XXIX

6.8K 376 83
                                    

Sheerina

"I am the key to unleash the power of the necklace." Mahinang sabi ko pero mararamdaman mo ang tigas.

Natahimik naman sila.

"Sigurado ka ba?" Tanong ni Daemon.

Hindi naman ako sumagot.

"Hindi ka naman pala sigurado." Sabi naman ni Raven. Napayuko ako dahil pakiramdam ko'y napahiya ako.

"Pe-pero narinig namin, na-na kailangan nila si Sheerina." Sabi ni Elliot. Nagmamadali syang magsalita.

"Matulog na tayo." Sabi ni Sick at pumasok na sa kwarto nila.

Ganon din si Chaos at maging ang ibang lalaki.

Natulog na nga kami ng may pangamba kung anong mangyayari bukas.

Pumasok kami ng may takot. Takot na baka nakita nilang kami ang nakinig sa pribadong usapan nila.

"Greet your Headmaster." Sabi ng Guro at nanlaki ang mata ko. Kumabog ng kumabog ang dibdib ko.

Is this it? Mahuhuli na ba ko? Kukuhanin na ba nila ko? Anong gagawin nila sakin?

"Goodmorning Headmaster." Bati ng mga kaklase ko, samantalang ako ay nanatiling tahimik.

"Goodmorning. I'm here to look for Sheerina. Nandito ba sya?" Tanong ng Headmaster at hinanap ako. Yumuko ako upang hindi nya makita.

"Yes, nasa likudan sya." Masaya ang tono ng guro habang sinasabi kung nasaan ang pwestuhan ko.

Narinig ko ang madiin na mga yapak ng headmaster papunta saakin.

Hinawakan nya ang braso ko na syang nagdulot ng matinding kaba saakin.

"Sheerina." Tawag nya sakin. Kinagat ko ang labi at dahan-dahang itinaas ang ulo.

"Come with me." Sabi pa ng Headmaster. What should i do?! Anong gagawin nila sakin?!

"Ma-may LBM po ako, pede po bang mag-cr muna?" Natatakot man, ito lang ang paraan na nakikita ko. Ayokong sumama sa demonyong 'to.

Lalo na't sariwa pa ang nangyari sakin nung binigyan nya ng kapangyarihan si Mia.

"I'll treat you." Nakangiting sabi ng Headmaster.

Para na kong iiyak dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

Please, someone, save me.

"Nahihilo rin po ako, feel ko po kailangan kong bumalik sa dorm." Dahilan ko dahil ayoko talagang sumama sakanya.

Nakakatakot kaya ang headmaster. Lalo na't alam kong kailangan nila ko ngayon.

"Come with me." Nakangiti pa rin nyang sabi ngunit madiin na. Nako, i have no choice!

Tumayo na ko at pinilit igalaw ang paa upang makasunod sakanya.

Habang naglalakad sa hallway, nakita ko si Meridette at Raven na nakatingin lang sakin.

"Where are you going?" Nakakunot ang noo na tanong sakin ni Meridette ng madaanan ko sya.

Hindi ko sya sinagot at nagpatuloy sa paglalakad.

"I'm coming with you." Sabi ni Meridette at sumunod sakin. Nilingon sya ng Headmaster at nginitian.

"I'm only looking for Sheerina." Sabi ng Principal na halatang nagpipigil ng inis.

"Im coming too." Sabi rin ni Raven at kinabahan ako. Pag sumama sila sakin, baka mapahamak pa sila.

Kasalanan ko ng nawala si Veruca, ayoko ng maging kasalanan ang pagkawala nilang dalawa.

Bloody Hell University (EDITING)Where stories live. Discover now