Bloody VII - Survival of the Fittest

8.6K 373 36
                                    

Sheerina

"Handa na ba ang lahat?" Sabi nung Principal. Tumango naman ako.

"Handa na!"

"Simulan na!"

"Huwag ng patagalin pa!"

"Handang handa na!"

Sigaw ng karamihan. Umingay ang paligid dahil sa simpleng tanong na iyon ngunit mabigat ang kahulugan.

Hinawakan ako sa balikat ni Nasqued. Magkakatabi kaming tatlo ngayon.

"Pwes, kung handa na ang lahat, mas ihanda nyo pa ang sarili nyo." Sabi ng Principal na ikinatahimik ng paligid. Maging ako ay nagtaka.

"Sa paligsahan ngayon, iibahin na natin ang papatayin. At ibabalik ang dating kinagisnan. Kung saan, bampira mismo... ang.. maglalaban-laban." Announce nung Principal at para namang may kidlat at drum na tumunog.

Napaatras din ang iba at ramdam na ramdam mo ang tensyon.

Pero para saakin, hindi ko alam kung ano abg mas gusto ko. Dahil naligtas nga ang nga mortal, pero paano na lang ang nga bampira?

Isa rin ako sakanila.

"Ihanda nyo na ang sarili, dahil sa loob ng sampung segundo, papasok na kayo sa battlefield." Sabi pa ni Principal at napahinga nalang ako ng malalim.

"10..."

"Pano yung mga prinactice natin?" Kabadong tanong ni Mia.

"9...."

"Maski ako hindi ko na alam kung paano." Pagsang-ayon naman ni Nasqued.

"8..."

"Ganon pa rin ang gagawin natin. Nagbago lang naman ang kalaban." Paliwanag ko para mabawasan ang kaba nila.

"7..."

"Pero mas malalakas sila kumpara sa mortal Sheerina." Sabi pa ni Nasqued.

"6..."

"Pero mas malalakas tayo." Pagpapalakas ko ng loob nila.

Bumuntong hininga na ko.

Here we go.

"3... 2..."

"1."

Agad na nawala ang mga Principal at puro bampira nalang ang nandito.

Nakita ko na silang naglalaban-laban!

"Aaah!" Sigaw nung babae dahil nilalapa ngayon sya ng isang lion!

"Takbo!" Sigaw naman nung babaeng hinahabol ng espada!

"Wag na tayong tumunganga dito, maghanap na tayo ng safe place!" Sigaw ni Nasqued na parang bulong lang sa sobrang ingay ng paligid!

May mga nagsasabugan sa iba't-ibang parte ng school!

Dahil ang buong school, ang battlefield namin!

"Tara na tara na!" Tumatakbo kami ngayon at agad kong sinasapak ang humaharang samin!

"Aray!" Sigaw ni Mia, may tama sya ng palaso sa balikat!

Binunot ito ni Nasqued dahilan para lalong sumigaw si Mia!

Wala man kami o silang dugo, pero namamatay kami!

Dahil ang armas na ibinigay samin, ay kontra sa isa't-isa!

"Bilisan na natin!" Sigaw ni Nasqued pero ang hindi namin inaasahan, nakatapak sya ng tanim na bomba!

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon