XXIII

6.9K 309 22
                                    

Sheerina

Tumatakbo kami ngayon papunta sa field ng school!

At gaya ng inaasahan, apaka-daming nandirito!

"We'll get the necklace. Don't worry." Bulong sakin ni Chaos at nakikipagsiksikan sa mga nandito!

"Give me the necklace!" Rinig kong sigaw ng isang boses babae! Hinablot din nito ang necklace sa kamay ng lalaki!

Nahanap ko naman sya agad dahil sinundan sya ng mga iba't-ibang bampira!

Nakakulay green itong uniporme!

"Bilisan nyo!" Sigaw ni Daemon at nagkakagulo na nga dito!

"Shera kami ang nauna dyan! Ibalik mo sakin ang kwintas!" Sigaw nung lalaking inagawan ng babaeng naka berdeng uniporme.

"Shera!" Sigaw ulit nito. Shera pala ang pangalan ng babaeng iyon!

Hindi biro, parang may apocalypse dito! Parang mga zombie na natatakam sa laman!

Umakyat si Shera sa rooftop ng building, nakasunod naman kaming lahat sakanya.

Kumindat ito saamin at biglang naging isang ibon! Isang agila!

"Aaah!!!" Sigaw ng mga bampira dahil sa inis!

"Don't let her get away!" Sigaw ni Ashton. Tumango kami.

Now, it's our time, to shine.

"Aaaah!!!" Sigaw ni Raven at pumalibot sakanya ang mga uwak!

Sumunod kay Shera ang mga uwak ni Raven!

Ang ibang mga bampira din ay gumawa ng paraan para maabutan si Shera!

Mabilis na tumakbo si Sick sa ere!

Sa ilalim ng kanyang mga paa, may kulay itim doon, dahilan para makatakbo sya sa ere!

Lumingon ako kay Levicarl at parang nagko-kontrol sya!

Sya pala ang dahilan kung bakit nagawa ni Sick yon!

Nakakamangha pero paano nilang nagawa yun?!

"Meridette, stop them." Utos ni Ashton, pinagmasdan ko ang paligid at andaming bampira na nakasunod kay Shera!

"On it." Sagot ni Meridette at pinadami ang sarili! Nakikipaglaban sya ngayon sa mga bampira para hindi ito makasunod kila Sick at Shera!

Hindi pwedeng nakatayo lang ako dito! Kailangan kong tumulong!

Sinuot ko ang asero ko at nagsimula na ring sumugod!

"Aaaah!" Sigaw ko at pumasan sa likod ng isang bampira't pinagsasapak ito!

Akma namang may sasaksak sakin sa likod, mabuti nalang at nakapagvertical, at sakto! Sa balikat nya ako lumanding!

Sinapak ko sya sa ulo, bagsak!

"Elliot, try to focus on Shera." Utos ni Ashton habang inaapuyan ang mga bampira!

Ipinikit ni Elliot ang mata nya at parang nahihirapan sya!

"Masyado syang malayo." Sabi ni Elliot. Advance Prediction nga pala si Elliot pagdating sa pag-atake. Sa pag-atake nga lang.

"Sa tingin ko, kailangan nating lumapit." Sabi ni Raven at mukhang nanghihina na rin sya!

Siguro nauubos na ang mga uwak nya!

Hindi na rin kasi namin makita si Sick at Shera!

"I can't hold them any longer!" Sigaw ni Meridette! Kakaunti nalang ang duplicate nya!

"Tumakbo na kayo! Sundan nyo sila! Ako ng bahala dito!" Sigaw ni Daemon at tumango kami. Naiwan si Meridette at Veruca kay Daemon.

Tumakbo na kami papunta kila Sick!

"Elliot, saan?" Tanong ni Ashton.

"Dito!" Sagot ni Elliot at sinundan na namin sya!

Malayo-layo na ang nararating namin dahil nasa labas na kami ng paaralan!

Nasa gubat kami ngayon!

"Elliot, malapit na ba?" Tanong ni Chaos habang tumatakbo kami!

"Malapit na." Sa halip na si Elliot ang sumagot, si Raven ang nagsalita.

Siguro'y nararamdaman na nya ang mga uwak nya.

Iwinagayway ni Raven ang kaliwang kamay nya at may narinig kaming isang malakas na bagsak!

Mabilis kaming lumapit doon!

May kumpol-kumpol na uwak ang nasa baba! Nandito na rin si Sick!

Unti-unti ng lumipad ang mga uwak at ibinunyag nito ang babaeng naka-berdeng uniporme.

Si Shera!

"Ibigay mo sakin ang kwintas." Magsasalita na sana si Ashton kay Shera ng pangunahan sya ni Chaos!

"Shera. Ang kwintas." Sabi ulit ni Chaos at parang walang buhay ang mga mata nito!

Nagtitinginan naman ang mga kasamahan namin.

Dahan-dahan tumayo sa pagkakahiga si Shera.

"Sa tingin nyo nag-iisa lang ako?" Natatawa nyang tanong.

Anong ibig nyang sabihin?

Naestatwa kaming lahat.

"Maging alerto kayo." Sabi ni Sick.

Nagulat ako ng lumindol!

Isang malakas na lindol!

Lahat kami ay natumba sa lupa pwera lang kay Shera!

A-ano bang nangyayari?!

"Shera." Biglang tumigil ang lindol at may lalaking lumabas sa gubat. Naka-berde rin itong uniporme.

Magkasama sila?

"Roll." Nakangiting bati ni Shera sa panibagong lalaki na dumating.

Tumayo na ulit kami at masamang tumingin kay Shera at Roll.

Nagulat kami ng biglang tumumba si Chaos!

At may panibagong lalaki na naman ang nasa harapan namin!

"Mukhang madami sila." Sabi ni Sick at kinabahan ako ng grabe! Grabe talaga!

"Celix." Sabi nung Roll at nakipag-apir sa kararating lang na lalaki!

"Nakuha nyo na ba?" Tanong nito kay Shera at Roll.

Itinaas ni Shera ang kamay at pinaikot-ikot ang kwintas!

"Am i late?" Maliit na boses ng babae ang narinig namin, ng tumingin ako sa likod, nakasalamin ito at nakasakay sa itim na ulap!

A-ang astig!

"No, your timing is perfect, Claudia." Nakangiting sabi ni Shera. Ngayon ay magkakasama na silang apat.

Paano na namin makukuha ang kwintas?!

"Where's king?" Tanong ni Claudia at nginitian lang sya ni Shera.

Hanggang sa may dahan-dahan na pumalakpak!

"Good job, Lunatic." Isang malaki at malalim na boses ang narinig ng lahat!

Nakakataas balahibo!

"King!" Sabay-sabay na bati ng apat! Bale hindi sila apat?!

Hindi sila apat dahil lima sila!

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Sick, maging ako ay nalilito na rin. Paano namin makukuha ang kwintas kung ganito sila kadami?!

"Pagmasdan muna natin ang gagawin nila." Utos ni Levicarl. Wala rin kaming magagawa kung basta-basta nalang kaming susugod.

Naglakad papunta sakanila yung 'King' na tinatawag nila.

May nga hikaw ito sa labi at may tattoo sa braso!

Nakaitim na kapa at may bendang nakabalot sa kamay!

Iyan ang itsura ng 'King' na tinatawag nila!

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon