Nakakahumaling

3.4K 164 4
                                    


      Habang naglalakad ang mga tagapagsilbi patungo sa isang silid sa palasyo ay kasabayan nila ang punong konseho ng hari upang puntahan sa silid ng isang mahalagang tao sa kaharian ng Thesalus. Matagal na panahon din na nawala ang panauhin ng palasyo ngunit nagbalik na ito mula sa mahabang pagsasanay at pag-aaral sa Pransya.

    Humingi siya ng pahintulot sa mga kawal na buksan ang pintuan ng mahalagang panauhin.

     "Narito na ang punong konseho, Duke Tristan." paganunsyo ng kawal mula sa labas ng pintuan at narinig naman ito ng binatang matamang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa labas ng bintana niya. Ang pagkatuyo ng lahat ng dahon at ang lumalamlam na panahon ay kanyang kinahamulingan noong bata pa siya.

     "Patuluyin niyo siya." utos ng binata na labing siyam na taong gulang na. Siya ay pamangkin ng hari. Siya ang pinsan ni Prinsipe Brandon. Ang Duke ay kakikitaan din ng kakisigan at angking kagandang lalaki. Nakakahumaling siya sa bawat sinumang makamasid sa kanyang kabuuan.

    Mula sa pagkakatayo sa bintana ay sinalubong niya ang punong konseho na tuwang tuwa sa kanyang pagbabalik sa palasyo. Hindi niya inaasahan ang sorpresang pagdating nito.

    "Tristan! Nangulila ako sa iyo ng husto aking pamangkin!" masayang salubong ng punong konseho ng hari sa kanyang pamangkin.

     "Tiyo Eros.. Ako po ay nagagalak na makita kayong muli. Napakatagal din na panahon ang aking pagkawala." tuwang tuwa ang binatang duke at yinakap ang matanda na tumayo narin bilang pangalawa niyang ama.

     Ang kanyang ina at ang hari ay magkapatid. Ang punong konseho ay kapatid naman ng kanyang amang Duke ng Elustre, isang malawak na kalupaang sakop ng Thesalus mula sa hilaga. At lahat ng iyon ay pag-aari niya ngayong pareho nang wala ang kanyang mga magulang. At siya rin ang susunod sa trono kung sakaling hindi mapanindigan ng prinsipe ang kanyang tungkulin bilang isang prinsipe.

    Ngunit hindi niya kailanman hinangad ang pagiging hari. Dahil alam niyang hindi ito nakatadhana para sa kanya.

     "Nais kong makita ka agad ngunit may pagpupulong na naganap ngayong hapon lamang. At iyon ay ang kasal ni Prinsipe Brandon sa prinsesa ng Olympia, si Prinsesa Sanya."

    Nabigla ang duke sa kanyang narinig sa kanyang tiyuhin. Kung gayon, ikakasal na pala ang kanyang pinsan sa isang babae. Isang napakagandang balita nito. Pero sa loob niya ay lubos siyang nagagalak dahil tuluyan na siyang makakalaya mula sa mahigpit na mga kamay ng hari sa kanya.

     "Isang napakagandang balit pala ang sasalubong sa aking pagbabalik. Nais kong batiin si Brandon ng personal sa kanyang nakatadang pagpapakasal sa prinsesa ng Olympia. Nakakasiguro akong napakagandang dilag ang prinsesa." natutuwang saad ng binatang duke sa kanyang tiyuhin na matamang tumango lang din sa kanyang tinuran.

     "Tunay ang iyong sinambit, Tristan. Isang napakagandang dilag at alam kong isang magandang pagsasama ang naghihintay sa kanila pagkatapos ng kasal."

    Nag-usap pa ang magtiyuhin bago nagpaalam ang matanda sa kanyang pamangkin. Kailangan narin nitong umuwi sa kanyang tahanan at kinagiliwan naman ng binatang duke na maari siyang bumisita sa tahanan ng kanyang tiyuhin.

   Nang makalabas ang kanyang tiyuhin ay agad niya namang naiisipang magtungo sa kinaroroonan ng silid ng kanyang pinsang prinsipe. Naglalakad siya kasama ang kanyang mga tagapagsilbi at hindi paman niya nararating ang silid nito ay natanaw na niya ang isang pamilyar na lalaki na kasama ang iba pang kawal na naghihintay sa labas ng pintuan ng silid ng prinsipe.

    Hindi niya mapigilang hindi mapangiti sa binatang nagnakaw ng kanyang atensiyon sa kanyang paggamit ng espada sa lugar ng pagsasanay. Tila ba isa siyang lalaking nakatakdang maging isang magiting na mandirigma. At iyon ang nagpapahanga sa kanya dito. Ang kaya siyang ipaglaban nito. Ang kaya siyang protektahan nito na buong buhay niyang hinahanap.

The King's Lover (Historic BL)Where stories live. Discover now