Kudeta

2.5K 125 6
                                    


        Nakarating si Cali sa Jurna at agad niyang hinanap ang kapanalig na kapitan ng punong heneral na kasalukuyang namumuno sa bihag na bayan ng Corinthia. Nasa bahay pahingahan ang kapitan at batid ni Cali na may kaulayaw itong babae dahil sa mga halinghing na naririnig niya sa labas ng tabing. Ngunit hindi na siya nahiyang pang tawagin ito.

     "Kapitan Minos.. May sulat mula sa punong heneral. Kailangan niyong mabasa ito agad." malakas na tawag ni Cali mula sa labas ng tabing ng bahay pahingahan ng kapitan.

     Ang pagniniig ng kapitan at ng kanyang kaulayaw ay pansamantala niyang itinigil at agad nagbihis ng kanyang damit panloob at linabas ang sundalong batid niya ang tinig.

     "Cali.. Bakit sa ganitong oras mo ako dapat gambalain? Matagal na panahon ko na itong hinintay na mangyari." inis na saad ng kapitan sa tapat na sundalo ng punong heneral.

    "Mas mahalaga ang malaman mo ang nilalaman ng sulat kapitan. Isang bagay na dapat na nating paghandaan dahil malapit na itong maganap." seryoso ang mukha ni Cali habang linalahad niya ang saloobin sa kapitan na malapit na kaibigan din ng punong heneral.

     Binuklat niya ang nakatuping papel at binasa sa kanyang isipan ang nilalaman nito.

     Kapitan Minos.. Nangyayari na ang aking kinatatakutan. Ang napipintong pagpapatalsik sa hari ay tuluyan nang nabuo sa isipan ng Duke Tristan. Kailangan ko ang iyong tulong. Lipunin mo na ang ating sinanay na hukbo at dalhin mo agad sila sa kagubatan ng Asenya. Doon kayo magtatagpo kasama ang hukbo ng gobernador ng Timog Corinthia. Ibibigay ko ang hudyat ng inyong pagsalakay sa palasyo. Kailangan nating maging maingat. Dahil kapanalig ng duke ang halos lahat ng duke at konseho ng hari. Mahihirapan tayo kung hindi tayo magiging maingat sa ating mga kilos. Nawa ay magtagumpay tayo sa ating mithiin. Ang mapanatili ang kasaganahan at katiwasayan sa Thesalus. Para sa ating bayan. At para sa ating hari.

    Tiniklop ng kapitan ang sulat ng punong heneral at agad na inatasan si Cali na agad na sumunod sa kanya dahil pupuntahan nila ang kampo ng mga hukbong lihim nilang sinanay.

     Ang katapatan niya sa kanyang kaibigan na nagligtas sa buhay niya ay walang makakapantay. Kaya gagawin niya ang lahat upang matulungan ito. At ito na ang pagkakataon niya upang makabawi rito.

    Mabilis niyan isinuot ang kanyang baluti at sinukbit ang kanyang kalasag at espada. Nagpaalam siya sa kanyang kasintahan at hinalikan ito sa pisngi at nangakong babalik ito agad.

    Naglakbay ang kapitan at si Cali patungo sa kampo ng hukbo at natagpuan nila ang masigasig na mga sundalong patuloy sa kanilang ginagawang pagsasanay. Tiyak niyang sapat na ang lakas ng mga ito upang kalabanin ang hukbo ng palasyo. Si Heneral Persius mismo ang nagsanay sa kanila at alam niyang sa galing ng heneral ay hindi maitatangging nakagawa ito ng hukbong katatakutan ng buong Thesalus at iba pang kaharian.

    Nagtipon ang lahat sa pagdating ng kapitan at nagbigay ng galang ang mga ito. Ang nakatalagang mga bantay naman sa mga sundalo ay nabigla sa pagdating ng kapitan ngunit nagsalita na ito bago pa sila magtanong.

      "Dumating na ang panahon na pinaghahandaan natin. Ang heneral ay ginawa kayong mga sundalo upang sa pagdating ng panahon ay ipagtatanggol niyo ang ating kaharian mula sa mga kaaway. At ngayon na ang panahong kailangan tayo ng ating Heneral. Alalahanin niyo ang pinanggalingan ninyo. Ang lahat ng ginawa ng heneral upang mabago ang inyong mga buhay. Ngayon na ang pagkakataon na ipakita natin sa heneral na tayo ang lakas na kanyang inaasahan. At hindi tayo mabibigo sa ating layunin na pangalagaan ang kaharian kapalit ang ating mga buhay! Nakahanda na ba kayo?" mahabang saad ng kapitan sa nakalinyang mga sundalo at agad na yumuko ang mga ito bilang pagsang-ayon sa linahad nito.

The King's Lover (Historic BL)Where stories live. Discover now