XXXII - Mobile Legends

7.2K 327 143
                                    

Sheerina

Gumising ako ng umaga dahil nga may pasok pa. Pero pag-kabangon ko, wala pang naka-uniporme saaming lahat.

Lahat sila ay nag-aalmusal at mukhang buryong-buryo.

"Baka mahuli tayo sa klase." Sabi ko sakanila. Mga mukha kasing wala sa pag-iisip.

Nagtimpla na ko ng kape at ininom ito.

"Suspension." Naka-irap at nakapangalumbaba na sabi ni Meridette.

"Three days." Dagdag naman ni Elliot. Nakapangalumbaba din ito at mukhang nalugi.

Ah kaya--

"Ha?! Bakit?!" Nabuga ko ang kape at malakas na sumigaw. Mahuhuli kami sa klase!

"Ewan ko sa Headmaster." Sagot ni Elliot at ngumuso. Maya-maya lang ay biglang lumaki ang mata nya!

"Suspended tayo! Dapat nga mag-saya tayo! Hindi na tayo gigising ng maaga!" Nakangiting sigaw ni Elliot at kinuha ang cellphone nya.

Itinaas nya ito at isa-isang tumingin saamin.

'Anong trip nito?'

"Mobile Legends na!" Sigaw nya at natawa naman ako.

Siguro nga ay wag na muna namin problemahin ang eskwela. Pahinga muna.

"Game!" Sigaw pa ni Elliot at kinuha ang cellphone ni Daemon. Inilagay nya ito sa Mobile Legends.

"Ge." Iyan lang ang sinabi ni Chaos at ibinukas na rin ang laro.

Lahat kami ngayon ay nasa salas. Nagkukulitan ang mga lalaki dahil sa nilalaro nila.

Si Meridette naman ay nakapikit at mukhang nag-iisip. Samantalang si Raven ay nagbabasa.

Si Veruca ay nanonood sa mga kalalakihan.

"Five vs five!" Sigaw ni Elliot ng matapos sila. Nangiti naman ako. Matagal-tagal na kong hindi nakakapaglaro ng ML.

"No way." Sabi ni Meridette. Pinilit ko namang kunin ang cellphone nya sa kamay nya.

"Give it back!" Sigaw ni Meridette. Nginitian ko lang sya na parang nagsasabing 'hindi ko ito ibibigay hangga't hindi ka pumapayag.'

"Ugh. Fine." Sabi nito at lumawak ang ngiti ko. Ibinalik ko na ang kinukuha nya saakin.

"I'm in." Sabi ni Raven at isinara na ang libro. Maging si Veruca ay gusto na rin maglaro.

"Sino kakampi ko?" Maangas na tanong ko. Tinignan naman ako ni Ashton. Nangilabot ako dahil nakakatakot ang mata nyang kulay puti!

"Boys vs girls." Sagot nya. Pinilit kong ngumiti para mapakitang hindi ako natatakot sakanya.

"Paano ba yan? Apat lang kami?" Parang nang-aasar na sabi ko.

Naglakad papunta sakin si Chaos at umupo sa tabi ko.

"Lima na." Sabi nya at napangiti ako lalo. Mukha pa namang malakas 'tong si Chaos.

"Ako invite!" Sabi ni Elliot at naghanda na kaming lahat.

"Anong rank mo na?" Tanong ko kay Chaos habang tinitignan ang ML account nito.

We-wait...

"Wa-Warrior?!" Hindi makapaniwalang sabi ko! Si Chaos ay isang warrior! Wala na kaming pag-asa!

Akala ko pa naman malakas sya! Bakit huhu!

"Warrior. Tststs." Mapangasar na sabi ni Sick at nakatingin sa mga mata ni Chaos.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon