Ang Bagong Hari

2.6K 131 5
                                    

          Wala akong maisip na magpoportray ng character ni Prinsipe Brandon/ Haring Brandon. So I picked Avan Jogia para sa kanya. I think he fits my description of the beautiful yet cold hearted royalty.

 I think he fits my description of the beautiful yet cold hearted royalty

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     Taong 1356 (Unang Taon ni Brandon bilang Hari)

      Ang mga panaghoy ng mga tao sa loob ng silid ng hari ay hindi mapigilan. Maging ang reyna ay lubos na nasasaktan at labis na naghihinagpis sa pagpanaw ng kanyang minamahal na asawa. Tangan niya ang kwentas na ibinigay nito sa kanya noong bago pa lamang silang mag-asawa. Inipit ng reyna sa kamay ng hari ang kanyang kwentas at inatasan ang punong tagapaglingkod ng hari na ianunsyo na sa buong kaharian ang pagkawala ng Haring Bernard.

     Nakatayo lang sa gilid ng kama ng hari ang kanyang anak na Prinsipe na ngayon ay dalawampu't isang taong gulang na.. Mas lalong naging malayo ang loob ni Prinsipe Brandon sa kanyang ama simula ng gabing iyon. Ang gabing tuluyan siyang tinalikuran ng taong kanyang minamahal.

     Mula nang iwanan siya ni Persius, lahat ng kanyang pananaw ay nagbago na. Siya ay naging kasing tigas ng bato. Hindi niya hinahayaang kakitaan siya ng kahit na anong emosyon. Ang mga mata niya ay tila nawalan na ng kinang. Nabubuhay nalamang siya dahil sa tungkulin na nakapatong sa kanyang mga balikat. At ngayon nga ay nasa harapan niya ang walang buhay niyang ama ngunit wala siyang lungkot na nadarama para dito.

   Buong buhay niya ay laging dinidiktahan ng kanyang ama. Ang lahat ng naiisin niya ay hindi maaari dahil ayaw ng kanyang ama. Lahat ng kanyang binalak gawin ay hindi nangyari dahil sa pangingialam ng kanyang ama. At ngayong wala na ito, siya na ang susunod na hari ng Thesalus. At nakahanda na siyang pagharian ang kahiraang nakatakda para sa kanya.

    "Ikaw na ang bagong hari, Kamahalan. Mabuhay ang Haring Brandon!" impit na hayag ng reyna sa kanyang anak na siya din namang sinundan ng mga taong nasa loob ng silid ng hari.

    "Mabuhay ang Haring Brandon!" sabay sabay nilang usal at agad na umalingawngaw ang kampana ng katedral bilang hudyat ng kamatayan ng hari. Ang mga puting bandila ay lumatag sa bawat bintana ng palasyo at ang mgatagapagsilbi ay agad nang naghanda upang sa gaganaping seremonya ng libing ng namatay na hari.

   ---------------------------

       "Kamahalan.. Nakahanda na po ang lahat. Ikaw nalamang ang hinihintay nila sa ilog." usal ni Ginoong Martell sa bagong hari na matamang nakaupo lamang sa loob ng karwahe at hindi parin bumababa patungo sa pampang ng ilog kung saan nakalutang ang bankang kinasisidlan ng bangkay ng nasirang hari.

      Hindi magawang humakbang ng bagong hari dahil sa ngayon pa lamang niya nararamdaman ang kalungkutan. Alam niyang may pagkukulang din siya bilang anak sa kanyang ama. At nagsisisi siya na hindi man lamang siya nakahingi ng tawad sa kanyang ama bago ito pumanaw. Ngunit kailangan niyang lumabas ng karwahe at tunguhin ang kinaroroonan ng kanyang ina at ng kanyang asawa na magkahawak ngayon at naghihinagpis parin.

The King's Lover (Historic BL)Where stories live. Discover now