Chapter 05 - Good day (June 29, 2019)

57.8K 1.2K 218
                                    

Chapter 05 - Good day

Chapter 05 - Good day

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

December 13, 2010

When Odyssey went out of the classroom, nakailang tingin siya sa paligid.

Wala. Wala 'yung taong palaging nanggagambala sa kanya. 'Yung walang ginawa kundi dumikit na masahol pa sa dikya.

He should be happy right? Dalawang school year na siya nitong ginagambala. Kung may may sumusunod man sa kanya sa kahit saan bukod sa anino niya, sigurado, si Lee Gabriel na 'yun.

In their first year, a weird circumstance has brought them together because his last name is the same as her first name. Simula noon, she has persistently been following him everywhere. Hindi sila magka-klase noon, but this girl did her best para maging pilot section ng 2nd year kaya mas lumapit ito sa kanya last school year.

Hindi niya alam kung anong nangyari, pero ngayong school year, bumaba na naman siguro ang grado nito kaya sumilat na naman sa pilot at napabilang sa hetero sections. Balik na naman sa ito sa pahintay-hintay sa labas ng classroom nila.

Walang palya. Pwera na lang siguro kung isa sa cleaner sila, which is every Wednesday— or when she has extracurricular activities. So Odyssey used to think he has less things to worry about during Wednesdays. Parang may break ba siya kumbaga sa kalagitnaan ng linggo.

But these days, medyo hindi nagpaparamdam si Lee. Odyssey's starting to be wary if she would suddenly appear out of the bushes para gulatin siya.

Pero ibang tao ang nagpagulat sa kanya.

"Oh, may inaantay?" It's his classmate Jerico kasama ang girlfriend nitong si Lovely.

"W-wala ah."

"Kunwari pa 'to." Nakangiting sabi ni Lovely while holding Jerico's hands.

"Hanggang ngayon 'di pa rin kasi nililinaw ni Odi kung anong relasyon nila ni Lee eh." Jerico replied as if Odyssey wasn't there.

"Wala naman kasi." Odyssey replied matter-of-factly.

Dahil totoo naman. He has no intention of having a girlfriend in high school. At hindi ibig sabihing hindi niya na tinataboy at iniiwasan si Lee these days, eh sila na. As far as he knows, hindi rin naman siya nagbibigay ng motibo o kahit ano sa babae. Hinahayaan niya lang ito. Lee also never pushes him around. Basta, nandoon lang ito palagi. Especially now that they have been classmates during the sophomore year, hindi naman ito parang hangin para hindi niya na lang pansinin. Lalo pa't malaki rin utang na loob niya dito for helping his younger brother Perseus.

"Eh baka nawala na. Balita ko umaaligid-aligid doon si Julius 'di ba?" Panunudyo ni Jerico.

"At may isa pa... 'yung Aldrin ba 'yon? 'Yung senior?" Ginatungan naman ni Lovely.

"Oo. Gwapings na senior na parang ikaw na ikaw din. Ano sa tingin mo? Gagawing rebound siguro ni Lee 'yun kasi ayaw mo naman sa kanya."

Umiling si Odyssey. Wala naman talaga sa kanya kung anong gawin ni Lee. Maybe he's just a little bit used to her presence now.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon