XXV - Mia

6.5K 293 70
                                    

Sheerina

Nagpalamon ako sa maitim na usok ni Chaos.

Ang dilim dito.

'Nasan ka Chaos?'

Hinahanap ko sya dahil malaki na ang sakop ng usok. Sigurado akong abo na si King.

"Chaos!" Sigaw ko dahil malakas ang hangin na para bang may ipo-ipo dito.

Patuloy ako sa paghahanap. Wala akong makita kung hindi ang usok.

Naglakad-lakad ako at sa wakas. Nakita ko sya. Nakita ko na si Chaos.

Mabilis ko syang nilapitan at humarap sakanya.

Walang buhay na nakadilat ang mga mata nito.

"Chaos." Tawag ko sa pangalan nya habang tinatapik-tapik ang pisngi nya.

"Chaos, you need to stop this." Sabi ko sakanya. Pero sa halip na tumigil, lumakas ang hangin na nagmumula sakanya.

Dahilan para mapaatras ako ng kaunti.

Pinilit ko ulit makalapit at humawak ng madiin sa balikat nya upang hindi ako matangay ng malakas na hangin.

"Chaos. Stop this." Sabi ko ulit. Ang buhok ko ay hindi alam kung saan pupunta.

"Chaos." Tinapik-tapik ko ulit ang pisngi nya.

Pero sadyang walang epekto.

Paano ko nga ba napatigil noon ang usok ni Chaos?

Paano?

"Chaos." Huling tawag ko at tinapik sya ulit.

Masyado ng lumakas ang hangin kaya napayakap ako sakanya ng mahigpit.

Mahigpit na mahigpit upang hindi makabitaw.

Ayokong iwanan ka Chaos.

Isinubsob ko ang ulo ko sa balikat nya at ipinikit ang mga mata.

"Chaos. Please come back." Nakapikit na bulong ko sa tenga ni Chaos.

"For me. For us." Bulong ko pa at namahinga na sa balikat nya.

Dinamdam ko ang yakap ko. Tumagal ito ng ilang minuto ng maramdaman kong may kamay sa likudan ko.

Niyakap ako ng kamay na yun.

"Chaos." Umiiyak na sabi ko at niyakap namin ang isa't-isa.

Maya-maya ay bumitaw na kami.

"Im sorry, i didn't get the necklace." Malungkot ang ngiti na sabi nya. Nginitian ko sya habang tumutulo ang luha.

"May oras pa naman tayo para hanapin yun." Nakangiting sabi ko habang pinapahidan ang tubig sa mata.

"What do you mean?" Nagtataka nyang tanong.

Malaking ngiti ang iginanti ko sakanya.

"Ibinato dito sa gubat ni King ang necklace." Paliwanag ko at mukhang naintindihan naman nya.

"Nasan sila?" Tanong ni Chaos at tumingin sa paligid.

"Sila Ashton, bumalik na sa paaralan. Yung iba naman, naging abo." Natatawa kong sagot at nginitian nya ko.

Natuwa ako sa ngiting ibinigay nya.

Hindi naman kasi palangiti si Chaos.

"Hanapin na natin." Nakangiti nitong sabi at ganon nga ang ginawa namin.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon