Bloody IX - Top Ten

8.7K 355 65
                                    

Sheerina

Sa pagdilat ng mga mata ko, puting kurtina ang bumungad sakin.

Nasan ako?

Nasan ako?

"Buti gising ka na." Sabi ni.. Mia?

Nasan ba ko? Bakit nandito si Mia?

Pero nasan si Nasqued?

"Nasan ako?" Tanong ko kay Mia.

Dapat patay na ko.

Dapat wala na ko dito.

Dapat....

"Yung mga armas na binigay nila satin ay hindi iyon ang makakapatay saatin, sinabi lang yon para gawin natin ang best." Paliwanag ni Mia. I get it now.

"At yung battlefield o yung school natin nung araw na yun, pinapahina non ang may mga kakaibang kapangyarihan. Kagaya ng mga top blooder." Paliwanag nya pa na medyo nagpagulo sa isip ko.

"Pero sa araw na yun lang." Dagdag nya pa at luminga linga ako.

"Where's Nasqued?" Tanong ko kay Mia.

"Hindi ko din alam." Seryosong sabi nya. Agad na kumunot ang kilay ko.

Ano?

"Anong hindi mo alam?" Takang tanong ko pa habang nakakunot pa rin ang kilay. Nagiging mas magulo ang lahat.

"Hindi ko alam, lahat nandito na pero sya... wala. Kanina ko pa hinahanap pero sadyang hindi ko makita." Seryoso pang sagot nya. Hindi ko maintindihan.

Anong ibig nyang sabihin?

Sa laban na naganap... nandon si Raven.

Nandon ang kaibigan ko!

Agad akong tumayo sa kama at hinanap si Raven. Baka sya, alam nya kung nasan si Nasqued.

"Sheerina!" Rinig kong sigaw ng pangalan ko ni Mia. Pero hindi ko sya nilingon at pinagpatuloy ang paghahanap kay Raven.

Nasan ka na ba?!

Nasan ka na ba Raven??

Napasandal ako sa locker dahil sa pag-iisip na yon.

Gulong-gulo na ang isip ko.

Gulong-gulo na!

"Anong kailangan mo?" Biglang salita ng kung sino.

Tumingin ako sa nagsalita. Hindi pala sya 'sino'.

Dahil sya, ang hinahanap ko.

"Raven." Seryosong tawag ko sa pangalan nya.

Iyon pa rin ang itsura ng mukha nya, walang emosyon.

Pero nung laban, doon ko nakita ang iba't-iba nyang ekspresyon.

At isa lang ang masasabi ko.

Nakakatakot.

"Sheerina." Walang emosyon nyang sabi o parang walang pakielam.

"Nasan si Nasqued?" Deretsong tanong ko.

Sa pagkakatanda ko, nagtawag sya mga uwak at pinalibutan ng mga ito si Nasqued.

At pagkatapos, wala na. Nawala ng parang bula si Nasqued.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Wala pa ring pakielam na sabi ni Raven.

"Alam kong may alam ka Raven. Sabihin mo sakin, nasan si Nasqued?" Seryoso kong tanong.

Pakiramdam ko, may mali.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon