Laro ng Puso

2.6K 127 3
                                    


      Nasa loob ng silid niya ang hari at hinihintay ang pagdating ng punong heneral. Hawak parin ang kopa at nakadamit pantulog. Sinimsim niya ang laman ng kopa at patuloy na iniisip ang mga bagay na ginawa ni Persius at ng kanyang pinsan. Hindi niya maiwasang magalit at magkaroon ng pagkamuhi sa lalaking akala niya ay sa kanya lamang habangbuhay.

     Narinig niya ang mga hakbang ng paa na papasok sa kanyang silid. Alam na niyang si Persius iyon at hinarap niya ito.

      Ang malamlam na ilaw sa kanyang silid ay tama lamang na mapagmasdan niya ang maamong mukha ng binata. Ang kanyang kaamuhan ay kabaliktaran ng kung sino na ito ngayon. Nandoon na kay Persius ang tindig ng isang mandirigma. Isang taong dumaan na sa kamatayan ngunit nalagpasan lahat ito.

     Nararamdaman niya ang panliliit dahil hindi niya matutumbasan ang narating ni Persius. Siya ay nakakulong sa palasyo samantalang ang binatang labis niyang inibig ay lumaban para sa kanyang kaharian.

     "Kamahalan.. Narito na ako." bungad ni Persius sa hari na matagal niya ring ninais na makasama. Gusto niya itong takbuhin at gawaran ng isang nangungulilang halik ngunit pinigil niya ang kanyang sarili.

     Alam niyang may nalalaman na ang hari tungkol sa nangyayari sa kanya at sa duke. At handa niyang ipaliwanag dito ang lahat.

     "Bakit ka nga ba bumalik pa, Persius? Hindi ba't masaya ka na sa piling ni Tristan? Ano? Masarap ba siya sa kama? Mas magaling ba siyang umindayog? Mas kaya ba niyang paligayahin ka kesa sa nagagawa ko para sa'yo?" puno ng hinanakit ang mga tanong ng hari sa kanya. Wala itong emosyon ngunit batid niya ang dinaramdam na sakit nito.

    "Kamahalan.. Magpapaliwanag ako. Hindi ko ninais na humantong sa ganun ang lahat. Ngunit kailangan kong makuha ang loob niya. Dahil siya lamang ang aking daan upang marating ko ang narating ko ngayon."

    Naitapon ng hari ang kopa na hawak niya at mabilis na hinakbang ang kinaroroonan ni Persius. Hinila niya ito sa laylayan ng kanyang damit at hinigit papalapit sa kanya. Ang galit na mata ng hari ay nagpapahina sa binatang heneral. Hindi niya ginustong maging ganito ang kahinatnan ng lahat.

      "Sa tingin mo ba maniniwala ako sayo? Matapos mo akong talikuran? Matapos mong itapon lahat ng meron tayo dahil lamang sa pangarap mong makuha ako.. Nagkamali ka ng daan na tinahak, Persius. Mas lalo mo lang pinatunayan sakin na katulad ka lang din nilang lahat. Uhaw sa kapangyarihan. Nakikita ko sa mata mo ang pagnanais na maging kapantay ang isang maharlika." galit na saad ng hari sa binatang heneral.

    Hindi makasagot si Persius dahil hindi niya na alam kung paano pa ipapaliwanag sa hari ang katotohanan sa mga ginagawa niya. Mahirap ipaliwanag sa hari ang lahat kung nabalot na ng galit at pagkamuhi ang puso nito.

     "Maniwala ka, kamahalan. Lahat ng ito ay ginawa ko para sa'yo.. Para sa ating dalawa. Hindi mo man maintindihan ngayon ngunit lahat ng ito ay ginawa ko para sa'yo dahil mahal na mahal kita." malumanay na saad ni Persius na kinalukot ng noo ng hari.

     "Mahal na mahal mo ako? Huh! Isang malaking kasinungalingan. Apat na taon. Apat na taon kang nawala tapos malalaman ko lahat ng kahayupang ginawa mo sa piling ng aking pinsan. Hinding hindi ko kayo mapapatawad. At pagbabayaran ni Tristan ang lahat ng kanyang ginawa. At ikaw, habangbuhay kitang ikukulong sa aking mga kamay. Pagbabayaran mo ang sakit na idinulot mo sa akin."

    At marahas na siniil ng hari ng halik si Persius. Hindi ito ang halik na inaasahan ng binatang heneral. Masiyado itong marahas ngunit sumuko din siya dahil mahal na mahal niya ang hari. Gagawin niya ang lahat mapatawad lamang siya nito.

      Ang kanilang mga kasuotan ay nagkalat sa sahig ng silid ng hari at pumaibabaw silang dalawa sa malaking kama. Hindi parin mapatid ang kanilang marahas na halikan na kahit alam ni Persius na puno ng galit ang puso ng hari, tinutugunan parin niya ito.

The King's Lover (Historic BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon