Ang Prinsipe at ang Mangangaso

7.1K 241 3
                                    


     Mataas na ang sikat ng araw at nag-aabang na rin lahat ng tagasilbi ng binatang prinsipe sa kanyang pagbangon mula sa kanyang malaking kama. Kanina pa siya ginigising ni Ginoong Martell, ang kanyang punong tagapangasiwa.
  
      Maging ang mga tagasilbi ng prinsipe ay tumutulong narin sa paggising dito. At dahil nga sa pagkairita ay napabangon na ng tuluyan ang kanina pang nagtutulog tulugang prinsipe.

      Simula pa noong maliit siya ay isa na ito sa kaugalian niya. Ang magising sa hindi tamang oras na pilit na pinapabago ng kanyang mahal na ina, ang Reyna ng Thesalus.

      "Kamahalan.. Kailangan na nating maghanda dahil ngayon na darating ang mga panauhin natin mula sa karatig kaharian. Isang mahalagang pagtitipon ang mangyayari ngayon at kailangan ng hari at reyna ang iyong presensiya sa gaganaping pagtitipon."

    Pumungas pungas muna ang makisig na prinsipe at agad na hinubad ang kanyang kasuotang pantulog. Lumantad sa kanyang mga tagasilbi at kay Ginoong Martell ang matipuno nitong katawan na kinapula ng kababaihang tagasilbi. Inutos ni Ginoong Martell na takpan ng mga ito ang kanilang mata ngunit tumalima lamang ang mga ito at patuloy na pinagmasdan ang napakagandang katawan ng binatang prinsipe.

    Dahil doon ay nakatikim sila ng panlalaki ng mata ni Ginoong Martell na hiningi nila agad ng tawad.

     Agad na nagtungo ang prinsipe sa kanyang silid paliguan at agad na sinubukan ang tubig sa malaking paliguan an gawa sa matitibay at makikinis na marmol na gawa pa sa Gresya.

     "Kulang pa ng mainit na tubig. Pakilagyan niyo pa." utos ng prinsipe sa kanyang mga tagasilbi at agad naman nila itong sinunod.

    Nang maging sapat na ang paghahalo ng init at lamig nito ay nagtampisaw na ang prisipe dito. At linagyan narin ito ng mga tagasilbi niya ng mga pampabangong esenso mula sa katas ng rosas at jasmin. At ang kanyang panguskos sa katawan ay linagyan narin ng mabangong esenso ng kanyang paboritong amoy, ang bulaklak ng frangipani.

    Humalimuyak agad ang bulaklak at naging payapa ang isipan ng binatang prinsipe. Sa likod ng kanyang matapang at makisig na pangangatawan ay isa itong bahagi ng kanyang pagkataong kakatwa sa karamihan. Sinong mag-aakala na ang isang katulad niyang lalaki ay mahilig sa halimuyak ng bulaklak.

    "Tapos na akong maligo.. Pakiaabot ang aking roba." utos niya sa kanyang mga tagasilbi at agad naman siyang umahon mula sa kanyang paliguan. Nangingislap ang kanyang katawan sa pagtama ng sinag ng araw dito.

      Naglakad siya habang isinusuot sa kanyang katawan ang roba at tumuloy na sa kanyang silid damitan. Kung saan naroon ang mananahi ng palasyo at inaayos ang damit na kanyang susuotin para sa gaganaping pagtitipon. Isa itong pinanghalong pula at asul na kasuotang pang maharlika. Ang tipikal na disenyong gusto niya. Napangiti siya sa mananahi at pinuri niya ang may edad nang lalaki sa magandang gawa nito.

    "Magaling ang iyong pagkakagawa Ginoong Thomas. Isang napakagandang kasuotan." papuri niya sa mananahi.

    "Isang karangalan na paglingkuran ka mahal na prinsipe. Kung maari po ay iyong maisukat ang damit upang maayos ko pa ito. Galing kayo sa isang pagsasanay noong sukatan ko kayo kaya mamaaring maluwag sa inyo ito." malumanay na pakiusap ng mananahi sa prinsipe at pumayag naman ang huli.

    Sinukat niya ang damit at nagustuhan niya ang pagdampi ng tela nito sa katawan niya. Hindi ito ganoon kahapit kaya sang-ayon na siya sa sukat nito.

    Matapos niyang hubarin ang kasuotan ay agad niyang tinungo ang limang damit na nakahanda na para sa kanya. Hawak na ito ng mga tagasilbi at mataman niyang pinili ang susuotin niya para sa umagang iyon.

    "Gusto ko ang asul na damit na yan. Yung iba ay ibalik niyo na sa damitan." utos niya sa mga tagasilbing hindi niya napili. At lumapit sa kanya ang tagasilbi na pakiramdam niya ay napakaswerte niya dahil siya ang magsusuot ng damit na iyon para sa mahal na prinsipe.

The King's Lover (Historic BL)Where stories live. Discover now