Preview

12.4K 341 10
                                    


      Malayo narin ang tinakbo ng kabayo niya ngunit hindi parin niya mahagilap ang usang ninanais niyang pangasuhin. Malaking bagay na ang isang usa para makakain silang buong mag-anak.

    Masukal ang kagubatan ay marami ding ligaw na mga hayop na maaring naghahanap din ng kanilang pagkain kaya maaring hindi siya palarin na mahuli ang usang kanina pa niya hinahabol. At nakarinig siya ng isang impit na atungal at agad niyang pinatakbo ang sinasakyang kabayo patungo sa pinanggagalingan ng atungal na iyon.

    Hindi siya maaring magkamali, boses iyon ng isang tao ma humihingi ng tulong. At hindi siya nagdalawang isip na hanapin ang boses na tumatawag ng tulong.

     Nakita niya ang isang lalaking nakalambitin patiwarik at balot na balot ito sa patibong na panghuli ng isang baboy-ramo. Nagpupumiglas pa ang kaedaran lang niyang lalaki at patuloy na sumisigaw ng tulong.

   Natatawa siyang linapitan ito at agad na pinutol ang pising nagpapalambitin dito sa sanga ng malaking puno ng Willow.

    Umungol pa ng kaunti ang binata dahil sa pagbagsak niya sa lupa.

    "Bakit mo biglang pinutol ang pisi? Kita mong bumagsak ako? Paano kung nabali ang mga buto ko? Kaya mo bang panagutan ang iyong kasalan sakin?" may pagkaarogante sa boses ng binatang kanyang tinulungan.

    Agad niyang tinanggal ang patibong na nakabalot sa katawan nito at linahad niya ang kamay niya upang tulungan itong makatayo.

    "Kaunting sakit lang yan kumpara sa sakit na mararamdaman mo kapag kinatay ka na ng may-ari ng patibong na 'yan." pangisi niyang tugon sa binatang nakasuot ng magarang kasuotan. Tanging maharlika lamang ang nakasuot ng ganitong mga damit. Maaring anak ito ng isang Duke o Baron ng kaharian.

    "Isang pipitsuging mamamayan ang nagagawa akong paglaruan at pagsalitaan ng walang paggalang? Kilala mo ba kung sino ako?"

     Umiling lang ang binata at nagsimula nang maglakad patungo sa kanyang kabayo. Hindi paman siya nakakalayo ay hinablot na ang kamay niya ng binata.

    Hindi niya naiwasang bumaling dito at huli na nang malaman niyang magkalapit ang kanilang mga mukha dahilan upang matumba silang dalawa at pumaibabaw siya rito.

    Tumama ang mga labi nila sa isa't isa at para bang nasemento ang dalawa sa pangyayaring hindi kailanman nila inaasahan. Ang magkahalikan ang dalawang lalaki.

    Itinulak agad siya ng binata at napatayo naman siya at umiling-iling dahil sa nakakabiglang pangyayari na namagitan sa kanilang dalawa.

    "Isang kalapastanganan ang ginawa mo. Hindi ko maaring palampasin ang ginawa mo sakin." galit na bulyaw ng binata sa kanya ngunit wala siyang isinagot ngunit isang impit na paghinga lamang.

     "Sabihin mo ngayon din kung ano ang pangalan mo at maibigay ko sayo ang nakatakdang kaparusahan na nararapat sa isang katulad mong lapastangan!" paguulit pa ng binatang kanyang kaharap ngunit hindi siya umimik.

    Mabilis niyang tinakbo ang kanyang kabayo at tangan parin niya sa isipan niya ang nangyari sa pagitan nila ng binata. Iyon ang unang beses na lumapat ang labi niya sa ibang tao. At sa isang lalaki pa.

    Hindi siya pwedeng mabagabag sa isiping iyon. Wala sa hinuha niya na may magaganap sa pagitan niya at ng isa pang lalaki. Isa iyong malaking kasalanan. At kung isang maharlika nga ang binatang iyon, nanganganib ang buhay niya. Pati na ang kanyang pamilya.

