Pag-ibig ni Persius

2.4K 128 3
                                    


     Ang makapal na niyebe ay siyang nilalakbay ng mga kawal at sundalo habang nakagapos si Brandon at nasa isang malaking hawlang gawa sa kahoy. Kasalukuyan siyang dinadala patungo sa bayan ng Dardo kun saan siya ipipiit sa kulungan ng mga pinatalsik na hari.

     Ang kanyang mga kamay at paa ay naninigas na labis na lamig na kanyang nararamdaman ngunit linalabanan ito ni Brandon. Naroon ang determinasyon niyang mabuhay. Binigyan siya ng makapal na kumot upang ibalabal niya ito sa kanyang katawan ngunit hindi ito sapat.

     Ang mga kawal at sundalo ay pinangungunahan ni Kapitan Samuel at siya ay masugid na kapanalig ni Heneral Elio. Nasisiyahan siya sa nakikitang paghihirap ng pinatalsik na hari. Hindi niya parin mapaniwala ang kanyang sarili na napatalsik ito ng ganoon kadali ni Duke Tristan. Hindi ugali ng pinatalsik na hari ang sumuko nalamang basta.

    Ngunit naalala niya ang ipinagutos sa kanya ng duke na ngayon ay siyang hari na ng Thesalus na hindi na dapat pang umabot sa Dardo ang dating hari. Kung hindi man ito mamatay sa lamig ng panahon ay kailangan itong paslangin at iwanan ang katawan sa ilog upang hindi na ito mahanap kailanman. Ganoon kagusto ng duke na mawala sa kanyang landas ang kanyang pinsan.

      Kalahati na ng daanan patungong Dardo ang kanilang linalakbay nang bigla silang palibutan ng napakaraming sundalong nakasuot ng uniporme ng Corinthia. Hindi nila inaasahan ang pagsalakay ng mga ito sa kanila kaya hindi nila namalayan na isa-isa nang pinapaslang ang mga sundalo at kawal na kasamahan niya. Agad na bumaba si Kapitan Samuel sa kanyang kabayo at hinarap ang mga sumalakay sa kanilang sundalo. Magagaling ang mga ito sa pakikipaglaban at hindi naglaon ay lahat ng sundalo at kawal ay napatumba na ng mga ito. Ang isang daan sa kanila ay pinatumba ng labinlimang sundalo lamang. Hindi makapaniwala ang Kapitan kaya minabuti niyang sumuko at bitawan ang kanyang sandata upang mabuhay.

     "Kalagan niyo ang nakakulong. At ipalit niyo ito sa loob ng hawla." turo ng tinuturing na pinuno ng mga sundalong sumalakay sa kanila sa nakaluhod na kapitan.

    Agad na ginagap ng mga sundalo ang magkabilang braso ng kapitan at agad itong tinalian. Samantalang si Brandon naman ay naguguluhan parin sa nangyayari. Agad siyang kinuha ng mga sundalo mula sa malaking hawla at ipanasok naman doon ang kapitan na may piring na sa mata at mag takip ang bibig.

   Humihiyaw ang kapitan ngunit walang nakakarinig dito. Malinis ang ginawang trabaho ng mga sundalo kaya't madali na nilang nilisan ang lugar kasama ang dating hari ng Thesalus na kanilang pinasakay sa isang kabayong nakalaan para dito.

    -----------------------

      "Anong ibig mong sabihin, Persius? Magbibitaw ka bilang punong heneral ng hukbong sandatahan?" gulat na tanong ng bagong hari sa binatang kasama niya ngayon sa kanyang silid. Hindi umaalis sa kanyang kinatatayuan si Persius habang nakatitig lang kawalan.

    "Hindi ako makakapayag sa gusto mo.. Ikaw ang pinakamagaling na heneral ng Thesalus. Sa tingin mo ba basta ko nalang hahayaan na magbitiw ka sa iyong posisyon?" galit na saad pa ng hari kaya hindi na napigil ni Persius na sagutin ito.

    "Dahil hindi ko na gusto pang manatili sa aking posisyon. Gusto kong bumalik na lamang sa aking dating buhay at maging isang ordinaryong mamamayan na lamang kapiling ang aking pamilya. At siguro ay bumuo narin ng sarili kong pamilya."pagsisinungaling ng binatang heneral na hindi naman kinakagat ng bagong hari. Alam niyang susundan nito si Brandon sa Dardo upang iligtas ito ngunit alam niyang sa mga pagkakataong ito ay namatay na ito sa lamig o di kaya napasalang na ito ng kapitan na kanyang napagutusan.

      "Huwag ka nang magdahilan pa Persius. Alam ko kung bakit gusto mong magbitiw sa iyong posisyon. Dahil gusto mong makapiling si Brandon. Dahil hanggang ngayon, siya parin talaga ang pinipili mo." may hinanakit na saad ng bagong hari ngunit hindi siya pinakinggan ni Persius.

The King's Lover (Historic BL)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin