Maging Isang Kawal

4.1K 211 11
                                    


     Nagpupuyos ang damdamin ni Prinsipe Brandon habang magkahalikan sila ni Persius. Gusto niyang mas higit pa doon ang gawin niya dito. Ngunit itinulak siya nito papalayo. Naguguluhan ang binata sa inasal ng prinsipe.

    Bakit siya nito biglang hinalikan? Kapwa sila lalaki at mali ang kanilang ginagawa sa mata niya at sa mata ng napakaraming tao.

     "Ka-Kamahalan.. Hindi po maaari ang ginagawa ninyo. Mali po ito."

      "Walang mali sa ginawa ko, Persius. Dahil iyon ang gusto ko. Iyon ang nararamdaman ko. Bakit? Hindi mo ba nararamdaman ang mabilis na pintig ng puso mo nang maglapat ang ating mga labi?"

       Hindi makasagot si Persius dahil hindi niya rin alam kung ano ang mararamdaman sa mga sandaling iyon. Paano niya sasabihin sa prinsipe na kahit meron man siyang kaunting pagnanais na maulit muli ang halikan nila, mali parin ito. At higit sa lahat, wala siyang karapatang dampian ang kahit na anong parte ng katawan ang isang maharlika.

     "Wala po akong naintindihan sa sinabi ninyo. Marahil ay isang kaguluhan sa isipan lamang ang inyong naramdaman. Hindi po ako karapatdapat na manatili manlang sa harapan ninyo dahil isa po akong maralita. Isang hamak na mangangaso lamang at nagnanais na maging kawal ng palasyo."

     "Tinatanggihan mo ba ang pabor na binibigay ko sa'yo, Persius? Ako ang iyong prinsipe at magiging hari.. Ano ang karapatan mong tanggihan ang aking nararamdaman para sa'yo?"

     Napatungo lamang si Persius dahil hindi niya parin alam kung paano aalisin sa prinsipe ang nararamdaman nito para sa kanya. Ayaw niyang masangkot siya sa isang kaguluhan. Ayaw niyang madamay ang pamilya niya dahil sa bugso ng damdamin ng prinsipe.

      "Kailangan niyo pong pag-ingatan ang pangalan ninyo, kamahalan. At hindi magugustuhan ng mga tao kapag nalaman nila kung anuman ang nasa loob ng puso mo. Ako po ay hindi karapatdapat sa inyong pabor o kahit na anumang bagay."

     Napakuyom ng kanyang kamao ang prinsipe at hindi niya akalain na ang isang tulad ni Persius ay tatanggihan lamang siya. Wala siyang ibang hinangad kundi mapasakanya ang binatang ito. Dahil habang tumatagal na kasama niya ito ay lalong sumisidhi ang pagnanasa niya para dito.

     Isang pagnanasang gusto niyang matugunan. Ngunit siya ay muli nanaman bang mabibigo? Hindi na siya makakapayag pa. Sisiguruhin niyang sa kanya lamang mapupunta si Persius.

     "Kung gayon. Makakaalis ka na. Pero sinisiguro ko sa iyo na hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang tinatanggihan ako."

     Itinuro ng hari ang pintuan at itinapon niya ang pares ng damit na kanyang pinili para isuot ni Persius.

     "Gagawin ko ang lahat upang ikaw mismo ang magmakaawa at lumuhod sa harapan ko. Hindi mo alam kung gaano mo ako nasaktan ngayon, Persius."

     Walang imik na isinuot ni Persius ang damit na ihinagis sa sahig ng prinsipe. Sa loob niya ay natatakot siya sa kung ano pa ang maaring gawin ng prinsipe. Natatakot siya para sa kaligtasan niya at ng kanyang pamilya.

    "Kawal.. Ihatid mo ang lalaking ito palabas ng palasyo." tawag ng prinsipe sa nakabantay na kawal sa pintuan ng kanyang silid.

     Isang sulyap pa ang binigay ni Persius sa naghihimutok na prinsipe bago siya lumisan sa silid na iyon.

    Hindi niya alam kung bakit parang nahihirapan siyang makita na ganun ang ekspresyon sa mukha ng prinsipe. Dahil kahit papaano ay naging laman narin ito ng isipan at damdamin niya. Ang nangyari sa kanila sa gubat ay parang guhit ng tadhana. Sadyang pinagtagpo sila. Ngunit alam niya rin ang dapat at hindi dapat. Dahil ayaw niyang masaktan lamang ang damdamin niya sa bandang huli.

The King's Lover (Historic BL)Where stories live. Discover now