Halik

4K 214 7
                                    


       Galing si Diana sa bayan upang mamili ng mga kakailanganing gamit ng kanyang mga anak sa nalalapit na taglamig. Mga makakapal na kasuotan na matagal niya rin pinag-ipunan upang hindi na muling magkaroon ng sakit ang mga anak niyang mahina ang resistensya sa tuwing sumasapit ang panahon ng taglamig.

     Ngunit bago paman siya makalabas ng bayan ay inabutan na siya ng isang kawal ng isang papel na may mukha ng prinsipe dito at inaanyayahan ang lahat sa isang piging para sa mamamayan ng Thesalus bilang isang pasasalamat sa ikalabing walong taong kaarawan ng prinsipe. Natuwa naman si Diana at agad na linukot ang kapirasong papel na hawak niya.

    Dumating siya sa kanilang bahay at nandoon ang kanyang mga anak at masayang nag-uusap usap sa maliit na pahingahan sa kanilang munting tahanan. Nandoon ang tatawa sila ng malakas dahil sa kagiliw giliw na kilos ni Persival na ginagaya ang mga patawa ng payasong kanyang nakita sa bayan.

     "Naku, tama ang hinala ko at nagkakasiyahan nanaman ang mga anak ko. Narito na ako at hindi niyo manlang napansin ang pagdating ko." masayang saad ng ina ng tahanan.

    Tumakbo palapit sa kanya ang bunsong si Persival at agad na inabot dito ang dala niyang pasalubong para rito. Isang laruang trumpo na matagal na nitong hinihiling.

    "Ina? Totoo pong sa akin ito? Hindi po kayo nagbibiro?" puno ng pagkagulat sa mukha ni Persival nang makuha niya ang regalo mula sa ina.

     "Aba, syempre naman. Gusto kong tuparin ang aking pangako na ibibili din kita niyan pagdating ng araw. At ito na ang araw na yun. Nasiyahan ka ba sa aking regalo?"

     Nagtatalon sa tuwa si Persival at pinasalamatan ang kanyang ina.

     "Ina.. Ano ho itong papel na hawak ninyo?" saad bigla ni Amira at kinuha mula sa kamay ng ina ang linukot na papel.

    Nabigla siya nang makita ang larawan ng isang napakagwapong lalaki na sa tingin niya ay isang prinsipe. Namangha siya sa napakagandang pagkakalathala ng mukha nito sa papel.

     "Ina.. Sino po itong gwapong lalaking ito? Wala po akong maintindihan sa nakasulat eh? Ang gwapo niya naman po, parang isang prinsipe."

    "Patingin nga niyan.. Baka naman isang tulisan yan." saad ni Lisa na kinatawa lang ng nakababatang kapatid.

    "Hala.. Oo nga, napakagwapo naman nitong lalaking ito ina. Manliligaw niyo po ba siya?"

     "Lisa.. Tumigil ka nga. Anong manliligaw? Si ina magpapaligaw? Hindi uubra sakin yan.. Dadaan muna siya sakin bago niya maligawan si Ina."

     Tumawa nalang ang ilaw ng tahanan at matamang inayos ang mga dala niyang gamit para sa kanyang mga anak.

      

    "Siya si Prinsipe Brandon. Ang tagapagmana ng kaharian ng Thesalus. Hindi ba't napakakisig at napakagwapong lalaki niya? Siya ang susunod na hari natin." sambit ng ina ni Persius. At tiningnan niya ang larawang dala ng kanyang ina mula sa pamimili nito sa bayan.

    Agad siyang pinanlakihan ng mata nang makita niya ang imahe ng prinsipeng tinutukoy ng ina sa kanyang mga nakababatang kapatid.

    Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang lalaking iniligtas niya sa kagubatan ngunit ginantihan lang siya ng kagaspangan ng ugali. At isa pa.. Naalala niyang muli ang pagdampi ng labi nito sa labi niya na ilang araw narin niyang iwinawaksi sa kanyang isipan.

    "Naku.. Ang swerte naman po ng mapapangasawa ng prinsipe. Bukod sa siya ang magiging hari, balita din sa kaharian ang galing niya sa pakikipaglaban at pagiging matalino niya. Kaya alam kong magiging magaling siyang hari pagdating ng araw." sambit pa ni Lisa at sinang ayunan narin ng dalawang nakababatang kapatid.

The King's Lover (Historic BL)Where stories live. Discover now