Kaarawan

4.1K 210 5
                                    


      Kanina pa siya naghihintay sa silid aklatan ng palasyo. Hinihintay niya ang ulat sa kanya ni Kapitan Draco. Hanggang ngayon ay hindi parin nila nahahanap ang lalaking linapastangan siya. Gusto na niya itong makaharap muli pero nagtatalo parin ang kanyang isip at puso dahil may parte sa puso niyang hinahanap ang pakiramdam na iyon.

     At iyon ang hindi niya maunawaan sa kanyang sarili. Bakit nagkaroon siya ng kagustuhang magkaroon ulit ng ganoong pangyayari sa kanya? Sa pagitan nila ng binatang iyon sa kagubatan. Hindi niya ito maipaliwanag. Mukhang nasisira na ang kanyang pag-iisip dahil sa pangyayaring iyon.

    "Mahal na Prinsipe.. Narito na po si Kapitan Draco." anunsyo ng mga kawal na nakabantay sa labas ng silid aklatan.

     "Papasukin niyo siya." utos niya sa kawal at agad namang pumasok ang kapitang halatang galing palang sa isang malayong paglalakbay.

     "Kamahalan, nandito po ang inyong tagapaglingkod at handang paglingkuran kayo." pagbibigay galang nito sa binatang prinsipe.

     "May nalaman na ba kayo tungkol sa kinaroroonan mg binata? Sabihin mo sakin kapitan."

      Inangat ng kapitan mula sa pagkakayukod ang kanyang ulo. Nagtama ang tingin nila ng balisang prinsipe at agad na nag-ulat sa kanyang mga nakalap na balita mula sa mga kawal.

     "Kamahalan.. Hindi parin namin matukoy kung sino bang lalaki ang sinasabi niyong lumapastangan sa inyo? Mahirap hanapin sa ating kaharian ang katulad niyang ordinaryo lamang ang kasuotan at walang pananda na magtutukoy ng pagkakaiba niya sa ibang tao."

    Hinampas ni Prinsipe Brandon ang mesa niya sa silid aklatan ng palasyo. Hindi parin siya nasisiyahan sa takbo ng mga pangyayari. Paano nga ba niya mahahanap ang lalaking iyon kung tanging mukha lang nito ang kanyang naaalala. At magkagayonpaman ay ayaw niyang idetalye ang mukha nito dahil sa tuwing ginagawa niya ito ay mas lalong sumisidhi ang kagustuhan niyang makita itong muli.

    At magpahanggang ngayon ay naaalala niya parin ang paglalapat ng kanilang mga labi. Gusto niyang magalit ngunit hindi niya rin mapigilang hanapin ang lalaking gumawa sa kanya nito.

    "Hanapin mo sa lahat ng sulok ng kagubatan ng Daffodil. Doon ko siya nakita at doon naganap ang kalapastanganang ginawa niya sa akin. Nasisiguro kong nandoon lamang siya sa paligid nito!" walang pasensiyang utos ni Prinsipe Brandon at tumango lang ang kapitan bilang pagsunod sa kautusan ng binatang prinsipe.

   Biglang pumasok sa silid aklatan ang Mahal na Reyna at parehas nagbigay pugay ang prinsipe at ang kapitan dito.

    "Mahal na prinsipe? Ano ang bumabagabag sa iyo't ganyan mo nalang pagsalitaan ang kapitan?" tanong nang reyna nang marating nito ang kinaroroonan ng kanyang anak.

    Ang prinsipe ay hindi naman maitago ang pagkabagot at pagkairitable dahil sa patuloy siyang inuusig ng pangyayaring hindi niya makalimutan.

    "May isang taong nakagawa ng isang malaking kasalanan sakin mahal na reyna. Kaya nararapat lang sa taong ito ma maparusahan ng naayon sa batas."

    Nagkatitigan sila ng reyna at napataas ito ng kanyang kilay.

    "At ano naman ang naging kasalanan ng taong ito at para bagang hindi ka makahinga ng maayos at tila ba sintomas ito ng isang taong umiibig?" sabay ngiti ng reyna sa kanyang binatang prinsipe.

    Hindi mapigilan ni Prinsipe Brandon na panglakihan ng kanyang mga mata. Anong sinasabi ng kanyang ina? Hindi siya maaring umibig sa kapwa niya lalaki. Hindi ito sintomas na umiibig siya kundi galit na hindi niya parin malaman ang dahilan.

    "Mahal na reyna.. Ipagpaumanhin po ninyo ngunit isang usapin po ito na kailangang maresolba ng hukbo namin. Nauunawaan ko ang sentimyento ng mahal na prinsipe. Kung isa itong mapanganib na tao ay dapat lamang itong maparusahan ng naaayon sa kanyang nagawang kasalanan." usal ng kapitan na nagpasang-ayon naman sa magandang reyna ng Thesalus.

The King's Lover (Historic BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon