead as meat!" Paliwanag naman ni Mia. I get it now. Sya siguro yung itim na itim yung buhok kanina.

"Susunod, Levicarl. Rank 8. Shadow summoner, may kulay pulang mata at itim na itim na buhok. Lumapit ka sakanya, makikita mo si Kamatayan kahit hindi mo pa oras." Seryosong paliwanag ni Nasqued.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon