Chapter 47 - Together (December 14, 2019)

26.5K 809 372
                                    

Chapter 47 - Together

July 02, 2019, wee hours

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

July 02, 2019, wee hours

"Mali ba?" Umiinom ng tig-isang can ng beer sila Odyssey at Perci habang pinag-uusapan ang nangyari kanina.

Of course, Odyssey chastised his brother for bringing Lee to the room without his permission. Hindi naman 'yun talaga sikreto, but it's not Perci's decision to do so.

Pero dahil nangyari na, 'pagtapos ng mga sermon, uminom na lang sila dahil sa kinahantungan ng lahat.

"Hindi mali. Ewan ko." Napapailing na sabi ni Perci. Nasa balcony sila sa gitna ng kwarto nilang dalawa at nakatingin sa city lights.

"Paanong ewan mo?"

"Kasi, tama naman na mag-asawa na kayo. Sana nga maging mag-asawa na kayo ni ate Lee at gumawa ng maraming maraming babies kasi kung dati hindi pa ako ready na maging tito, ngayon, may pang-bigay na ako ng maraming pamasko. Basta dapat lalaki una."

"Lasing ka na ba agad?"

"Seryoso kuya."

"Ano nga?"

"Tama naman nga. Ang mali lang 'yung timing. Bakit mo niyaya agad. Kakabalikan niyo pa lang 'oh. Kahit nga 'yung matagal ng magjojowa 'di ba, pinagiispan 'yung proposal? Tapos ikaw sa kwarto lang. Baduy mo!"

"Kung hindi mo kasi pinapasok sa kwarto..."

"Ako na naman? Sorry na nga kasi! Excited lang ako."

"Manang-mana ka sa pinagmanahan. Bakit ba hindi tayo makapaghintay sa mga bagay na gusto nating gawin?"

"Ewan ko." Uminom si Perci ng beer. "Siguro kasi ang tagal nating walang-wala. Ang tagal nating walang kayang gawin, kaya ngayong meron na tayo nito, we just can't help it."

Natawa si Odyssey but notes on his brother's vision and learned wisdom. Hindi rin nakasama na naghirap sila dati. Napagtibay sila ng panahon.

"Hindi naman niya ni-rejject 'di ba?" Tanong ni Perci.

"Hindi lang sumagot."

"So anong gagawin mo?"

"Hindi ko alam... Bahala na bukas."

"Tomorrow is never promised..."

"Whatever. Basta mahal niya pa rin ako bukas, kaya ko naman."

"Baduy."

"Pag nagmahal ka, walang baduy-baduy!"

"Pag nagmahal ka, walang baduy-baduy!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Where stories live. Discover now