Ang Lapastangan

4.6K 216 1
                                    


     Ilang araw ang lumipas mula ng maganap ang pagdalo ng mga taga ibang kaharian sa kasiyahan ng Thesalus. Hindi parin maiwasan ni Prinsipe Brandon na manlumo sa kanyang nalaman mula sa kanyang ama. Hindi ito pumayag na pakasalan niya si Prinsesa Martina dahil meron nang nakatakdang babae na kanyang pakakasalan. At tradisyon ng kaharian na ang mga magulang ang pipili ng magiging reyna ng susunod na hari.

     Nasa malaking gazebo lamang siya at nakaupo sa metal na upuan at matamang pinagmamasdan ang malawak na tanawin mula sa kanyang inuupuan. Ang mga halaman na nagsisimula nang magsilagas ay nagpapadagdag sa panlulumong nararamdaman niya.

     Nasa di kalayuan si Ginoong Martell at si Kapitan Draco na matamang naguusap tungkol sa pinagdaraanan ng binatang prinsipe.

     "Isang mahirap na sitwasyon ang kanyang pinagdadaanan ngayon. Ang mahal na hari ay masiyadong naging mahigpit sa kanya. Hindi ko siya kailanman nakitang ngumiti hanggang kagabi. Isang napakagandang tanawin ang makita siyang masayang maisayaw ang babaeng nagugustuhan niya." saad ni Ginoong Martell sa kapitan at tumango lamang ito sa kanya.

     "Mahirap kalabanin ang isang ama lalo na at ito ang iyong hari. Nauunawaan ko ang pinagdadaanan ng ating prinsipe. Ngunit kailangan niya itong tanggapin. Sana lang ay hindi dumating ang puntong maging kasing higpit din siya ng kanyang ama. Gusto kong mamuno siya na may pagmamahal at may pagkalinga." saad naman ng kapitan na sinang-ayunan ng matandang ginoo.

   Nakita ni Prinsipe Brandon ang isang kabayong malayong tumatakbo sa malawak na patag ng hardin ng palasyo. May nakasakay dito at naisipan niyang magliwaliw muna sa kagubatan. Gusto niyang kalimutan ang mga nararamdaman niya kaya pinalapit niya si Ginoong Martell at Kapitan Draco upang kausapin ang mga ito.

    "Gusto kong mamasyal sa kagubatan.. Hindi ko kailangan ng mga alalay o kung sino man. Gusto kong mapag-isa. Naiintindihan niyo ba?" madiin na utos ng prinsipe na hindi naunawaan ng dalawa.

    "Ngunit kamahalan.. Isang pagsuway sa utos ng hari ang iyong gagawin. Hindi ka maaring lumabas ng palasyo na walang kasamang kawal o kahit na sino manlang. Dahil lahat kami ay mananagot."

     Umiling ang prinsipe at tumayo mula sa kanyang pagkakaupo sa silya.

     "Ako ang inyong prinsipe. At magiging hari ninyo pagdating ng panahon. Hindi ko kailangang ulitin sa inyo ang aking kagustuhan. Kaya maiiwan ko na kayo at pupunta ako sa mga kwadra."

    Hindi na nagpapigil pa ang prinsipe sa mga nagbabantay sa kanya at agad na nagtungo sa kwadra ng mga kabayo at naabutan pa niya ang mga kawal na nageensayo sa malawak na ensayohan ng mga ito. At agad na nagbigay pugay ang kanyang mga dinadaanan at hindi niya ito binigyan ng pansin.
   
    "Kamahalan? Anong sadya niyo rito? Bakit kayo nag-iisa?" tanong sa kanya ng nangangasiwa sa kwadra.

    "Kailangan ko ng kabayo. Lalabas ako ng palasyo." utos niya rito ngunit hindi ito agad sumunod sa kanya.

     "Ngunit kamahalan.. Mahigpit kaming pinagbawalan na bigyan ka ng kabayo kung hindi ito isang mahalagang paglalakbay? Utos iyon ng mahal na hari?"

     "Ako ang iyong prinsipe? Hindi pa ba sapat ang aking katayuan para hindi mo ako pagbigyan sa aking kahilingan? Hindi ako aalis na walang dahilan." iritado na ang prinsipe sa bawat pagtangging binibigay sa kanya ng mga tao sa palasyo.

     Nagtagumapay din naman siya sa huli at agad niyang tinangay ang itim na kabayo. Mabilis siyang umakyat sa saldahera nito at pinatakbo na ito palabas ng tarangkahan ng hilagang bahagi ng palasyo.
  
   Nagulat pa ang mga kawal na magbabantay na ang prinsipe mismo at nakasakay sa itim na kabayo.

   Linakbay ng prinsipe ang masukal na kagubatan hanggang sa makarating siya sa gitnang bahagi ng kasukalan. Alam niyang paglampas niya dito ay isang talampas ang kanyang dadatnan. At doon niya gustong magtungo. Ang talampas na sinasabing nakakapag-alis ng kalungkutan sa puso ng sinumang tumutuntong sa bangin nito.

The King's Lover (Historic BL)Where stories live. Discover now