Bloody XIII

7.9K 334 16
                                    

Sheerina

Sa pag-alis ng mga uwak na nakapalibot samin...

Akala ko liwanag na ang makikita.

"Bakit ang dilim?" Tanong ni Meridette. Ng tumingin ako sa paligid, nandito na pala ang lahat.

"Medyo natatakot na ko ah." Sabi naman ni Elliot at kinagat ang labi. Binatukan sya ni Daemon.

"Ikaw? Matatakot? Wag kang matakot, bampira tayo." Sabi ni Daemon kay Elliot at nanahimik na nga ito.

Ang iba naman ay mukhang malalim ang iniisip.

"Kung bumalik nalang kaya tayo?" Tanong ni Veruca. Tumingin naman kaming lahat kay Raven.

"Gaya ng sinabi ko. Hindi madaling makalabas dito." Parang walang pakielam na sabi ni Raven.

"Kung ganon, pano tayo makakalabas dito?" Tanong ni Meridette habang nakakunot ang kilay.

"Sa pagkakaalam ko, may isang portal dito. Pero hindi madaling makadaan dahil may demonyong nakabantay." Sagot ni Raven, nakita ko namang napakagat labi si Sick.

"Simulan na natin ang paghahanap." Sabi ni Ashton at sumunod naman kami sakanya.

Sa bawat hakbang namin, mas lumalakas ang apoy.

Kamusta na kaya si Nasqued?

"Bat may simbahan dito?" Tanong ni Elliot, napansin ko naman agad ang sinasabi nya.

Pero ang kaibahan lang, nasusunog ang simbahan at nakabaliktad ang krus na nakalagay sa tuktok nito.

Pumunta don si Ashton at sumilip.

"Ayoko sa lugar na to." Mukhang natatakot na sabi ni Veruca.

"Wag lang tayong maghihiwa-hiwalay." Seryosong sabi ni Sick. Ito ang pinaka-una nyang sinabi simula nung makarating kami dito.

Umalis na si Ashton at nagpatuloy na sa paglalakad. Ganon din ang ginawa namin.

Halos hindi ko na matandaan kung anong oras kami pumunta dito. Kasi sobrang dilim ng lugar na to.

Naglakad lang kami ng naglakad at wala naman kaming napansin na kakaiba.

"Hanggang kelan ba tayo maglalakad?" Nakapamewang na tanong ni Meridette. Siguro naiinip na dahil kanina pa nga kami naglalakad.

Naglakad pa kami ng ilang minuto at nawala na ang maapoy na lugar.

Nawala na rin ang mga punong sumisilab. Maging ang itim na kalangitan.

Napalitan ito ngayon ng medyo ma-orange na kulay. Mas mabuti dahil maliwanag.

Ng lingunin ko ang gubat, ito lang pala ang may madilim na kalangitan.

Pag-labas na pag-labas namin, mga damong berde ang bumungad.

Anong kasumpa-sumpa dito sa lugar na to?

"Sigurado ka bang tama itong dimensyon na napuntahan natin?" Tanong ni Daemon kay Raven. Tumango naman si Raven.

"Wag nalang kayo magpalinlang sa ganda ng lugar." Sagot ni Raven. Pero huli na ang lahat. Dahil tumatakbo na si Elliot sa mga damo.

"Yohoo!!!" Sigaw ni Elliot habang tumatakbo at dinadama ang hangin maging ang damo.

"Yippie!!!" Sigaw naman ni Veruca at sumunod kay Elliot. Hindi ko alam ang ginagawa nila, pero pakiramdam ko may masamang mangyayari.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon