Unang Patak ng Niyebe

3K 145 2
                                    


         Abala na ang lahat sa palasyo sa paghahanda. Ang simbahan ay napapalamutian na ng magagandang bulaklak na mula pa sa Gresya at Alemanya. Hindi mapatid ang kasiyahan ng mga tagapagsilbil sa kanilang natutunghayang karangyaan sa lahat ng sulok ng palasyo. Ipagdiriwang na nila ang kasal ng Prinsipe Brandon at Prinsesa Sanya. At isa itong kaganapang hindi dapat kaligtaan ng kahit sinuman sa kaharian.

      Ang mga tagapagsilbi ng Prinsesa Sanya ay ligalig narin at hindi magkamayaw sa pagdating ng mga panauhin nito sa kanyang silid at naghahatid ng mga regalo para sa nalalapit na kasal nito sa prinsipe. Hindi narin makapaghintay ang prinsesa sa pag-iisang dibdib nila ng prinsipeng kanyang pinangarap.

      Narito narin sa Thesalus ang kanyang mga magulang at maging ang ilan niyang kamag-anak upang masaksihan ang kanyang kasal.

       Sa isang bahagi ng palasyo ay nakadungaw lang sa kanyang balkonahe si Duke Tristan at linalanghap ang malamig na hanging nagmumula sa hilaga. Batid niya na nalalapit na ang pagpatak ng unang niyebe. At hudyat narin iyon upang bumalik siya sa Elustre at maghanda sa napipintong kaguluhan.

      Ngunit hindi mawala sa isipan niya ang binatang punong kawal ng prinsipe. Ilang arawa niya narin itong pinagmamasdan kasama ang prinsipe ng palihim. Kita niya kung gaano kapanatag ang loob ng prinsipe sa tabi nito kaya't nahihimigan niyang may kakaiba sa pagtingin ng prinsipe sa binata.

      Hiniling niya sa prinsipe na ibigay sa kanya ang binata ngunit hindi siya nito pinakinggan kaya naisip niyang marahil ay isang napakahalagang tao ng punong kawal at ayaw ng prinsipeng mawala ito sa tabi niya.

      Ngunit ngayon palang naghangad ang duke ng isang bagay. At alam niyang kapag ang hari ang kanyang kinausap at hilingin ang kanyang ninanais ay ibibigay nito ang kagustuhan niya. At walang magagawa ang prinsipe doon.

      Napangiti siya dahil sa nabuo niyang plano. Sa gabi ng pagdiriwang ng kasal ay doon niya mismo hihilingin sa hari na ibigay sa kanya ang punong kawal upang maging punong sundalo niya. Ngayon pa lang siya hihiling dito at alam niyang dahil sa kasiyahan nito ay ibibigay nito sa kanya ang kanyang kahilingan.

      Nakahanda narin ang kanyang susuotin sa kasal ng kanyang pinsan. Isang puti at gintong kasuotan na naaayon sa kasal. Ang puti para sa magandang pagsasama at ginto para sa kasaganahan. Nais niyang maging masaya ang prinsipe sa piling ng mapapangasawang prinsesa. Ngunit alam ng binatang  duke na may ibang tinatangi ang kanyang pinsan. At kung ang punong kawal man iyon ay hindi ito maaaring malaman ng buong kaharian.

      Isang kaguluhan at kapahamakan lamang ang mangyayari kapag nalaman ang relasyon ng prinsipe sa kanyang punong kawal. Batid niya sa kanyang sarili na hindi din siya umibig at nagkagusto sa isang lalaki ngunit kakaiba ang punong kawal. Isang nakakabighaning mukha ngunit mas nakakabighani ang kakisigan at lakas nito na hindi pa niya nasilayan kahit kanino man.

     ----------------

       Tangan ang munting papel ay naglakad si Persius patungo sa tinutuluyan niyang silid sa palasyo. Hindi siya makapaghintay na buksan ang liham na ipinadala ng kanyang ina. Alam niyang si Tandang Mateo ang nagsulat nito dahil hindi marunong ang kanyang ina na magsulat.

    Binuklat niya ang kapirasong papel at bumungad sa kanyang mata ang napakagandang sulat kamay ng matandang kapitbahay.

    "Persius.. Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Maraming salamat sa iyong pinapadalang salapi sa amin ng iyong mga kapatid. Isang malaking kaginhawaan ang naibigay mo sa amin. Sampung pirasong ginto ay sapat na upang makabili tayo ng lupain sa kapatagan na aking pagpupursigihang sakahin kasama ng mga kapatid mo. Sa ngayon, hinihintay ko ang pagsisimula ng taglamig dahil kailangan namin ng mas maraming panggatong. Nangungulila kami sa iyo anak.. Ang tahanan natin ay hindi katulad noong nandito ka pa. Ngunit labis parin akong nasisiyahan dahil natupad mo ang iyong pangarap. Nawa ay patuloy mong tatagan ang iyong sarili. Mahal na mahal ka namin anak."

The King's Lover (Historic BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon