Bloody IV [EDITED]

10.4K 399 32
                                    

Sheerina's POV

Lahat ay naghahanda na. Binigyan din kami ng oras ng mga teachers para rito.

Wednesday. Yan ang araw ngayon. Ilang araw nalang ay malalaman na kung sino ang top blooder. Mananatili ba ang mga nakaluklok? O hihirangin ang mga makabago?

Wala akong pakielam kung sino man ang hirangin. Pero isa lang ang tiyak ko, mapapasali ako.

"Tara practice na tayo!" Nakangiting aya ni Mia. Araw-araw kaming nagpapractice.

Balak namin magkampihan sa labanan.

Lumabas na kami ng dorm namin. Agad din kaming pumunta sa practice zone.

Halos lahat ay nandito na. Pero may mga spot pa rin na available. Pumunta kami don nina Nasqued.

"Start na" Sabi ko sa kanilang dalawa. Ngumiti naman si Mia.

"Pero di ko talaga inakala na magaling ka Sheerina. Knowing na galing ka sa mundo ng mga mortal." Sabi naman ni Nasqued na parang hindi pa rin makapaniwala. Sino nga bang maniniwala na ang isang bagong salta ay magaling pala?

Masyado ko ng pinababango ang sarili.

Paano ko nga ba natutunan ang combat?

Siguro ang akala nyo pa-sweet heart ako sa school. Siguro medyo ganon. Pero sa oras na kausapin mo ko sa walang kakwenta-kwentang bagay, you'll be dead.

Ayoko kasi ng sobrang obvious naman itatanong pa. At ang mga lalaking nanghihingi ng number at fb ko.

"Share mo naman Sheerina!" Sigaw ni Mia. Mukhang naghihintay sila ni Nasqued so I have no choice but to tell them.

"Medyo ano kasi... Hindi ako disiplinadong student sa school namin noon. Although I managed to cover it up sa pagbibigay karangalan sa eskwelahan." Medyo nahihiyang paliwanag ko. Syempre, ano ko? Ibibida ko pa ang mga katarantaduhang ginawa ko?

No way.

Nanlaki naman ang mata nila. Anong iniisip ng dalawang 'to? Sa tingin ko ay maayos naman ang pagkakapaliwanag ko.

"That explains why..." Iisip-isip na sabi ni Nasqued.

"In-short... Wala kang modo sa school nyo at isa kang barumbado?" Nanlalaki ang mata na saad ni Mia at hindi ko maiwasan ang matawa. Inawat naman sya agad ni Nasqued.

Ngumiti naman ako sakanila.

"Hmmm parang ganon na nga." Pagsang-ayon ko na lang dahil hindi kami matatapos sa kwentuhan kung puro kami paguusap.

"Simulan na natin." Pagdedeklara ko ulit. Pumwesto na kami at nakipagtitigan sa mata ng isa't-isa.

"Pero paanong practice ang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Mia. Napangisi naman ako.

Hindi naman sa lahat ng oras ng laban ay magkakasama kami. At higit sa lahat, hindi kami laging magkakampi.

"We'll fight each other. Like we.. never.. did.. before." Nakangising sabi ko. Napatakip naman ng bibig si Mia. Hindi nya siguro inaasahan ang narinig.

Ito talaga ang gusto kong mangyari. Upang maging handa sila kung sakaling makapasok kaming tatlo at kailangan na naming maglaban-laban.

"Nakakatakot ka naman!" Sigaw ni Mia sa'kin. Di maubusan ng sasabihin ang babaeng ito.

Napangiti naman si Nasqued. I guess she like it.

"In 3... 2... 1..." After non, sunod-sunod na natira ang pumunta sa direksyon ko.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon