Walang Hangganan(Final Chapter)

4.5K 213 47
                                    


Ang huni ng mga ibon ay siyang tanging maririnig sa labas ng silid ng hari. Ang nalalapit na tagsibol ay nagbabadya nang dumating dahil unti-unti nang nalulusaw ang mga niyebe at yelong nakapalibot sa paligid ng buong kaharian. Mula sa kanyang bintana ay tinatanaw ng hari ang papasikat na araw. Kalong niya ang kagigising lang din na prinsipe. Hindi ito umiiyak kundi nakayakap lamang sa kanya at nakatungo ang ulo sa kanyang balikat.

"Benedict.. Ayaw mo bang makita ang papasikat na araw?" masuyong tanong ni Haring Brandon sa anak na umiling lang sa kanya. Ayaw niya itong pilitin dahil alam niyang masama ang loob nito.

"Hindi mo parin ba ako napapatawad? Alam mo namang kailangan kong gawin iyon upang sa iyong kabutihan." tugon niya ulit sa kanyang anak.

Agad itong humarap sa kanya at tiningnan siya ng maiigi. Nakakunot ang noo nito at parang nais nang maiyak.

"Gusto kong sumama sa kanya.. Pero bakit bawal, ama? Hindi ba't sabi niyo naman, malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko?" usal ng tatlong taong gulang na anak ng hari.

"Oo, kaya mo na pero mapanganib ang lugar na pupuntahan niya. Kaya mas mabuti pang manatili ka nalamang dito." nakangiting saad ng hari sa munting prinsipe.

Muling bumalik sa pagtungo ang prinsipe na kinangiti naman ng hari bago muling ibalik ang kanyang pansin sa papasikat na araw.

Ilang araw narin simula ng lumisan ang kanyang minamahal.. Wala na siyang ibang iniisip kundi ang kalagayan nito. Mula nang araw na muntik na itong mawala sa kanya, hindi na niya ninais na mawalay pa ito sa kanyang paningin kahit minsan.

Mapalad itong nabuhay pa sa kabila ng sampung pana na tumama sa iba't-ibang bahagi ng katawan nito. At dahil sa pagiging maagap niya ay agad niya itong naibalik sa kampo at agad nagamot ng mga doktor. Hindi mawala sa kanya ang takot ng araw na iyon at agad na inutos sa mga imbestigador ng hukbong sandatahan na alamin kung sino ang nagutos na patayin si Persius. Malaking kaguluhan ang dinulot ng insidenteng iyon kaya lahat ng maharlika ay natakot sa kanilang buhay. Paano kung sila na ang isunod ng mga ito.

Isang linggong walang malay si Persius at patuloy itong lumaban para mabuhay. Hindi umalis si Haring Brandon sa tabi nito at siniguro niyang naiinom nito ang mga gamot at maayos lagi ang kalagayan nito hanggang sa tuluyan itong nagkamalay tao at doon lamang siya nakahinga ng maluwag.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung nawala ito ng tuluyan sa kanya. Ang kanyang buhay ay umikot na dito at lahat ng ginagawa niya ay dahil narin sa kaagapay niya ito sa lahat ng bagay.

Muli niyang binuksan ang posibilidad na may nais na mawala sa landas nila ang baron kaya inutos nitong ipapaslang ito. At dahil doon ay tinipon niya lahat ng miyembro ng kanyang konseho at isa isa niyang minatyagan ang mga kilos nito.

Hindi niya maaring ipagwalang bahala nalamang ang nangyari kay Persius at hindi nga siya nagkamali sa kanyang mga hinala. Ang kanyang punong tagapayo at ang ilang miyembro ng kanyang konseho nga ang nagbalak na ipapatay si Persius na labis na ikinagalit niya.

Agad niyang ipinahuli si Ginoong Victor, Ginoong Robin at Ginoonh Hector at pinatawan niya ng parusang kamatayan dahil sa pagtatangka nito sa buhay ng pinakamataas na miyembro ng kaharian maliban sa hari.

Ang pagmamakaawa ng mga ito na buhayin sila at pagbayaran nalamang ang kanilang nagawa sa pamamagitan ng pagpipiit sa mga ito ay hindi tinanggap ng hari. Para sa kanya, walang kapatawaran ang ginawa ng tatlo kaya sa harapan niya mismo ay pinugutan ang mga ito ng ulo at pinaharap niya lahat ng maharlika sa kanya. Binigay niya itong babala na sinuman ang magtangkang muli sa buhay ng kanyang minamahal ay matinding kaparusahan ang naghihintay.

The King's Lover (Historic BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon