Pagmamahal

3.7K 167 8
                                    


     Mula sa kanyang kinatatayuan ay masayang pinagmamasdan ni Persius ang prinsipe. Nakasakay ito sa kanyang kabayo habang nakikipaglaro ng polo sa kanyang mga kawal. Hindi mapatid ang tawanan ng prinsipe at ng mga kawal.

     "Huwag niyo akong dadayain. Malapit na akong manalo!" masayang usal ng prinsipe sa mga kawal na kanyang kalaro.

    Hindi nga naglaon ay natalo ng prinsipe ang mga kawal at nagpalakpakan ang mga tagapagsilbi niya maging si Persius ay tuwang tuwa sa magaling na pinakita ng kanyang prinsipe.

    Nagkatinginan pa silang dalawa at isang maluwag na ngiti ang binigay ng prinsipe sa kanyang minamahal na punong kawal.

     Bumaba siya sa kabayong sinasakyan at mabilis na nilakad ang kinatatayuan ni Persius. Ang ibang kawal naman ay nagsibaba narin sa kanilang mga kabayo upang muling bumalik sa kanilang mga posisyon.

    "Nakita mo ba ang aking ginawa doon, Persius? Hindi ba't napakagaling ko maglaro ng polo?" masayang sambit ng prinsipe na masayang tinanguan ng punong kawal.

    "Tunay ang iyong kagalingan, kamahalan. Hindi ko lubos maisip na ganoon ka kagaling maglaro ng polo. Ipagpaumanhin ninyo dahil ngayon ko palang din namasdan ang larong ito."

    "Sa susunod ay kasali ka na sa paglalaro nito. At kapag nanalo ka laban sakin, isang magandang gantimpala ang ibibigay ko sa'yo." sabay kindat ng prinsipe na kinapula ng punong kawal sabay kamot sa kanyang ulo.

   "Tara na at may pupuntahan tayong pagpupulong." utos pa ng prinsipe at naglakad na sila sa palaruan ng palasyo.

     Hindi mapatid ang sayang nadarama ng prinsipe na ngayon ay parati na niyang kasama ang binatang palaging hinahanap ng kanyang puso. Isang napakasayang pangyayari sa buhay niya.

    Nang sila ay nasa silid na ng prinsipe ay naabutan nila ang punong tagapaglingkod na pinahahanda ang pampaligo ng prinsipe.

     "Prinsipe Brandon, handa na po ang inyong pampaligo. At naghihintay narin silang lahat sa inyo sa bulwagan upang pag-usapan ang mga gagawin para sa nalalapit niyong kasal kay Prinsesa Sanya."

    Napatigil ang punong kawal sa kanyang paghinga nang marinig niya ang sinambit ng punong tagapaglingkod. Ikakasal na ang prinsipe?

    Maging ang prinsipe ay hindi inaasahan ang sinabi ng punong tagapaglingkod at sa haparan niya pa at ng lalaking kanyang iniibig.

    "Ginoong Martell? Hindi ba't akin nang pinahayag sa aking ama na hindi ko na nais pang maikasal kay Prinsesa Sanya? Hindi niya parin ba pinakinggang ang kahilingan ko?" magkahalong inis at galit na saad ni Prinsipe Brandon sa kanyang tagapagligkod.

     "Ngunit ito ang nakatakdang mangyari.. Ipinagkasundo ka na sa mahal na prinsesa at iyon ang nararapat na mangyari."

     "Hindi.. Hindi ko tatanggapin ang kahit na anong dahilan nila. Hindi ako magpapakasal kay Prinsesa Sanya."

    Lihim naman na nasasaktan ang punong kawal mula sa kanyang mga narinig. Hindi niya inakala na darating pala ang panahon na ito na kailangang gampanan ng prinsipe ang kanyang tungkulin bilang hari ng Thesalus pagdating ng panahon. At kabilang na doon ay ang pagpapakasal nito sa hihiranging reyna.

    "Kamahalan.. Isang malaking kaguluhan ang inyong sisimulan kapag nagpatuloy kayo sa ganitong asal ninyo. Kailangan niyong tuparin ang napagkasunduan ni Haring Bernard at ni Haring Thormus."

    Napakuyom ang kamao ng prinsipe at lihim na nagagalit. Kung kailan nagsisimula na siyang maging masayang muli, patuloy naman siyang binibigyan ng pagsubok ng tadhana. At hindi niya pa alam kung anong mararamdaman ni Persius sa kanyang mga nalaman.

The King's Lover (Historic BL)Where stories live. Discover now