Ang Pagbagsak ng Hari

2.4K 122 4
                                    


      Nakaantabay na si Kapitan Minos at ang lihim na hukbo sa kagubatan ng Asenya. Naglatag na sila ng kampo roon samantalang ang gobernador ng Timog Corinthia naman ay pinadala narin ang hukbong ipinangako niya para kay Persius. Limang libo ang bilang ng mga sundalo na naroon ngayon at alam ng kapitan na hindi ito sasapat upang kalabanin ang Limampung libong sundalo ng Thesalus.

      At ang kalahati nito ay hindi kapanalig ng punong heneral kaya malaki ang tsansang hindi sila magtagumpay sa kanilang balak na pangalagaan at protektahan ang hari sa abot ng kanilang makakaya.

     Si Cali ay nagmamadali nang bumalik sa palasyo upang ipagbigay alam sa punong heneral ang pagdating ng kanyang lihim na hukbo kasama si Kapitan Minos sa kagubatan ng Asenya. Nalalapit na ang kudeta. Hindi nila piho kung ano ang posibleng maganap.

    Narating ng sundalo ang tanggapan ng sandatahang lakas at naabutan niya ang isang pagtatalo sa pagitan ni Heneral Elio at ng kanyang punong heneral. Kapwa may galit sa mga mukha nito nang maabutan niya ang dalawa sa silid ng punong heneral sa tanggapan.

     "Hindi natin dapat panigan ang haring walang ibang alam kundi ang uminom at manatili sa loob ng silid aklatan buong maghapon. Kailangan natin ng haring nakikipaglaban at ipinagtatanggol ang kanyang kaharian laban sa mga kaaway. Hanggang kailan ka ba magpapabulag sa iyong tungkulin? Hindi lahat ng panahon ay dapat nating sundin ang nakasaad na tungkulin para sa atin." madiin na saad ni Heneral Elio na hindi naman inimikan ng punong heneral.

     Nakatayo ang dalawa sa gitna ng nakabukas na bintana ng silid. Alam ni Persius na matagal na siyang kinakalaban ni Heneral Elio at ngayon ay hinihimok siya nito upang pumanig sa kanilang binabalak na pag-aalsa laban sa hari.

       "Kahit kailan.. Hindi tinatalikuran ng isang heneral ang kanyang tungkulin para sa kaharian. Hindi ang hari ang pinaguusapan dito kundi ang katiwasayan ng buong Thesalus. Sa tingin mo ba, kapag napatalsik ang hari, hindi kikilos ang iba pang kaharian upang samantalahin ang kahinaan ng Thesalus? Naiisip niyo ba ang maaring gawing hakbang ng mga karatig kaharian natin? Ang sakupin tayo? Dahil walang katiwasayan sa pamumuno ng ating kaharian!" sigaw ni Persius sa heneral na hindi naman siya pinakinggan.

     "Kailangan natin ng bagong hari.. At kung hindi ka sumasangayon sa aming hangarin. Maari ka naming pagbitiwin sa iyong posisyon. Mas marami kaming pumapanig sa pagpapatalsik ng hari. At madadamay ka sa pagbagsak ng hari na ayaw naming mangyari. Dahil ikaw ang pinakamagaling na punong heneral at kailangan ka ng Thesalus."

     Umiling si Persius at hinablot sa kanyang laylayan ang heneral na hindi naman umatras sa pakikipagmatigasan sa kanya.

      "Ang katapatan ko ay nasa hari, Elio. At hinding hindi ko tatalikuran ang aking tungkulin. Ako ang punong heneral ng Thesalus. At hindi niyo ako mapipilit na talikuran ang aking sinumpaang tungkulin. Baka nakakalimutah niyo na ang aking mga nagawa upang magtagumpay ang ating hukbo laban sa mga kaaway? Utang mo sa akin ang iyong buhay, Elio. At hinding hindi ko kayo mapapatawad kapag pinagpatuloy niyo ang kahibangang ito." galit na saad ng binatang heneral sa kanyang kapwa heneral.

    "Hindi ko nakakalimutan 'yun, Persius. Ngunit buo na ang aking loob. Hindi ko tatalikuran ang sinumpaan ko sa aking mga kasamahan. At kung ako sa'yo, hindi mo na tatangkain pang pigilan ang nakatakdang mangyari. Dahil ikaw ay mapapahamak din. Pasalamat ka at nasa panig mo ang napipisil naming bagong hari."

    Tinulak ni Persius si Heneral Elio at umalis na ito ng tuluyan sa kanyang silid sa tanggapan. Naiwang nakamasid sa kawalan si Persius at tila ba lumiliit ang pag-asang maililigtas niya ang hari sa nakatakdang pagpapatalsik dito.

    Agad na pumasok si Cali sa silid ng punong heneral at nabuhayan ito sa kanyang ibinahaging balita.

     "Ipagpaumanhin ninyo, heneral. Ngunit narinig ko lahat ng usapan niyo ni Heneral Elio. Ganoon ba kalala ang sitwasyon? Halos lahat na ba ng maharlika at malalaking tao sa kaharian ay payag na sa pagpapatalsik sa hari?" nababahalang saad ni Cali sa kanyang heneral.

The King's Lover (Historic BL)Where stories live. Discover now