XXVII - Investigation

7.1K 336 111
                                    

Sheerina

2 D A Y S L A T E R

Parang walang nangyari matapos non. Nagbalik sa dati ang lahat.

Samantalang si Mia, mula ng magkaroon sya ng kakaibang kapangyarihan, hindi ko na ito nakikita.

"Class dismissed." Sabi ng guro at tumunog na ang bell. Lumabas na ako at tumungo sa canteen.

Pagdating ko, nandito na ang lahat ng ka-myembro ko.

"Nakakapagod ang mga nangyayari ngayon." Reklamo ni Elliot ng makaupo ako.

"Kapagod e wala ka ngang ginagawa." Insulto naman sakanya ni Meridette. Sa dalawang araw na lumipas, itong dalawang to ang laging nag-aasaran.

"Duh! May ginagawa ako, ikaw nga yung wala e." Parang babaeng sabi ni Elliot dahilan para mag-tawanan kaming lahat.

Tumayo ako para bumili ng makakain.

"Pasabay." Sabi ni Meridette at sinabi ang order nya.

"Ako din." Sabi rin ni Veruca. Samantalang nag iba ay may kinakain na.

"Chocolate lang akin." Sabi ni Chaos at natawa ko. Dahil wala man lang pakiusap. Bigla nalang nyang sinabi ang gusto nya.

"On it." Sagot ko at umalis na. Nakapila ngayon ako at naghahantay na ako na ang mapagbilan.

Nalingon ako sa likudan at nagulat ako dahil nandito si Ashton!

Si Ashton? Pumipila?

'Totoo ba to?'

"What?" Seryoso nyang tanong dahil napansin nyang nakatingin ako sakanya.

Nginitian ko sya at humarap na ulit.

"Sheerina." Tawag sakin ng malaking boses. I know na si Ashton to.

Pustahan may iuutos yan.

"Yes?" Nakangiti kong tanong sakanya. Napansin kong lumunok sya dahil sa malaki nyang adams apple.

"Here." Sabi nya at hinawakan ang kamay upang ilahad ito. Naglagay sya ng pera dito.

"Vanilla shake." Sagot nito at tumalikod. Nginitian ko ulit sya.

Pero sa oras na mawala sya, naglaho ang ngiti sa labi ko.

Hayop yon, initusun pa ko?! E nakapila na rin naman sya?!

Ilang minuto ang lumipas at nakuha ko na ang mga order ng mga mababait na bampirang to.

"So tagal." Reklamo ni Meridette ng makarating ako. Umupo na ko.

"Sana ikaw ang umorder diba." Bulong ko, kumunot naman ang kilay nya.

"Ano yon?" Mataray nyang tanong. Narinig nya kaya?

"Ang pangit mo daw." Si Elliot ang sumagot. Thanks God.

"Whatever." Sabi nalang ni Meridette at ininom ang chocolate frappe nya.

Nagulat ako ng parang may umakbay sakin at kinuha ang chocolate shake!

Paglingon ko, it's Ashton! Nasa ilalim nya ko dahil naka tayo sya't ako ay naka-upo!

Umalis na sya at bumalik sa pwestuhan.

"Ano na kayang nangyari sa kwintas?" Tanong ni Elliot. Sinubuan naman sya ng mamon ni Daemon.

"Ang daldal mo." Sabi ni Daemon at nagtawanan kami.

"As far as i know, nag-paplano ang Headmaster para sa gagawin nya." Sagot ni Levicarl at naintriga naman kami.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon