XVIII - Your Name

7.5K 371 77
                                    

Sheerina

"The real battle is just about to begin."

Nagulat kami dahil dahan-dahang nagbabangunan ang mga napatumba naming halimaw!

"A-anong gagawin natin?" Kinakabahan na sabi ni Elliot.

Lahat kami ay tuliro, hindi malaman kung paano haharapin ang labang ito.

"A-Ashton?" Tanong ni Meridette kay Ashton, umaasa na mayroon itong plano.

Ilang segundo na ang lumipas pero wala kaming narinig na sagot kay Ashton.

Marahil sa sobrang bilis ng pangyayari ay wala na syang maisip.

"Si-Sick?" Tanong naman ni Meridette kay Sick.
Dahil saaming lahat, silang dalawa lang lagi ang may plano sa isip.

Pero gaya ni Ashton, ilang segundo na ang lumipas pero wala pa ring salita ang lumabas sa bibig ni Sick.

"Anyone?!" Nangangambang sigaw ni Meridette.

Yung isip ko ay nabablanko dahil sa palapit na palapit na mga halimaw.

"Bakit nga ba sila nakabangon ulit ng ganon kabilis?" Biglang salita ni Levicarl. Nagulat kami dahil madalas ay tahimik lang sya at lagi lang sumusunod sa grupo.

"Syempre mga halimaw sila!" Nagpapanic na sabi ni Meridette. Pero ako, umaasa na isa samin ay makaisip ng magandang estratehiya para makaalis sa kastilyong ito.

"Pansinin nyo rin yung mata nila." Sabi pa ni Levicarl at iyon nga ang ginawa namin.

Yung mga mata nila, parang mga walang buhay. Puting-puti.

Kagaya ng mata ni Ashton.

"Hindi ganyan yung mata nila kanina." Sabi naman ni Raven at mas inobserbahan ko lalo ang mga halimaw.

"Kung ganon, anong ibig-sabihin nito?" Tanong ni Daemon.

"May kumokontrol sakanila." Sabay na sabi ni Levicarl at Raven. Agad kaming napalingon sakanilang dalawa.

"A-ano?!" Sabay-sabay naming tanong dahil siguro sa pagkagulat at pagkamangha.

"Hindi ko tiyak kung tama ang hinala ko, pero sa tingin ko, may posibility." Paliwanag ni Levicarl at tumango naman kaming lahat.

"Sino ang nagkokontrol dito?" Tanong ni Ashton. Desidido kaming lahat na makabalik ng buhay at makalabas sa impyernong ito.

"Mahihirapan tayong hanapin kung sino." Sabi naman ni Raven.

Biglang may pumasok sa isip ko, yung nangyari kanina kay Nasqued. Yung bigla syang nagpakilala sa isang babae.

"Nasqued, may hinala ka ba kung sino?" Seryoso kong tanong, umaasa na sana alam nya kung sino ang nagcocontrol sa mga halimaw na ito.

"Si Chelsea." Madiin na sabi ni Nasqued.

"Magiging madali nalang to, kailangan lang natin hanapin ang babaeng si Chelsea." Sabi ni Ashton.

"Ni hindi nga natin alam ang itsura nya." Nakasimangot na sabi naman ni Elliot.

"Pag may nakita kayong isang magandang babae na mukhang bata, sya na yun." Pagdedescribe ni Nasqued sa itsura ni Chelsea.

Tinanguan naman namin sya.

"Let's get the party... started." Sabi ni Elliot at binatukan sya ni Meridette.

"Anong party dito?! Ang stupid mo talaga!" Sigaw ni Meridette at sumugod na kami sa mga halimaw.

"Raawr!" Pagsugod din nito saminna parang mga hayok sa pagpatay!

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon