Dalawang Hari

2.5K 135 5
                                    


      Ang mainit na sikat ng tag-araw ay nanunuot sa katawan ni Brandon ngunit wala siyang iniinda ang init na nadarama dahil pagkakataon na niyang makita ang kanyang matagal nang ninanais. Ang pagkagulantang sa mukha ni Tristan. Ang makita nito kung gaano kalaki ang pinagbago niya.

    Tinahak nila ng kanyang mga kasamang sundalo ang dalawang malalaking ilog at ilang kapatagan bago nila narating ang hangganan ng Thesalus at Sineclos. At namataan ni Brandon ang kampong itinayo ng kanyang pinsan.

     Bago paman sila makapasok sa loob ng kampo ay hinarang na sila ng mga sundalo't kawal ng Thesalus at hinihiling sa kanila ang pagbibigay galang sa hari ng Thesalus ngunit tumalima lamang si Brandon at tinutukan ng espada ang isa sa mga kawal at nahindik naman ang iba pa sa ginawa ng dating hari nila.

     "Mukhang nakalimutan mo na kung sino ang iyong kaharap? Ako ang totoong hari ng Thesalus at hindi ko kailangang magbigay pugay sa inyong huwad na hari." banta ni Brandon na mas kinatakot ng iba pang sumalubong sa kanila sa bukana ng kampo. Kaya mabilis na inatasan ng isang sundalo ang lahat na bigyan sila ng daan at napangiti naman si Brandon. Ngayon niya napatunayan na handa na siyang makaharap ang kanyang traydor na pinsan.

     Narating ni Brandon ang puso ng kampo at tila nakakita ng multo ang lahat nang siya ay masilayan ng mga ito. At isang sundalo ang aligagang tinungo ang tinutuluyang tolda ng hari upang ipagbigay alam ang pagdating ni Brandon sa kanilang kampo.

    Ang hari naman ay abala sa pagpapatalim ng kanyang espada at mataman lamang na tinitingnan ang wangis niya sa repleksyon na gawa ng makinis na talim ng espada niya.

    Nasasabik na siyang itarak ito sa puso ni Brandon ngunit hindi pa ito ang panahon. Nais niya munang masiguro na hawak ni Brandon si Persius. At kukunin niya ang binata mula dito at malaya na niya itong mapapaslang. Isang bagay na dapat noon pa nangyari kung di lang naging inutil ang kapitan na kanyang inutusan.

    "Kamahalan! Ang---Ang dating hari ay dumating sa ating kampo..." gulantang na anunsyo ng sundalo sa kanyang hari na kinangisi naman ni Haring Tristan.

     "Nakarating na pala ang hangal kong pinsan. Hindi ko inaasahan na kakagat siya sa pain ko." nakangiting saad ng hari at agad na ibinalik ang kanyang espada sa pinaglalagyan nito at agad na tumayo upang lisanin ang kanyang tolda. Nang hawiin niya ang tabing nito ay tumambad sa kanya ang hindi na niya halos makilalang anyo ni Brandon.

    Ang ngiti sa kanyang labi kanina ay napalitan ng takot at pangamba. Wala na ang dating maliit na pangangatawan ng hari. Batak na batak na ito sa kanyang kasuotan at ang mukha nito ay nagsusumigaw ng katapangan at walang pag-aalinlangan. Hindi niya inaasahan na ganito pala ang mangyayari kay Brandon sa loob ng tatlong taon.

    Ang katauhan nito ngayon ay hindi na lang isang maharlika kundi isang tunay na hari. At iyon ang kinatakot ng kanyang puso. Mas malakas na ito kesa sa kanyang inaasahan.

     "Hindi ko inaasahan na isang tahimik na hari pala ang sasalubong sa aking pagdating dito sa kampo? Tila  ba nawala ka na sa iyong sarili, mahal kong pinsan?" panunuyang saad ni Brandon habang humahakbang siya papalapit sa kanyang pinsang traydor.

     "Ikaw ang nag-anyaya sa akin na makipagkita, ngunit tila ba hindi mo inaasahan ang aking pagdating?" pagpapatuloy pa niya hanggang sa magkaharap na sila ng tuluyan ni Haring Tristan.

     "Napakataas parin ng tingin mo sa iyong sarili, Brandon. Baka nakakalimutan mo na ako ang hari ng kahariang tinatapakan ng iyong mga paa?" sarkastikong saad ni Haring Tristan sa kanyang hambog na pinsan.

     "Mukhang nakakalimutan mo rin na inagaw mo lang sa akin ang kahariang iyong tinatapakan ngayon? Hindi ba't noon paman, nasa dugo mo na ang pagiging mangaagaw?" nakangiting saad ni Brandon na labis na kinagalit ng hari at pinipilit nitong pigilan ang sarili.

The King's Lover (Historic BL)Where stories live. Discover now