XVI - Sheerina

7.5K 333 18
                                    

Sheerina

At sa pagpasok doon, doon ko nakita ang nakakaawang Chaos.

Malakas ang usok na nakapalibot samin at may malakas din itong hangin.

Pero nakakapagtaka kung bakit nakalapit ako kay Chaos ng hindi nagiging abo.

Tinignan ko ang katawan ko, nagulat ako dahil mayroong nakapalibot dito na parang bula.

Malaking bula na pinoprotektahan ako sa usok para hindi makalapot sa katawan ko.

Tinignan ko ulit si Chaos.

Lumuluha na ang mata nya dahil siguro sa hirap na hirap na syang kontrolin ang kapangyarihan nya.

"Chaos... calm down..." Pagpapakalma ko sakanya, pero tinignan nya lang ako habang tumutulo ang luha.

"Chaos..." Pagtawag ko ulit sa pangalan nya.

"Kumalma ka Chaos." Sabi ko sakanya pero patuloy pa rin ang pagtulo ng luha nya.

Isang malakas na hangin ang nadidinig ko sa tenga ko dahil siguro sa usok ni Chaos.

Nang akmang hahawakan ko sya ay bigla nalang syang sumigaw.

"Aaaah!!!" Sigaw nya at lumakas ang usok!

Napaatras naman ako sa lakas ng hangin!

"Chaos!" Sigaw ko habang nilalabanan ang hangin upang makalapit sakanya.

"Sheerina!"

"Chaos!'

Mahinang sigaw na rinig ko galing sa labas ng usok.

Patuloy ko pa rin nilalabanan ang malakas na hangin!

Hanggang sa makalapit na ulit ako kay Chaos.

Nang akmang sisigaw ulit sya, agad ko syang niyakap.

Nagulat ako dahil humihina na ang usok.

At naririnig ko na rin ang pag-iyak nya.

"Nandito lang ako Chaos." Bulong ko sakanya habang nakayakap pa rin.

Patuloy lang sya sa pag-iyak.

Maya-maya lang ay tumigil na sya at nawala na rin ang itim na usok.

Ng tignan ko si Chaos, wala syang malay na nakadantay sa balikat ko.

"Sheerina! Chaos!" Sigaw ni Elliot habang tumatakbo sila papunta samin.

Napabagsak kami sa lupa ni Chaos dahil masyado syang mabigat at hindi ko na sya kaya.

Nakapatong sya ngayon sakin at ako ang nasa baba.

"Elliot patanggal nga si Chaos." Utos ko kay Elliot ng tuluyan na syang makalapit.

Ginagamot ngayon nila si Chaos.

Habang ako, naka-upo lang katabi si Mia.

"Sheerina, pano mo nagawa yun?" Nagtatakang tanong ni Mia.

"Sheerina oo nga?" Tanong naman ni Elliot.

Bumuntong hininga nila ko, hindi ko na kayang magsalita dahil sa pagod.

"Mamaya na natin pag-usapan yan." Sabi ni Ashton at tumahimik na ang lahat.

Ipinikit ko ang mata ko dahil sa pagod.

"Sheerina gising na." Rinig kong sabi sakin ng mala-anghel na boses.

"Itutuloy na natin ang paghahanap kay Nasqued." Sabi ni Mia at dinilat ko na ang mata ko.

Pagmulat ko, gising na pala silang lahat at nakatingin sakin.

Hinanap ng paningin ko si Chaos at mukhang ayos naman na sya.

Ng magtama ang paningin namin, iniiwas nya agad sakin ang mata nya.

Tumayo na ko at kinuha na ang bag na dala-dala ko.

Ngayon ay naglalakad na kami.

"Sheerina, pano mo nga pala yun nagawa?" Tanong ni Elliot na mukhang nag-iisip.

"Hindi ko alam." Sagot ko. Dahil totoo namang hindi ko alam.

Napa-isip ako sa nangyari kagabi, paano ko nga bang nagawa yun?

"Panong hindi mo alam?" Mataray na tanong ni Meridette.

"Basta, mahirap ipaliwanag." Sagot ko habang naglalakad.

"Whatever loser." Sabi ni Meridette at nauna na sakin.

Ako ang nasa pinakalikod ngayon, katabi ko si Chaos.

"O-okay ka na ba?" Nahihiyang tanong ko dahil naa-awkward ako.

Tumingin naman sya sakin at lumapit.

Napaatras ako dahil sa akalang hahalikan nya ko.

"Sa-salamat." Bulong nya at pumalakpak ang tenga ko sa narinig.

Agad akong napangiti at tumingin sakanya, pero binilisan nya na ang paglalakad.

Habang naglalakad at nagkekwentuhan, bigla nalang kaming pinatigil ni Ashton.

Naging alerto ang bawat isa.

Agad kaming pumabilog at binabantayan ang mangyayari sa paligid.

Mukhang may susugod na naman.

"Stay close to each other." Sabi ni Ashton at napatango naman ako.

"Ano ba yan, hindi pa nga ko nakakaget-over sa nangyari kagabi." Reklamo ni Elliot habang kumakamot sa batok.

Binatukan naman sya ni Daemon.

"Aray!" Malakas na sigaw ni Elliot.

"Sssh!" Pagpapatahimik sakanya ni Daemon.

Pinagpatuloy pa rin namin pagmasdan ang paligid, handa na sana ko magsalita ng maunahan ako ni Sick.

"Chaos!" Sigaw ni Sick at agad kaming tumingin kay Sick! Pagtingin ko sa tabi nya, wala na si Chaos!

Parang may dumaan lang na hangin at nawala nalang ito bigla!

A-anong nangyayari?!

Tumakbo ng mabilis si Sick ng may makita syang hugis tao na mabilis na tumatakbo rin!

"Sick!" Sigaw namin! Masyadong mabilis ang pangyayari!

"Sundan natin." Sabi ni Ashton at tumakbo rin kami sa direksyon ni Sick!

Napanganga kami sa nakita!

Andaming halimaw!

At mukha silang nagkakasaya!

Nagtinginan kami sa isa't-isa.

"Tignan mo tong nakita ko sa portal, magandang babae at bagong tapon sa dimensyon na to!" Rinig kong sigaw ng boses!

Naestatwa ako pero pinilit ko pa ring makagalaw!

Hinanap ng mata ko ang boses na yun pero sadyang hindi ko makita!

Nasa harapan na nga pala namin sya dahil siguro maging sya ay nagulat sa nakita!

"Pakawalan nyo ko!" Sigaw ng babaeng boses!

Hindi ako pwedeng nagkamali!

Dahan-dahan kong nilingon ang pinanggagalingan ng boses na yon.

"Anong kasalanan mo at pinatapon ka dito Miss?" Tanong ng malaking halimaw habang hawak-hawak ang babae sa kwelyo ng damit!

"Pakawalan nyo sabi ako!" Sigaw pa nung babae!

Napansin kong tumingin din sa tinitingnan ko ang mga kasama ko.

Napahawak sa bibig si Mia dahil sa gulat!

"Na-na... Nasqued..." Natatakot na sabi ni Mia!

Bloody Hell University (EDITING)Where stories live. Discover now