   --------------------

     "Kamahalan.. Hindi parin namin matukoy kung sino bang lalaki ang sinasabi niyong lumapastangan sa inyo? Mahirap hanapin sa ating kaharian ang katulad niyang ordinaryo lamang ang kasuotan at walang pananda na magtutukoy ng pagkakaiba niya sa ibang tao."

    Hinampas ni Prinsipe Brandon ang mesa niya sa silid aklatan ng palasyo. Kaharap niya ngayon ang isang kapitan ng mga kawal na inatasan niyang hanapin ang lalaking lumapastangan sa kanya.

    At magpahanggang ngayon ay naaalala niya parin ang paglalapat ng kanilang mga labi. Gusto niyang magalit ngunit hindi niya rin mapigilang hanapin ang lalaking gumawa sa kanya nito.

    "Hanapin mo sa lahat ng sulok ng kagubatan ng Daffodil. Doon ko siya nakita at doon naganap ang kalapastanganang ginawa niya sa akin. Nasisiguro kong nandoon lamang siya sa paligid nito!" walang pasensiyang utos ni Prinsipe Brandon at tumango lang ang kapitan bilang pagsunod sa kautusan ng binatang prinsipe.

   Biglang pumasok sa silid aklatan ang Mahal na Reyna at parehas nagbigay pugay ang prinsipe at ang kapitan dito.

    "Mahal na prinsipe? Ano ang bumabagabag sa iyo't ganyan mo nalang pagsalitaan ang kapitan?" tanong nang reyna nang marating nito ang kinaroroonan ng kanyang anak.

    Ang prinsipe ay hindi naman maitago ang pagkabagot at pagkairitable dahil sa patuloy siyang inuusig ng pangyayaring hindi niya makalimutan.

    "May isang taong nakagawa ng isang malaking kasalanan sakin mahal na reyna. Kaya nararapat lang sa taong ito ma maparusahan ng naayon sa batas."

    Nagkatitigan sila ng reyna at napataas ito ng kanyang kilay.

    "At ano naman ang naging kasalanan ng taong ito at para bagang hindi ka makahinga ng maayos at tila ba sintomas ito ng isang taong umiibig?" sabay ngiti ng reyna sa kanyang binatang prinsipe.

    Hindi mapigilan ni Prinsipe Brandon na panglakihan ng kanyang mga mata. Anong sinasabi ng kanyang ina? Hindi siya maaring umibig sa kapwa niya lalaki. Hindi ito sintomas na umiibig siya kundi galit na hindi niya parin malaman ang dahilan.

   ------------------

    "Siya si Prinsipe Brandon. Ang tagapagmana ng kaharian ng Thesalus. Hindi ba't napakakisig at napakagwapong lalaki niya? Siya ang susunod na hari natin." sambit ng ina ni Persius. At tiningnan niya ang larawang dala ng kanyang ina mula sa pamimili nito sa bayan.

    Agad siyang pinanlakihan ng mata nang makita niya ang imahe ng prinsipeng tinutukoy ng ina sa kanyang mga nakababatang kapatid.

    Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang lalaking iniligtas niya sa kagubatan ngunit ginantihan lang siya ng kagaspangan ng ugali. At isa pa.. Naalala niyang muli ang pagdampi ng labi nito sa labi niya na ilang araw narin niyang iwinawaksi sa kanyang isipan.

    "Naku.. Ang swerte naman po ng mapapangasawa ng prinsipe. Bukod sa siya ang magiging hari, balita din sa kaharian ang galing niya sa pakikipaglaban at pagiging matalino niya. Kaya alam kong magiging magaling siyang hari pagdating ng araw." sambit pa ng kanyang ina.

    Mula sa sandaling iyon ay hindi na nawala ang tingin niya sa larawan ng prinsipe. Alam niyang sa mga oras na ito ay pinapahanap na siya ng prinsipe.

    Ngunit nakahanda siyang harapin ito. Wala siyang kasalanan dito at sa kaibuturan ng puso niya, alam niyang may kakaiba na siyang nararamdaman para dito.

  The King's Lover..

 

The King's Lover (Historic BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon