Bloody X

8.4K 374 69
                                    

Sheerina

Isang araw na ang lumipas at wala pa rin si Nasqued.

Si Meridette ay nasa top pa rin.

Katatapos lang ng klase namin, palaisipan pa rin kung nasan si Nasqued.

Pero malakas ang kutob ko na may kinalaman si Raven.

Nasa canteen kami ngayon ni Mia.

"Mahahanap rin natin sya." Pagpapalakas ko ng loob kay Mia. Dahil para syang lantang gulay.

Hindi ko sya masisisi, mas matagal nyang naging kaibigan si Nasqued kesa sakin.

"Nahanap nyo na?" Tanong ni Sick at umupo sa harapan ko.

Naka-poker face pa rin sya. As usual.

Napairap ako sa ere.

"Hindi pa din." Buntong hininga kong sabi. Biglang nakita ng mata ko si Raven at agad agad akong tumayo para puntahan sya.

"Raven!" Sigaw ko at napalingon naman sya, nagtinginan din ang iba at mga nagsikinig.

"Nasaan si Nasqued?" Nakakunot ang kilay at matigas ang pagkakasabi ko, senyales na seryoso.

"Sinabi ko na sayo, hindi na sya babalik pa." Nakakunot din ang kilay nyang sabi.

May hawak syang libro at yung buhok nya ay itim na bagsak na bagsak.

Aalis na sana sya pero hinawakan ko ang braso nya.

"Alam kong may kinalaman ka. Raven, nasaan si Nasqued?" Mas madiin pang sabi ko at mas dumami ang mga tagapakinig.

"Sinabi ko na sayo." Sagot nya at tinanggal ang kamay ko. Pero hinawakan ko ulit ito. Sa pagkakataong to, mas madiin.

"Raven. Nasaan si Nasqued?" Nagpipigil ang galit kong sabi. Kulang nalang parang umapoy na ang mata ko gaya ng mga nasa anime.

"Hindi na sya magbabalik." Seryoso din nyang sabi at tinanggal na ulit ang kamay ko. Hinawakan ko ulit sya.

"Raven!" Sigaw ko na parang sasabog na!

Tinanggal nya ang kamay ko at mabilis na umalis, pero mabilis ko din syang hinabol at hahawakan ko sana ang braso nya ng bigla syang lumutang!

Pinalibutan sya ng mga iilang uwak!

"Hindi na sya babalik! Hindi na sya babalik! Hindi na sya babalik!" Paulit-ulit nyang sigaw. Nakakatakot sya. Pero hindi dapat ako magpasindak sakanya!

"Nasaan si Nasqued?!" Sigaw ko ulit! Nagsilayuan ang mga tao samin!

"Nako dalawang top blooder may laban agad!"

"Mukhang malakas si Raven!"

"Malakas talaga si Raven!"

"Kawawa naman yung babae, mukhang walang ibubuga!"

Bulungan nila. Yung pinakahuling komento, nagpantig ang tenga ko.

Ako? Walang binatbat?!

"Nasaan si Nasqued!!!" Inis na talagang sigaw ko! Alam kong may kinalaman sya! Alam ko dahil alam ko!

"Wala na sya!" Bigla nyang sigaw.

A-ano?

Biglang kumalma ang pakiramdam ko.

"A-anong sabi mo?" Utal-utal kong tanong.

"Wala na sya." Pag-uulit nya at umalis na.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon