Bloody VI - Three vs Three

8.9K 376 22
                                    

Sheerina

Ngayon ay kagigising lang namin nina Mia at Nasqued. Walang kumikibo samin dahil sa sobrang kaba at seryoso.

Pero tao ba talaga ang papatayin namin?

"May susuotin ka na ba?" Seryosong tanong ni Mia.

"Meron na." Seryoso ding tanong ko.

"Magpapractice pa ba tayo?" Tanong ko pa.

"Oo, may dalawang oras pa bago magsimula ang laban." Sabi ni Nasqued at pumunta muna kami sa canteen.

Maingay pa rin mga nandito, mga nagpapayabangan.

Kumain lang kami saglit at dumiretso na sa training ground. Andaming narito. Ramdam mong gusto talaga nilang hirangin.

Pumindot na ko ng isang daang bots, hindi na nagulat sila Mia dahil lagi namang ganito ang practice namin.

"Ha!" Sigaw ni Nasqued at ibinuhol ang latigo nya sa tatlong bot!

Hinigpitan nya pa ito lalo hanggang sa sumabog!

Agad naman akong tumakbo at sumampa sa likudan ng isang bots at pinagsusuntok ang mukha!

Si Mia naman ay wala sa paningin namin, dahil sabi namin sakanya ay magtago sya. Sa hindi sya makikita.

Nakikita kong may mga nagpapalipad ng palaso at tamang tama ito sa kalaban!

"Psh." Nagulat ako ng may sumali samin.

Ang galing nila!

Yung isa kung saan-saan nawawala at yung isa bumabalibalibag ang mga kalaban!

"Ang boring magpractice pag kayo lang no?" Sabi nung babae, agad naman akong natingin sa mata nya. Berde.

"Miyuki!" Sabi nung lalaking kulay green din ang mata. Nakatingin kasi sakin yung babae.

Agad syang humarap at agad ding tumilapon yung kalaban!

Teka... Miyuki?

"Sheerina!" Tawag sakin ni Nasqued, nagulat naman ako ng pagbalik ko sa senses ko ay mayroon ng kalaban sa harap ko!

Agad akong nagvertical patalikod at doon sya sinapak!

Ubos!

"Aaaaah!" Sigaw naming tatlo dahil tagaktak na ang pawis namin.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo ng wala ako ah?" Kakatapos lang namin at may lumapit na naman.

Hays. Si Meridette.

"Ano na naman Meridette?" Tanong ni... Miyuki! Ang babaeng kulay green ang mata.

Tinanong nya si Meridette ng parang hindi sya napagod!

"Wala lang Miyuki. Pero sana nag-aya kayo. How about a match?" Nakangising tanong ni Meridette. A match?

"May thirty minutes pa naman bago magsimula... ang tunay na laban." Nakangisi nya pa ring sabi! Ano bang trip ng babaeng to?!

"Tsaka sumali ka rin Sheerina! Three... vs.. three." Nakangisi nya pa ring sabi! Nakakaasar! Sarap iano!

Tumindig ako at tumingin din sakanya.

"Sino kampi ko?" Tanong ko habang nakatingin sa mata nya ng diretso!

"Okay! Veruca, Levicarl, at ako. Tayo ang magkakateam!" Pumapalakpak na sabi ni Meridette.

Tama ba ang desisyon ko? Na kalabanin ang mga top blooder?

"At para sayo.. Marcus and Miyuki." Sabi pa nya at nagkatinginan naman kaming tatlo.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon