Ang Lihim ng Heneral

2.7K 142 1
                                    


       Isang magandang araw ang bumungad kay Persius nang siya ay magising mula sa kanyang silid na tinutuluyan sa tahanan ni Duke Tristan. Matagal na niyang nais mangaso at ngayong taglagas na at nalalapit na ang pagdating ng taglamig ay maaring kaunti nalamang ang mga kanyang makikitang hayop sa kagubatan.

     Napabangon siya sa kanyang higaan at agad na tinungo ang silid paliguan upang siya ay makaligo at makababa na sa hapagkainan ng malaking bahay. Alam niyang naghihintay roon ang kanyang ina at ang kanyang mga kapatid na dito rin nakatira sa malaking tahanan ng duke.

      Sinuot niya ang pagkaraniwang damit niya dahil tapos na ang kaguluhan at tahimik na pansamantala ang lahat kaya maari niyang maisuot ng malaya ang mga damit na nais niya.

      Nang nakababa siya ng hagdanan ay naabutan niya ang magsiglang tawanan ng kanyang mga kapatid na babae at ng duke na ngayon ay nagsisimula nang kumain ng kanilang almusal.

     Nakita ng mga kapatid niya ang kanyang pagdating kaya napatayo ang mga ito sa kanilang upuan at yumukod upang magbigay galang sa kanya.

    "Heneral Persius.. Isang magandang umaga sa inyo." sabay na saad ni Lisa at Amira sa kanilang nakatatandang kapatid.

     "Hindi niyo kailangang gawin iyan kapag tayo lamang ang magkakasama. Bakit ba hindi niya makita na ako ang kuya ninyo?" magiliw na sagot ng binatang heneral sa kanyang mga kapatid.

     "Hindi namin mapigilang magbigay galang sa inyo.. Kayo po ang punong heneral ng Thesalus. Hindi po namin maaring ipagwalang bahala iyon."

     Natawa ng mahina si Persius at ginagap ang mukha ng mga kapatid niya.

     "Ako parin ang kuya niyo.. At para maramdaman niyo na ako ang Kuya ninyo, isasama ko kayo sa pangangaso sa gubat.. Gusto niyo ba iyon?"

     Nagkatinginan ang dalawang dalagitang kapatid ng heneral at masayang napatango sa nalaman mula dito.

     "Kung gayon, kumain na tayo at nang masimulan na natin ang pangangaso." tugon pang muli ng heneral at bumaling siya ng tingin sa duke na nakangiti lang din sa kanyang namamasdang tagpo sa magkakapatid.

     "Sasama ka ba sa aming pangangaso, Duke Tristan?" masayang pag-aya ni Persius sa kanyang kaharap.

     "Hindi ako makakasama sa inyo, Persius. Marami akong gagawing paghahanda para sa pagdalo natin sa koronasyon ng hari. At ang pagbabalik mo sa palasyo, kailangang maayos na ang lahat." masayang tugon sa kanya ng duke at tumango lamang siya bilang sagot.

     "Kung gayon ay sasabay na ako sa inyong pagkain. Mukhang masarap ang inihain."

      At dumating din ang mayor doma ng malaking tahanan ng duke upang makisalo narin sa kanyang pamilya. Puno ng kasiyahan ang hapagkainan dahil sa mga nangyayari ngayon. Ang tagumpay ng heneral at ang napipintong pagtatagumpay ng duke sa kanyang mga binabalak.

  -----------------------

      Nasa gitna sila ng kagubatan at aliw na aliw si Lisa at Amira sa ginagawang paglilibot sa kanila ng kanilang nakatatandang kapatid. Nariyan at napag-uusapan nila kung mayroon na silang mga nobyo ngunit tanging tawanan lang ang sinagot nila dito.

     Nakaramdam si Persius na tila may sumusunod sa bawat hakbang na ginagawa nila. Tila may nakamasid sa kanyang mga mata. Bilang bihasa na sa pakikipagpaglaban at mga istilo ng kaaway, alam niyang may nagtatangka sa buhay nila. Kaya minabuti niyang huwag na munang palayuin sa kanya ang mga kapatid. Inutos niya rito na bumalik na kaagad sa labasan ng kagubatan at magtungo sa tahanan ng duke. Agad naman siyang sinunod ng mga ito at tanging siya nalamang ang naiwan sa kagubatan.

The King's Lover (Historic BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon