Ang Tagapagmana

2.3K 118 10
                                    

   Taong 1362 (Ikaanim na Taon ni Brandon bilang Hari)
 

     Malakas na pag-iyak ang narinig ni Baron Persius nang pumasok siya sa silid ng hari at agad naman siyang napatakbo upang tingnan kung ano ang nangyayari sa loob ng silid.

    Naabutan niya ang walang humpay na pag-iyak ni Prinsipe Benedict na kalong ng ama niyang hari. Isang taong gulang na ang batang hari na napakarami na nitong dinadaing at ginugusto na hindi maunawaan ng hari. Agad naman siyang nakita ng hari at pagkabahala lamang ang namasdan niya sa mukha nito.

    "Umiiyak nanaman ang mahal na prinsipe namin? Mukhang hindi ka nanaman napalitan ng sapin ng iyong ama?" salubong ni Baron Persius sa tagapagmana ng hari nang bawiin niya ito mula rito at inakay sa kanyang mga bisig.

    Agad na inihiga ni Baron Persius ang prinsipe at agad na tiningnan kung basa ang sapin nito. At hindi nga siya nagkamali, basa na ito at agad siyang kumuha ng bagong pamalit nito at agad na pinalitang ang basang sapin.

    "Hindi ko yata makakaya na alagaan ang prinsipe na wala ka sa aking tabi. Mas malapit pa nga ang aking anak sa iyo." agad na saad ng hari nang makaupo siya sa higaan niya at minamasdan ang ginagawang pagaalaga ng kanyang minamahal sa tagapagmana ng kanyang kaharian.

   Ngumiti lang si Persius at agad namang tiningnan ang hari at ninakawan niya ito ng halik sa labi.

    "Masasanay ka rin sa iyong tungkulin bilang ama niya. At hindi mo kailangang mag-alala. Anak narin ang turing ko kay Benedict at alam kong magiging isa rin siyang magaling na hari tulad mo pagdating ng panahon." saad ni Persius sa hari na kinangiti lamang nito.

     Lumapit pa lalo ang hari sa kinauupuan ng minamahal at yinakap ito mula sa likuran nito.

      "Simula palang, alam kong wala nang magpapaligaya sa akin kagaya ng ligayang hinahatid mo sa buhay ko. Ang prinsipe ay isang regalo sakin mula sa langit at ikaw ang nagbigay sa akin ng pagkakataon na maranasan ang maging ama. Hindi man sa iyo galing si Benedict, alam kong ituturing mo rin siyang iyong iyo. Dahil ganoon mo kami kamahal."

    Hindi napigilan ni Persius na makaramdam ng labis na kasiyahan. Alam niyang dahil rin sa kanyang pagpupursige na maghanap ang hari ng nararapat na maging ina ng kanyang tagapagmana, ay nangyari ang lahat ng ito.

    Sa kasamaang palad, hindi nakayanan ng ina ng prinsipe ang pagbubuntis nito at binawian ng buhay nang siya ay tuluyang nakapanganak.

     "Siguro nga ay tinadhana na na tayong dalawa ang magsama hanggang sa huli. Dahil lahat ng kapahamakan at kaguluhan ay pareho nating nalagpasan. Tadhana ang naghatid sa atin sa ating kinalalagyan ngayon." dagdag pa ng hari at napalingon naman sa kanya ang lalaking iniibig.

     "Sa mata ng lahat, nakikita nila kung gaano nating pinahahalagahan ang isa't-isa. Alam kong marami paring ayaw tanggapin ang ating pagmamahalan, ngunit alam kong darating din ang panahon na mauunawaan nilang ang mga puso natin ang pumili sa isa't-isa. At hindi ako susuko hanggang sa makita nila kung gaano ka kahalaga sa buhay ko at sa buong Thesalus." giit pa ng hari na hindi mapigilan ni Persius na yakapin ito ng mahigpit at halikan muli sa labi.

    "Hindi natin kailangang ipilit sa kanila na tanggapin ang ating pagmamahalan. Alam kong magiging malinaw rin sa kanila na ang pag-ibig ay nabubuo mula sa dalawang taong piniling magmahal. Mali man sa kanila, ang mahalaga sa akin ay masaya tayong dalawa at nagagawa natin ang ating tungkulin para sa kaharian."

    Tumango lamang ang hari bago sila ginulantang muli ng pag-iyak ng prinsipe na kinatawa lamang nilang dalawa. Agad na kinarga ni Persius ang prinsipe at agad itong nilaro hanggang sa tuluyan na itong tumawa kasabay nila.

The King's Lover (Historic BL)Where stories live. Discover now