Koronasyon

2.7K 137 11
                                    

       Mas lalo akong nahirapan pumili ng magpoportray sa character ni Persius. He is handsome yet gentle but still strong in character. So I thought this guy will fit in. He is Francisco Lachowski.

    Ang nalalapit na koronasyon ng bagong hari ay nagbibigay kasiyahan sa buong bayan ng Thesalus

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

    Ang nalalapit na koronasyon ng bagong hari ay nagbibigay kasiyahan sa buong bayan ng Thesalus. Ang mga mamamayan ay naghahanda narin upang magbigay pugay sa kanilang bagong hari.

     Ang mga tahanan ng bawat miyembro ng konseho ay abala narin. Maliban sa tahanan ni Maestro Rowall na hindi parin sumusuko sa kanyang mithiin. Ang mapatalsik sa kanyang pagiging hari si Haring Brandon sa lalong madaling panahon. Ang kanyang mga kaalyado ay pumapanig sa kanyang hingil sa usaping ito. Lihim silang pinatawag ni Haring Brandon upang kausapin sila ng masinsinan at alamin kung nasaan ang kanilang katapatan. Siya rin namang pagdating ng mga sulat mula kay Duke Tristan na naglalayon hingin ang kanilang suporta.

    Doon naisip ni Maestro Rowall na si Duke Tristan ang nararapat na maging hari dahil sa malaking naiambag nito sa kaharian ng Thesalus. Hindi ang makasarili at walang alam na si Haring Brandon ang maaring maupo sa trono sa mahabang panahon.

    "Nauunawaan ko ang iyong sintemyento, ngunit alam mong mapanganib kapag nalaman ng hari na tayo ay nagbabalak ng isang kudeta. Isang marahas na kamatayan ang ipapataw sa ating kapag nangyari iyon." saad ni Ginoong Leon, isa sa mga miyembro ng konseho ng nasirang hari na ayaw din na maging hari si Brandon.

     "Kaya kailangan nating mag-ingat at kumbinsihin ang buong sandatahang lakas. Dahil kapag nasa atin ang panig nila, hindi na tayo mahihirapan pang paalisin ang hari sa kanyang trono. Maitatalaga na natin ang karapat dapat para sa trono." saad ni Maestro Rowall sa kanyang kaibigan.

     "Kung gayon ay ako na ang bahalang kumausap sa mga heneral. Alam kong madali lang natin silang mapapasunod."

     Hindi naman nagtagal ang ginoo sa tahanan ng maestro at naiwan ang matanda sa kanyang mesa at nagsimulang sumulat bilang sagot sa pakiusap ni Duke Tristan sa kanya.

     ------------------------

       Malapit na si Persius sa tahanan ng duke at kasama niya ang ilang sundalo na may dalang mga regalo para sa duke. Ang kanyang pagbabalik sa Elustre ay pawang nakakapanabik din sapagkata makikita na niyang muli ang kanyang pamilya na nananahan ngayon sa malaking tahanan ng duke.

     Ang mga tauhan ng duke ay hindi magkamayaw sa mga bisitang dumarating kaya't agad na tumakbo ang isang katiwala patungo sa silid ng mayor doma na si Diana upang ipagbigay alam na nakabalik na ang kanyang anak na heneral.

     "Madam Diana! Nandito na po si Heneral Persius. Dumating na siya!" hindi napigilang maibulalas ng katiwala ang mga salitang iyon sa ginang na abala sa paglilista ng mga kakailanganin sa tahanan ng duke.

    Hindi napigilan ng ginang na mapatigil sa kanyang ginagawa at agad na tinakbo ang pintuan at pababa ng napakataas na hagdan ng tahanan ng duke. Ang kanyang kagalakan ay walang mapagsidlan dahil matagumpay na nakauwi si Persius.

The King's Lover (Historic BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon