XV - Chaos

7.6K 341 6
                                    

Sheerina

Wala akong magawa kung hindi ang pumikit.

Habang nakapikit, naririnig ko ang mga sigaw at iyak ng mga kalaban.

Para silang hirap na hirap.

"Kung hindi tayo gagalaw, aabutan tayo ng usok!" Sigaw ni Sick. Napadilat ako at nakita ko silang tumatakbo papalayo.

Si Sick na mabilis, ay parang normal lang na tumatakbo dahil sa mga galos nya.

Hindi na ko nag-aksaya ng oras at sinundan sila.

Tumakbo lang kami ng tumakbo hanggang sa hindi na kami maabot ng itim na usok.

Ng lumingon ako sa labanan, parang wala ng kalaban.

At don ko nasaksihan ang kapangyarihan ni Chaos!

Sa oras na madampian ka ng usok na nilalabas nya, magigi kang isang abo!

Nakakatakot.

Habang nasa malayo, tanaw namin ang karumal-dumal na nangyayari ngayon.

Hindi ko maiwasang mapaisip at humanga.

Mapaisio dahil, kung ganito kalakas ang kakayahan ni Chaos, bakit hindi sya ang top one?

Humanga dahil sakanyang galing.

Nakakatakot tignan ang mga abong lumilipad sa langit.

Naubos na nga ang kalaban, pero nakakapagtaka dahil naglalabas pa rin sya ng usok.

"Patay." Rinig kong sabi ni Elliot habang lumulunok.

Lahat kami ay sugatan pero hindi duguan.

"Anong patay?" Hindi ko na maiwasang magtanong.

"Nahihirapan si Chaos controllin ang kapangyarihan nya." Paliwanag ni Sick habang lahat kami ay nakatingin kay Chaos.

"Paanong nahihirapan?" Pagod at nagtataka ko pa ring tanong.

"Hindi nya kayang pahintuin o patigilin ang kapangyarihan nya." Sabi pa ni Sick. Ngayon naiintindihan ko na.

Kung ganon, patay nga.

"Pag naabutan tayo ng usok, magagaya tayo sakanila!" Sigaw ni Meridette na halatang natatakot.

"Patigilin natin sya." Biglang sabi ni Ashton habang pinagmamasdan ng mabuti si Chaos.

"A-ano?" Nakakunot ang kilay na tanong pa ni Meridette.

"Kung ayaw nyong maging abo, edi patigilin natin sya." Paliwanag pa ni Ashton at naging malinaw sakin ang lahat.

Kung mapipigilan namin si Chaos, maliligtas kami.

Pero hindi ko alam kung posibleng mapigilan sya.

"Imposible yang sinasabi mo." Pinagpapawisan na sabi ni Daemon.

"Walang imposible sa mundong to." Sabi ni Ashton at para akong nagkaron bigla ng pag-asa.

"Ngayon, kailangan natin pigilan si Chaos." Seryoso at madiin pa na saad ni Ashton.

"Aye sir!" Seryosong sabi ni Veruca.

"Hindi tayo pwede basta-basta lumapit kay Chaos. Kailangan natin ng plano." Sabi ni Sick at tinignan kami isa-isa sa mata.

"Kung ganon, anong plano?" Tanong ni Meridette.

"Ang plano........" Paliwanag ni Sick sa plano at sinang-ayunan naman ito ni Ashton.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon