Pagbitiw

2.7K 151 5
                                    

 
     Ang mga kampana ng katedral ay hindi magkamayaw sa pagalingawngaw sa buong kaharian. Naganap na ang dapat mangyari sa araw na iyon. Naikasal na ang susunod na hari at reyna ng buong Thesalus. Ang mga nagaabang sa labas ng katedral ay puno ng galak dahil makikita nila ang parada ng maharlika at maging ang bagong kasal sa kalsada ng bayan ng Thesalus. Lahat ay nakapila na sa gilid ng mga kalsada at hinhintay ang mga karwahe na dumaan.

    Si Persius ay matamang naghihintay lamang sa pinto ng katedral at pilit na linalabanan ang luhang kanina pang nais na lumabas sa kanyang mga mata. Ngunit hindi siya maaring magpakita ng kahinaan sa harapan ng kanyang mga kasamahan. Nais niyang matapos na ang araw na ito at ituloy na ang binabalak niyang paglisan sa pagiging isang punong kawal. Ito lang ang tanging paraan upang matupad niya ang pangako sa prinsipe na mamahalin niya ito habang buhay.

    At hindi niya ito magagawa kung patuloy siyang nakatali sa mga kamay nito. Babawiin niya ang prinsipe. Kapag sapat na ang kanyang kapangyarihan. Dahil hindi mapapatid ang pangagailangan niya dito at ang pagmamahal niya dito ay mas lalo lang sumisidhi dahil sa daming pagsubok na dumaraan sa kanila.

    Hindi naman napigilan ng lahat ang mapahanga nang tuluyang bumukas ang pinto ng katedral at ilinuwa noon ang bagong kasal na si Prinsesa Sanya at Prinsipe Brandon. Masayang masaya ang lahat kaya't nagsaboy ang mga ito ng butil ng bigas at talulot ng mga bulaklak bilang isang pagbati at pagbibigay pugay narin ng mamamayan sa kanilang mga pinuno pagdating ng araw.

   Hinahanap ng mata ni Prinsipe Brandon ang kanyang punong kawal ngunit hindi niya ito makita kahit saan. Hindi niya parin lubos matanggap na nakatali na siya sa isang taong walang kahit na anong puwang sa puso niya. Oo at ikinasal siya ngunit hindi sa taong minamahal niya. Sa taong tanging titulo lamang ang makukuha mula sa kanilang kaharian. Ang hihiranging reyna ng Thesalus.

    "Kamahalan.. Ako ay labis na nagagalak na tayo ay ganap ng mag-asawa. Hinintay ko ng napakatagal ang panahong ito upang sumapit. At tila nagdiriwang ang aking puso at isipan at hindi parin ako makapaniwala." walang kapantay na sayang lahad ni Prinsesa Sanya ng kanyang saloobin.

    "Ang lahat ng ito ay sapilitan lamang.. Kaya ngayon palang, sinasabi ko na sa iyo mahal na prinsesa, hindi isang masayang pagsasama ang aasahan mo sa ating kasal. Dahil alam kong alam mo, na hindi ikaw ang tinitibok ng aking puso at laman ng aking isipan." mapait na sambit ng prinsipe na tinanggap naman ng prinsesa.

   Masakit man ngunit iyon lamang ang tangi niyang alam gawin ngayon. Kailangan niyang tatagan ang kanyang sarili at darating rin ang araw na iibigin siya ng pinakasalang prinsipe. At hindi siya panghihinaan ng loob at mawawalan ng pag-asa. Alam niyang makakalimutan rin nito kung sino man ang nagpapatibok ng puso nito sa kasalukuyan.

   --------------------

    Puno ng ilaw at naggagandahang dekorasyon ang bulwagan ng palasyo. Naroon ang mga mananayaw sa pasayawan nito at mga piling panauhin sa mahahabang mesa na punong puno ng masasarap na pagkain. Ang lahat ay galak at may kasiyahan ngunit kapansin pansin ang kawalang gana ng prinsipe sa kanyang kinauupuan habang iniinom ang laman ng kanyang kopang hawak.

    "Magandang gabi sa inyong lahat! Nais ko lamang magbigay ng pasasalamat sa lahat ng naririto upang ipagdiwang ang kasal ng aking anak na si Prinsipe Brandon at ang ating Prinsesa Sanya. Kayo ay malaking bahagi ng aming kasiyahan. Kaya nais kong magbigay ng isang kampay, para sa kasaganahan at kalusugan ng ating mga susunod na hari at reyna." at itinaas ni Haring Bernard ang kanyang hawak na kopa at sinabayan siya ng nakararami at nilagok nila ang laman nito.

   Nagpalakpakan pa ang lahat at nagsimula na ang sayawan at walang patid na usapan sa bawat sulok ng bulwagan.

    Kanina pa nawawalan ng pasensiya ang prinsipe dahil hindi niya mahagilap ang kanyang punong kawal. At nang kanyang idako ang kanyang paningin sa pinakadulong bahagi ng bulwagan ay naroon ang kanyang pinsan at ang punong kawal na nag-uusap. Kita niya ang pagngiti ni Persius sa kanyang pinsan na labis na kinakirot ng kanyang puso.

The King's Lover (Historic BL)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora