XXX

6.8K 322 100
                                    

Sheerina

"Wala dito sa C.R." Sabi ni Elliot. Magkakausap kami gamit ang earpiece. Hinahanap namin ngayon kung nasaan si Veruca.

Sigurado kaming nandito lang sya sa paaralan.

"Bat naman sya mapupunta sa C.R.? Elliot naman." Sabi ni Meridette sa telepono. Nga naman.

Nakapalibot kami ngayon sa school.

Kung saan-saang parte ng skwelahan. Katatapos lang ng aming klase.

"Wala sa gubat." Sabi naman ni Daemon. Magkasama sila ni Meridette.

"Paano nyo nalamang wala sa gubat? E hindi nyo pa naman nalilibot kabuuan nyan." Pambabara naman sakanila ni Elliot. Gumaganti ah.

"Chaos. Update?" Tanong ni Ashton. Si Chaos naman ang in-charge sa pagbabantay ng faculty.

Lagi kasing nandon ang mga teachers. Ibabalita nya saamin kung sino ang lalabas at kung saan ito tutungo.

"Wala pang lumalabas. May meeting ata sila." Sagot ni Chaos.

Habang naghahanap ako sa kung saan-saang kwarto, naalala ko ang Principal's Office.

Sigurado akong nandon sya.

Mabilis akong tumakbo patungo sa silid ng Headmaster at ng makarating sa harapan non, huminga ako ng malalim.

'Paano kung nandito ang Head Master?'

'Paano kung mahuli nya ko? Anong gagawin nya sakin?'

'Hindi rin oras ng pag-tulog, paniguradong nandito ang Principal.'

"I-i think i found her." Sabi ko sa ear piece na nakapasok sa tenga ko. Sigurado ako. Dito yon. Nandito sya.

Bakit nga ba kami nag-aksaya ng oras para hanapin si Veruca e sa simula palang naman ay dito na namin sya huling nakita. Sa Head Master's Office.

"Where?" Tanong ni Ashton na mukhang nagmamadaling malaman ang sagot.

"Nasaan ka, pupuntahan kita. Ngayon na." Sabi naman ni Sick. Ilang segundo muna kong hindi sumagot. Nag-dedesisyon kung papasukin ko ng mag-isa ang silid ng Principal.

Pero kung ako lang mag-isa ang papasok sa loob, malaki ang posibilidad na baka pati ako'y mahuli nila.

Dadagdag lang ako sa problema ng grupo.

"Nasa harapan ako ng Principal's Office." Lumulunok-lunok na sabi ko.

Siguradong sigurado ako na nandito si Veruca.

"Papunta na ko." Sabi ni Sick. Tumayo lang ako sa harapan ng office.

May humawak sa balikat ko. Akala ko si Sick na. Si Chaos pala.

"Wag mong balakin na pumunta ka dyan mag-isa." Sabi nya. Tumango naman ako bilang sagot.

Ilang minuto ang lumipas at dumating na silang lahat.

"Ano namang gagawin natin kung papasok tayo dyan?" Tanong ni Meridette. Napaisip kaming lahat sa sinabi nya.

Kung papasok nga kami dyan, hindi kaya mag-duda ang Principal?

"Itatanong lang natin kung nandito si Veruca. Hindi naman siguro sya maghihinala kung hinahanap natin si Veruca diba?" Paliwanag ni Levicarl. Napangiti ako. Antalino talaga.

Valedictorian ako pero hindi gumagana ang isip ko sa ganitong mga sitwasyon.

"Let's do it." Pag-sangayon ni Ashton sa sinabi ni Levicarl. Kumatok na sya sa silid ng Headmaster.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon